CHAPTER THIRTEEN

8.9K 106 1
                                    

CHAPTER THIRTEEN


Dahil nga sa hindi naman masaydong malalim ang natamong sugat ni Maze sa pagkakasaksak nito ay nadischarge naman siya agad mula sa Ospital.

Pagdating nina Maze, Seth at syempre kasama si Grae sa unit ng mag-asawa ay hindi maalis ang tingin ni Seth kay Grae dahil sa mahigpit na pagkakahawak nito sa asawa niya dahil ito ang umaalalay dito.

Hanggang ngayon kasi ay hindi pa sila nagpapansinan ni Maze dahil sa naging pagtatalo nilang tatlo noong isang araw na hindi pa nareresolba dahil sa pagdating ng mga magulang niya at hindi na nila natuloy ang pina-uusapan nila kaya ayon hindi nagkapaliwanagan tungkol sa mga paratang nila sa isa't-isa.

Pero hindi na niya masyadong inaksayahan ng panahon ang mga ito at dumeretso na lang siya sa kwarto dahil ayaw niyang nakikita ang mga ito.

"Okay ka lang ba dito?" Tanong ni Grae kay Maze ng maiupo niya ito.

"Oo naman." Mabilis na sagot naman ni Maze sabay ngiti. "Bakit naman ako hindi magiging okay dito sa sarili naming bahay." Dagdag pa niya.

Isang malalim na buntong-hininga naman ang pinakawalan ni Grae bago sumagot. "Syempre maliban sa wala kang maalala ay mahina ka rin hindi ka makakalaban kung sakaling may gawing masama saiyo si Seth."

"Teka lang, talaga bang yang si Seth ang may utos na saktan ako?" Usisa ni Maze dahil pakiramdam niya ay hindi naman ito ang may utos kahit wala siyang naalala.

"Hindi ko rin sigurado pero yon ang sabi mo lang naman sa akin noon last time kaya nga mas mainam pa rin na mag-ingat ka kasi baka siya nga diba."

Napanguso tuloy si Maze dahil sa sinabi ni Grae. "Hay! Parang ang hirap naman pala ng sitwasyon ko, nagpakasal ako sa taong hindi ko naman mahal at gusto pa akong saktan – sana maalala ko na ang lahat."

Dahil sa tinuran ni Maze ay hinawakan ni Grae ang kamay nito. "Hayaan mo na babalik din 'yan sabi naman ng Doctor diba temporary loss of memory lang naman yan kaya malay mo bukas bumalik na lahat ng alaala mo."

"Hay sana nga." Ani Maze sabay hinga ulit ng malalim.


0 – 0 – 0 – 0 – 0


"Saan ho ako matutulog?" Tanong ni Maze sa Tita Nica niya pagdating nito.

"Sa kwarto niyo ni Seth.." Sagot naman nito.

"Huh?" Nanlaki pa ang mga mata niya. "Bakit po doon?"

"Syempre diba mag-asawa kayo kaya dapat sa iisang kwarto kayo natutulog saka isa pa dalawa lang ang kwarto dito at since dito kami ngayon nagstay kami ang gumagamit ng isang kwarto."

Gusto pa sanang sumagot ni Maze na hindi naman nila mahal ang isat-isa ni Seth pero bakit kailang sa iisang kwarto lang sila natulog pero hindi na siya kumibo pa o nagsalita pa dahil nahihiya siya.

Napatango-tango na lang tuloy siya sa sagot ng Tita Nica niya.

"Sige na pasok ka na kwarto at para makapahinga ka na – aalalayan kita."

"Sige po." Sagot niya saka dahan-dahan na siyang tumayo at ang Tita Nica naman niya ay mabilis din na lumapit na sa kanya para alalayan siya.

Pagkapasok nila ng kwarto ay naabutan nila na nakapwesto na si Seth sa kama.

"Tumayo ka nga diyan at alalayan mo itong asawa mo." Utos ni Nica sa anak.

Kahit sana ayaw ni Seth ay wala naman siyang magagawa kaya tumayo na siya para alalayan si Maze.

MY MONSTER HUSBAND (COMPLETED) (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon