...

12 4 2
                                    

10 YEARS OLD

👩: bagong lipat kayo?

👨: ah, o-oo

👩: anong pangalan mo?

👨: L-liam

👩: ako nga pala si Andra

_____________________________________

👩: Liam!

👨: U-uy

👩: papasok ka na?

👨: oo eh.

👩: tara sabay na tayo

👨: s-sige, ikaw bahala

_____________________________________

12 YEARS OLD
👩: Liam!

👨: u-uy, Andra

👩: mag-isa ka lang? Tara dito, pakilala kita sa mga kaibigan ko

👨: salamat
-----------------------------------------

15 YEARS OLD
👧: pssst. Sabay na tayo hihi
👦:.......
👧: wag mo sabihing naiilang ka parin sakin?
👦: h-hindi
_____________________________________
18  YEARS OLD
👦: happy birthday, panget
👧: aba naman at... ang lakas mo na'ng mang asar ngayon ah. parang kailan lang ayaw mo 'kong kausapin
👦: matagal na yun no... iba na'ko ngayon
👧: thank you for being my last dance, Liam
👦: anything for you
_____________________________________

20 YEARS OLD
👦: Andra, may aaminin sana ako sayo
👧: ano yun?
👦: sa totoo lang, matagal ko nang gustong sabihin sayo to
👧: ano yun?
👦: pwede bang.....ano.....
👧: ano?...
👦: mangutang.. pwede bang mangutang
👧: gago ka ah
👦: inaasar lang kita hahahaa. ang priceless nang mukha mo hahaha

_____________________________________
Ang bilis nang pangyayari. Hindi ko na maalala kung paano, kailan at saan. Pero maniwala kayo't sa hindi, naging kami

👦: Happy monthsary sa'ten panget
👧: Happy monthsary din engot. haha
_____________________________________
Linggo, buwan at taon na ang lumipas. Nanatiling matatag ang aming relasyon.
may mga pagkakataong di nagkakaintindihan, umaabot sa away pero nagkakaayos din naman agad
_____________________________________
Pero ang minsan namin pag- aaway, umabot na sa madalas hanggang sa naging araw-araw na.
_____________________________________

👦: mahal mo pa ba ako Andra?

👧: anong pinagsasabi mo?

👦: bakit mo ako ginaganto? Hindi ka na ba masaya?

👧: gusto mo ba talagang sagutin ko yan?

👦: Andra........?

👧: I-im breaking up with you, Liam..

👦: A-andra, no. Pag -usapan natin to... wag mo akon iwan

👧: Im s-sorry pero hindi na ako masaya sayo

_____________________________________

Lumipas ang araw, wala paring humpay ang pagtext at pagsuyo mo sa akin. Pero ni isa doon ay wala akong pinansin. Isang araw nag text ka
🗨: ano ang gusto mong gawin ko para sumaya ka ulit?

: leave me alone. Wag mo na akong guluhin nang matahimik na ako't maging masaya na

_____________________________________

Hanggang dumaan na ang linggo, buwan at taon, hindi ka na nagparamdam. Hindi ko narin nakikita na dumaan ka dito sa harap ng bahay namin.

_____________________________________

After 2 years, nabalitaan ko nalang na bumalik na pala kayo ng states. Hindi ka man lang nagpaalam. Pero minsan naisip ko kasalanan ko rin. Kung hindi kita pinaalis, hindi rin naman ako magkakaganito

: Huy pansinin mo naman ako
; tigilan mo na nga ako. Ayaw ko sabi sayo ih

Tiningnan ko ang dalawang bata sa harap ng bahay namin. Haha. Ang cu-cute nila. Naalala tuloy kita

_____________________________________

AFTER 5 YEARS

: Ate! Ate!

Binalingan ko ang kanina pa tawag ng tawag sa akin. Napangiti ako ng makitang si Althea pala ito. Ang batang nakita ko 5 years ago sa harap ng bahay namin.
; ano yun , thea?
: may bago pala tayong kapitbahay. Si Liam. Ang gwapo nun, sister. Kaso di kami pwede. hihi
; L-liam?
: oho, ate. Bakit?
_____________________________________

; sabi sayo te, eh. Di kami pwede. Ang bata pa nitong si Liam. Ilang taon ka na nga ba?

🙇: What? I don't understand you.
: ayy inglesyero pala...............
Hindi ko na narinig pa ang ibang sinabi ni Althea. Nabingi na ata ako. Paulit ulit na lang sa pandinig ko ang boses nitong bata. Kamukhang kamukha mo na nga, kaboses pa.
Hindi ko na namalayan na nagsi unahan na pala sa pagtulo ang luha ko.

🙇: Daddy!!

Nabalik lang sa kasalukuyan ang diwa ko nung narinig ko ang sigaw nang bata. Malayo pa lang, kitang kita ko na. Alam na alam ko ang lakad na iyon. Kahit ilang taon na ang lumipas kabisado ko pa rin yung mga galaw mo.

Mabilis kong pinunasan ang mga luha ko. Habang palapit ka nang palapit, mas lalo ko lang napatunayan sa sarili ko kung gaano kita na-miss.

🙇: Daddy!

Agad na tumalon sayo ang bata. Ang cute nyong tignan. Lalo ka na. Hindi ko akalain noon na bagay pala sayong may bitbit na bata.

: wow! don't tell me you already found friends?

Ang boses mo.. kasing lamig parin ng dati.

; Liam.....
hindi ko na alintana ang garalgal kong boses

: Andra. Hi, uhmm. Anak ko pala, si Liam din, junior

; Magkamukha nga kayo

: Hehe. Syempre... ah.. kamusta ka na?

; ayos lang. Ikaw?

: eto, masaya na. Mangaganak na rin kasi si Lyka sa pangalawa naming anak

; Lyka?

: oo. Asawa ko. Mama ni Liam

; Congrats

: Sayo din. balita ko ilang araw nalang daw, papasok ka na sa kumbento

; ah. o-oo eh
sa totoo lang, nag aalangan pa ako nung una. Pero dahil sa nalaman ko ngayon. Siguro nga kapalaran ko na talaga 'to

: Ah, so I guess mauna na kami?
; s-sige. Congrats ulit

tumalikod ka na. Pero bago ka pa humakbang, humarap kang muli sa akin.

: Salamat, Andra. For giving me a chance to find myself and my true happiness

True happiness. Ibig sabihin ba nun, yung satin noon, hindi totoo yun? Nasasaktan ako, Liam

; walang ano man yun. Atleast ngayon, nahanap ko narin ang totoong kaligayahan ko

: Masaya ka ba talaga dyan, Andra?

; O-oo naman

: Promise me, dahil pag nalaman kong nagsisinungaling ka, masasaktan ako. Masasayang lang lahat nang sakripisyo ko. Ayokong panghinayangan alin man sa nangyari sakin ngayon. Wala nang hihigit pa sa kaligayahan ko ngayon

- dapat akong maging masaya para sayo. Pero bakit ang sakit, ang sakit sakit. Kung hindi kaya kita binitawan noon, masasabi mo rin kayang ako yung kaligayahan mo?

-even though it hurts, maybe all I can do at this moment is to reminisce our memories and accept that you are just the one that got away.

" In another life, I would be your girl. We keep all our promises, be us against the world. In another life, I would make you stay. So I don't have to say you were the one that got away"🎶🎶

Kasabay nang pagtugtog nang kantang yun sa isip ko ay sya ring pagtalikod mo...

In another life, then, Liam, you won't be the one that got away

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 24, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The one that got awayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon