6: Don't You Think

83 13 3
                                    

"Sandali lang Wren! Bakit ka ba tumatakbo? May sasabihin lang ako sayo," humahangos kong tawag sa kanya.

Muntik pa akong madapa dahil ayaw akong bitawan ni tisoy.

Mukhang takang-taka si Wren nang maabutan ko siya.

"Wag kang matakot," sabi ko. "Mukha lang akong nakakatakot pero mabait naman ako. May sasabihin lang ako saglit."

Inunahan ko siya at hinarangan ang daan kaya napatigil siya sa pagtakbo. "Di mo ako kilala pero magpapakilala na rin ako. Favs nga pala."

Nung una, alangan pa siya pero kinamayan na rin niya ako.

"N-n-nice to meet you," bulong niya. "Okay bye!" At nagtangka na naman siyang tumakbo.

"Sandali! May gustong sabihin sayo si liit."

Napahinto ulit siya. "Huh? S-sino?"

Tinuro ko kaagad si tisoy na nasa likuran niya, "Yan oh ung batang cute."

Napangiti agad siya ng makita si Skyler, "Sky?"

Aba! Cute pala siya pag ngumiti. Teka parang may kamukha siya, hindi ko lang maisip kung sino.

Nakasimangot kunwari si Skyler pero namumula naman ang mga pisngi nito.

"Sabihin mo na sasabihin mo. Oh gusto mo pakita ko sa kanya to?" sabay taas ng cellphone. Winagayway ko pa yun para asarin siya.

"Nooo! Give it back! Give it back!" sigaw na naman niya habang tawa naman ako ng tawa. "Ahahahahahah- urgh!"

Natigil ang pagtawa ko ng bigla ba naman akong sipain sa alulod. Napaupo ako sa sakit at agad niyang naagaw ang cellphone sa akin.

"Beeeeeh!" sabay takbo.

"Hoy, bumalik ka dito... araaay..." tatayo sana ako para habulin siya pero napahinto ako sa tawa ni Wren. Para tuloy nagliwanag ang paligid.

Ang ganda pala niya kapag tumatawa.

"Bakit mo kasi binubully si Skyler? Yan tuloy napala mo. Ahahahaha!" tawang-tawa pa rin siya sa akin.

Ako naman ngayon ang natulala habang pinapakinggan siyang tumawa. Para kasing may kaboses siya.

"Si.. sino nga ba?" bulong ko sa sarili. Maiisip ko na sana ng biglang may dumating na demonyo, este tao.

"Baby!"

Napalingon kami sa isang matangkad at maangas na lalaki.

"Oh, ikaw pala, James," bati sa kanya ni Wren.

Tumayo na ako habang papalapit sa amin yung James. Tiningnan naman niya ako ng masama.

"Sino ba 'tong kutong lupa na kausap mo? Kinukulit ka ba? Gusto mong sapakin ko?" saksakan ng yabang niyang tanong kay Wren.

Aba't nanghahamon yata 'to, hindi naman niya ako kilala!

Nilapitan ko siya at tiningnan ng mata sa mata. Halos magkasingtangkad kami at magkasinglaki ng katawan. Mukha lang ang pinagkaiba. Singkit ang mata at makinis ang balat ni James. Samantalang ako, bilog ang mata at dirty-look.

"Sino ka rin?" tanong ko naman. Kunwari bad boy.

"Ako lang naman ang boyfriend ni Wren. May problema ka ba?"

"B-boyfriend?" napanganga ako. Papanong naging boyfriend 'to ni Wren? Nagayuma kaya siya? "Ahem. May pinag-uusapan lang kami. Oo nga pala, I'm Favor..." pagpapakilala ko. Inabot ko ang kamay sa kanya pero tinapik lang niya yun palayo.

"James. At ito ang girlfriend ko si Wren," inulit pa.

"Sabi ko nga," bulong ko. Tumangu-tango na lang ako at nilagay ang kamay sa bulsa habang pinapanood silang maglakad palayo.

My Amnesia Band: Two Worlds Season IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon