Chapter 11
Veronica’s night become more sleepless since she saw another dead body brutally killed. The feeling was so terrible she was turning insane. Her mind keep seeing images that are full of gore and blood, she couldn’t stop it no matter how hard she try. And her dreams never become sweet anymore with Steve, all what she dreamt are nightmares. Magigising na lamang siya sa gabing sumisigaw, iiyak at patuturukan ng sedatives upang kumalma ang mga nerves niya. It’s very wearisome. Mas masyado lamang siyang nahihirapan sa kalagayan niya.
Muli ay naalala niya ang karumaldumal na gabi na iyon. Hindi niya alam kung paano siya nakauwi sa bahay nila that night o kung ano ang nangyari kay Steve at sa labi ng asawa nitong si Denise. She was so fearful that time all she done is to scream. Ang naaalala niya maliban sa anyo ng katawan ng babae at mga sigaw niya ay ang pagdating ng mga pulis na hindi niya alam kung paanong naabisuhan ni Steve. Dumating din roon ang Mama Miranda niya kasama sina Agatha at Selene. Then she remembered nothing. Maybe she passed out by that time.
Ibinasura niya ang mga isipin. Sawa na siyang matakot. Nakakapagod din iyon. Bumalikwas siya ng bangon. Doon lamang niya naramdamang basa ang higaan. Sinalat niya ang basang parte ng kama at ininspeksyon iyon sa pang-amoy. Masangsang at mapanghi iyon. Oh, gosh! Did she pee? Hindi niya nakagisingan iyon marahil ay sa malabis na takot ay nagkaganoon na naman siya. Matagal na siyang lipas sa bagay na iyon. Napapalatak na lamang siya. Nangamba siya para sa sarili. Mukhang masyado na siyang naaapektuhan ng mga sunod-sunod na pangyayari.
She breathed deeply.
Tumayo siya sa higaan upang magpalit. Sa pagbaba niya ng kama ay may hindi sinasadya siyang naapakang bagay sa sahig. Nang sulyapan niya iyon ay nakita niya ang manyika niyang si Charlotte. Nangunot ang noo niya sa pagtataka kung sa paanong paraan nakarating roon ang manyika niya gayong wala siyang matandaang inilabas niya iyon mula sa glass cabinet na kinalalagakan niyon.
Pinulot na lamang niya ang manyika. Wala roon ang maskarang ipinasuot niya rito dati kaya kita niya ang sunog na parte ng mukha at ulo nito. Memories start flooding in her mind. Nayakap niya si Charlotte. Kung anong gulat na lamang niya nang marinig itong magsalita.
“I will kill you, bitch! I will rip your body!” paulit-ulit nitong sabi. Sa takot niya ay naibato niya ito sa dingding. Patuloy pa rin ito sa pagsasalita. “I will kill you, bitch! I will rip your body!”
Nagsusumigaw siya at nagkukumahog na lumabas ng silid. Nang makita niya ang abuela niyang palabas ng silid nito ay tinakbo niya ito agad.
“What’s going on, Nica? Why are you screaming again?”
“Mama! Mama... Charlotte... Charlotte’s speaking, she told me she will kill me.” Nabaghan ang anyo ni Miranda lalo na nang mapansin nitong nanggigita si Veronica sa mapanghi at masangsang na likido. Nagkalat ang patak niyon sa wooden floor.
“Calm down, hija. It was just a bad dream. Come and let’s go back to your room. I will check your doll,” anito at inakay siyang pabalik sa kwarto.
Ganoon pa rin ang pwesto ng manyika niya ngunit hindi na iyon nagsasalita. Pinulot iyon ni Miranda at ipinakita sa kanya. “See, it’s not speaking at all,” sabi nitong nakangiti.
“I will kill you, bitch! I will rip your body!” bigla ay sabi ni Charlotte.
“I don’t want to be rude to you, inspector but I insist to stay here beside my granddaughter. She was so shocked after all what she experienced. I hope you understand,” wika ni Miranda sa mababang tinig kay James La Jarde. Mahinang tumango naman ang inspector.
BINABASA MO ANG
Wet Me With Fire (TO BE PUBLISHED)
General FictionImage on cover photo is used with owners' approval. Licensed by Shutterstock. All rights reserved. Indulge in a Dark Erotic Romance!!! WARNING: Contains explicit and violent scenes. Not suitable for very young readers. Simula pagkabata ay magulo na...