After a week matapos ang graduation.....
"aaaaaaahhhhhhh!"
"na miss ko kayo"
"ako rin!
"lalo na ko!" daldalan ng dalawa. Oo after a week nag desisyon kaming tatlo na mag swimming dahil na strees kami last week.
"wala pa si Andrew?" nagulat ako sa itinanong ni Monica.
"Andrew?" tanong ko sa kanya
"oo.. aba.. kaibigan din natin yn gaga.. ang tagal naman nun" sagot nya sakin
"late na ba ko?" tanong naman nitong lalaking bagong dating
"oo.. kadadating lang naming" mataray na sabi ni Monica.
"ay ganun.. panu swimming na!!" sabi ni Andrew saka tumakbo dun sa cottage na kinuha namin.
Agad nga silang lumusong na tatlo. Ako nailing na lang.. mga excited to.. di halata.
"hoy.. Mag.. bat anjan ka pa?" tanong ni Andrew
"maya na ko" sagot o sa kanya.
"anung mamaya na.. tara na!" sabi nya saka ako hinatak sa pool.. in the end... nakikisali na rin ako sa basaan at lunuran naming apat.
Walang umahon sa amin. Talagang para kaming mga batang nag habulat at nag basaan. Napag tripan pa nga naming sa kids pool. Hanggan tuhod lang naming. Pero enjoy na enjoy kami kasi nag langit lupa pa kami. Lagging taya si Monica. Hahaha..
Nang makaranam kami ng pagod, umahon na kami at kumain. Bigla namang lumapit yung kakilala ni Monica at nakipag kwentuhan. Di na ko nakigulo ahil giniginaw ako. Nag ballot ako ng roba saka pumunta sa gilid ng pool dahil ayokongg makigulo sa usapan nila.
"alone ang peg?" nagulat ako ng marinig yung boses nya.
"hindi... senti lang" nakangiti kongg sabi saka sya tumabi sa akin. Tahimik lang kami parehas. Walang gusting mag salita sa amin.
Matagal na katahimikan ang namayani sa amin. Yung animo kami ay dalawang estrangherong tao na ngayon lamang nag kita. (wow lalim)
"dun naba talaga kayo mag aaral?" basag nya sa katahimikan. Napatingin naman ako sa kanya "I mean.. tuloy na tuloy naba? Wala na bang second choice?" dagdag pa nya.
"oo.. dun na kami talaga.. second choice.. meron naman.. yun eh kung di kami pumasa.. kaso pumasa naman kami" sagot ko sa kanya. "bakit?" habol kong tanong sa kanya.
"ah wala naman.. ma mimiss kasi kita. AH.. kayo!" sabi nya
BINABASA MO ANG
Ang Love Story ng Crush Ko (ALS-CK)
Novela Juvenil"ang buhay puno ng surprises" whether it is good or bad, ang mahalaga. masaya tayong ipinagpapatuloy ang buhay natin. di lang para sa sarili nating kabutihan, kundi pati na rin sa mga taong nakapaligid sa atin" -Alex