True Feelings

15 0 0
                                    

Paano mo ba malalaman na true love ang nararamdaman mo?paano mo malalaman kung siya naba talaga ang nakatadhana para sa iyo. Ako nga pala si Kate Mendoza, Kate for short. Lumaki ako sa grandparents ko, sabi ng lola ko simula pinanganak ako sa kanya na ako lumalapit parati lagi nga daw ako umiiyak pag mama ko daw humahawak sa akin. Grade 1 ako iniwan ako ng mama at papa ko sa lolo at lola ko pumunta sila sa malayo lugar, hindi ko naramdaman na umiyak ako parang wala lang sa akin ang pagalis nila. Simula nuon lolo at lola ko na ang nagpaaral sa akin. Lagi nagagalit lola ko sa akin kasi wala ako bungang bibig sa kanya kundi yung crush ko nuong grade 1 ako lagi sinasabi ng lola ko sa akin “Magaral ka muna wag ka malandi tao.” Natandaan ko yun dahil sa sinulat ko sa notebook ko dati. Simula nuong sinabi ng lola ko yun nagaral ako ng maige hanggang makagraduate ako ng Elementary. Pagkatapos ko maka-graduate ng elementary di ko alam saan ako magaaral ng High School, sinabi ng lola ko sa public school na lang daw ako ulit magaral, wala pera para makapagaral ako sa private school. Sinunod ko lola ko sa desisyon niya nagaral ako High School sa WHS. Kala ko di ako makakapasok duon kasi di ganun kataas grades ko pero thankful ako at nakapasok ako pero nasa lower section ako. Nagsimula na ang first day of school ko kinakabahan ako kasi new life ako kailangan ko magadjust. Pagpasok ko sa classroom kung saan ako nakaassign na section nahihiya ako kasi di ko sila mga kilala at nakakapangibago sinubukan ko maging friendly pero feeling ko sa sarili ko di ako bagay dito . after that day may nagging kaibigan ako kahit papano, hanggang sa mga sumunod na araw. Hanggang sa meron ako naramdaman na feeling na ang bilis ng tibok ng puso ko paglumalapit yung isang classmate ko sa akin, nakalipas ang 4 na buwan dun ko narealize na inlove ako, at ganun pala ang feeling na inlove. Hanggang sa dumating ang Christmas Party naming bago yun nagbunutan kami sino ang mabubunot naming,hindi ko hinaasahan na mabubunot ko siya. Napangiti ako ng sobra at napansin ako ng isa ko classmate,

K: makangiti ka dyan wagas hah.

Sagot ko sa kanya hindi naman Masaya lang ako.

K: sus kilala na kita, siya nabunot mo noh? Ayieee

Ngumiti na lang ako. Christmas party day na omg ang gwapo niya, nakakainlove yung katawan niya macho,maputi at cute pa tignan tapos nakaayos pa siya. Dami napatingala sa kanya nuong nakita siya, lahat ng mga classmate ko babae nagkatilian. Dati kasi di nila napansin ang kagwapuhan niya, ako napansin ko na dati na di lang kasi siya nakaayos dati. Nagulat ako nuong napatingin siya sa akin feeling ko mahihimatayin na ako sa sobrang kilig, OMG. Nagstart na ang Christmas party nagpalaro ang adviser namin, una tinawag puro boys, sabi ng adviser naming

Maghanap kayo ng magiging patner ninyo na babae mamaya ko na sasabihin ang gagawin ninyo.

Nagkagulo sa classroom naming,nagulat ako bigla lumapit sa akin iyung crush ko

Pwde ba kita maging patner?

Namula ako para ako kamatis, na di mo malaman kung ano nararamdaman ko sasabog na ata ako sa sobrang saya ko. Sinagot ko yes (naks English)

Hinila niya ako papunta dun sa adviser naming. Na makumpleto na ang lahat, sinabi na ng adviser naming ang gagawin naming,

Nakikita ninyo yang mansanas nay an kainin ninyo hanggang sa maubos, ang mauuna makakaubos sila panalo. Ano ready naba kayo?

Kinabahan ako bigla, paano pagnahalikan niya ako, ayoko virgin pa lips ko ayoko magpahalik. Ayoko magkaroon ako issue dito sa school, nangamatis ako bigla ako tinanong ng crush ko

Ano nangyayari sa iyo?

Sagot ko wala, tara good luck sa atin *sa isip ko* ayoko na, pero sige go na lang.

Nagsimula na ang laro masadyo mabilis tibok ng puso ko di ko na mapigilan, sa di hinahasahan nagkadikit ang mga labi namin. tumigil ako bigla

Ayoko na backout na ako ang sigaw ko

bakit ka magbabackout tanong niya sa akin

ayoko na,ang sagot ko sabay tumakbo ako palabas ng classroom.

halos mamula ako ng husto dahil duon sinasabi ng isip ko *siya ba first kiss ko?* ayoko maging OA masadyo dikit lang ng labi di naman kiss yun nagulat ako bigla kinalabit ako ng crush ko, hindi ko alam sinundan niya ako

Ok ka lang ba? bakit ka namumula?

sagot ko wala masadyo lang ako nasobrahan sa kamatis *ngumiti ako*

weh di nga? sorry kanina niyaya kita ayan tuloy umalis ka bigla.

ok lang wala naman yun, sa tutoo lang nagulat lang ako kaya bigla ako nagbackout *pero ang tutoo dahil duon sa labi*

tara balik na tayo sa classroom.

hah? ayoko muna alam ko marami galit sa akin duon!

bakit naman?

dahil ako pinili mo maging patner mo,di naman ako ganun kaganda para yayain ng isang lalaki, malaki ngipin ko boses ipis pa lampa sino magyaya sa akin sa ganun?ang weird mo?

ang cute mo kaya, ang pabola niya sa akin

che,balik ka na duon sa classroom baka hinahanap ka na ng mga girls dun magkaroon pa ako issue dito sa school

grabe ka naman tara na!

hinawakan niya kamay ko sabay hinila niya ako, pabalik sa classroom. after that day ilang weeks walang pasok, di ako makagetover sa kamay ko halos ayoko magpahawak sa ibang tao dahil dun sa paghawak niya sa kamay ko, masadyong ang OA ko na ata? matapos ang bakasyon pasukan na ulit sobrang saya ko makikita ko na crush ko ulit, feeling ko nagkakagusto na din siya sa akin. *Feeling maganda ka naman* sobrang feel na feel ko ang araw na yun, pagpasok ko sa school, nag cr ako agad aga aga cr agad ano ba yan? paglabas ko galing cr nagulat ako sa nakita ko ang crush ko nakaabang sa cr, sinusundo ba niya ako? OMG feeling ko princessa na ako! nang biglang 

hi babe sorry naghintay ka matagal tara balik na tayo sa flag ceremony

nashock ako sa nakita ko nagholding hands sila, sobrang nasaktan at umasa ako na kala ko magugustuhan niya ako,mali pala ako. bumalik ako sa loob ng cr para umiyak, di ko inaasahan ang nakita ko, after flag ceremony nagsiakyatan na lahat ng student, umakyat na din ako. pagpasok ko sa classroom 

kate late ka, bakit ganyan itsura mo umayos ka nga saan ka ba galing aga aga ganyan itsura mo ayusin mo yan, ang sabi ng teacher ko

to be continue

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 08, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

True FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon