Prologue

0 0 0
                                    

A/N
Sorry sa mababasa niyong typos and grammatical errors. Di ko pa kasi siya nae-edit. Well, for now. Enjoy the show. 😉

——––––––––––––

Masikip ang dibdib na pinapanood ko ang nagaganap na kasalan sa simbahang dinaluhan ko. Pilit kong iniignora ang sakit na nararamdaman ko habang pilit na ngumingiti sa dalawang taong ikinasal.

Masaya ako para sa kanila. At least, 'yun ang pilit kong sinasabi sa sarili ko. Na magiging masaya pa rin ako kahit na iba na ang nginingitian niya. Na hindi ako ang sanay niyang kaharap sa altar at magpapalitan ng "I do". Na hindi na ako dahilan ng kislap ng kanyang mga mata.

Pilit kong nilalabanan ang luha na gustong lumabas sa mga mata ko. Dali-dali akong bumalik sa kotse ng makita kong tapos na ang kasalan at palabas na ang mga tao na dumalo. Habang nagdadalawang isip kung pupunta ba ako sa reception nila nang may tumawag sa cellphone ko.

"Stephanie, nasa'n ka na? Hinahanap ka na nila. Mas magtatampo raw sila kung hindi ka dumalo sa reception. Hindi ka na nga dumalo sa simbahan kahit sa reception man lang daw." Saad ng sa kabila.

Natahimik naman ako. Hindi ko alam ang sasabihin ko dahil hindi pa ako sigurado kung dadalo ako doon.

"Pasensya ka na, Tita Myla. Sinusubukan ko pong makarating sa simbahan pero nasiraan po kasi ako ng kotse eh." napapikit na lang ako sa pagsisinungaling ko. "Wag po kayong mag-alala." nakapagdesisyon na ako. "Dadating po ako sa reception. Pakisabi na lang po kina Tita."

"O, sige. Sasabihin ko. Panigurado matutuwa sila na dadating ka." natutuwang sabi ni Tita Mely.

"Sige po. Mgkita na lang po tayo dun."

Napabuntung-hininga na lang ako. I guess kailangan kong pumunta doon. Ayaw man ng puso ko pero kailangan.

Pagkaalis ng lahat na dumalo sa kasalan, minaniobra ko na ang kotse ko patungo sa venue ng reception. Habang nasa daan, nagpractice na ako kung ano ang sasabihin ko sa kanila pagdating ko doon.

Hindi ko namalayan na nakarating na pala ako. Buti at ligtas ako habang nagmamaneho na wala sa isip.

Bumaba ako ng kotse at pinagmasdan ang venue. Bago makarating sa Garden Hall, bubungad muna sa 'yo ang garden mismo. Puno ng mga bulaklak ang magkabilang daanan papunta sa Hall. Pansamantala kong nakalimutan ang sakit na naramdaman ko sa ganda ng mga bulaklak. Iba' t ibang bulaklak ang nandito. Ang iba hindi ko na alam ang mga pangalan.

Napatingin ako sa unahan ng narinig ang sigawan ng mga tao. Nandoon na siguro ang bagong kasal. Kasal. Bumalik ulit ang sakit sa dibdib ko nang naalala kung bakit ako nandito. Whether I like it or not, kailangan kong magpakita doon. Bilang respeto na din sa kanila.

Pagkarating ko, sumilip muna ako at hindi maiwasang mainggit sa masasayang ngiti na nakikita ko sa mukha ng mga dumalo at ng ikinasal.

Inhale, exhale. It's now or never.

Dahan-dahan akong pumuslit ng pasok. Medyo dim ang lighting dito sa likod. Agad naman akong nakita ni Tita Mely na hindi ko namalayang malapit lang pala sa pinto.

"Stephanie!" agad niya akong niyakap ng mahigpit at hinalikan ang magkabila kong pisngi. "Buti nakarating ka. Akala ko talaga pati reception, iindiyanin mo."nagtatampong sabi niya.

Napatawa na lang ako sa kanya." Sorry talaga, Tita. I tried to drive fast to catch the wedding but my car broke in the middle of the road. " Napakagat-labi na lang ako sa sinabi ko.

Unti-unting iginiya naman ako ni Tita papunta sa mesa ng mga magulang ng bride at groom. Pagkalapit, I patted the shoulder of the bride's mother. Paglingon niya, bumakas ang kasiyahan sa kanyang mukha at tumayo at niyakap ako ng mahigpit.

"Ikaw talagang bata ka. Pinapakaba mo 'ko." nilayo niya ako ng kaunti mula sa pagkakayakap sa' kin. "Akala ko hindi ka na dadalo sa kasal ng kapatid mo." hinampas pa ako ng mahina sa braso. Napangiti na lang ako sa tinuran niya.

"Sorry, Tita Susan. I tried to catch up with the wedding but my car broke down." hinging paumanhin ko sa kanya.

"Hmp, nagtatampong pa rin ako. Pero mas magtatampo ako kung hindi ka dumating. Dapat nga ikaw ang maid of honor, pero ayaw mo naman." nakahawak siya sa a king braso habang pinapaupo ako sa upuan na bakante sa tabi niya.

"At alam mo naman po diba kung bakit. Hindi kasi ako pwedeng umalis doon na walang papal it sa akin. Pinaliwanag ko na po yun sa inyo."

"Kahit na."

"At least, hon, nakarating pa rin si Steph dito. Hi, Stephanie." nakangiti namang sumbat ni Tito Lucas.

"Hi po, Tito." nakangiting nakipagbeso ako kay Tito.

"Well, kung ganun na-" naputol ang sasabihin sana ni Tita Susan ng marinig kong tinawag ako ng Emcee na kaibigan ko.

"Well, well, well. Lookie who's here and decided to show up on her best friend's wedding." mapaglaro ang ngiting ibinibigay niya sa akin. At dahil dun, nagkaroon ng spotlight sa banda ko. Nakita kong napatayo ang bride at naluluhang napatingin sa akin. Habang ang groom naman ay gulat na nakatingin sa akin.

Oo. Tama ang hinala niyo. The bride is my best friend. And the groom is my first love.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 25, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love's Price TagTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon