"Kreisha!" Rinig kong sigaw ni Ace mula sa likod. Bumaling ako sa kanya at naglalakad na sya patungo saken. Nakangiti ko syang pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa.
"Bagay na bagay sayo ang suot mong toga." Nakangiting sagot ko pagkalapit nya. "Congrats, Engineer Ace.."
(^_____^)
"Graduate na tayo, akalain mo yun?" Di makapaniwalang sabi nya at ngumiti.
Ang bilis ng panahon.. Parang kelan lang ay nangangarap lang akong makagraduate pero ngayon ay abot abot ko na ito. Hindi ko nga akalaing makakasabay pa rin ako kahit na andaming nangyare. Buti na nga lang at pinayagan ako ng mga professor kong makahabol sa mga kailangang requirements kahit na antagal kong nawala.
"Yayayain sana kita sa bahay para doon ka na maghapunan kaya lang naisip kong magcecelebrate din kayo ng pamilya mo." Aniya at ngumuso.
"Buti naisip mo.." Natatawang sabi ko at nagsimula ng maglakad.
"Pagkatapos kaya ng araw na'to Kreisha, kelan ulit tayo magkikita?". Nilingon ko si Ace at malungkot syang nakatingin sa lupa habang naglalakad. Bahagya pa syang nakanguso. "Sana kahit mangyare yun, wag mo kong kakalimutan.." Tumigil ako sa paglalakad at ganon din ang ginawa nya.
Kumunot ang noo ko habang nakatingin sa likod nya. "Magkaibigan tayo Ace.." Sabi ko pero nanatili syang nakatalikod saken. "At ang magkibigan, hindi nagkakalimutan. Kahit pa magkalayo tayo, hindi na magkita o magkaroon ng mga bagong kaibigan.. ang magkaibigan ay magkaibigan parin. Walang magbabago don".
"I know, Kreisha." Aniya at pilit ang ngiting humarap saken. May kung anong kinuha sya sa bulsa saka lumapit. Mabilis nyang isinuot sa leeg ko ang hawak hawak na kwintas. Bahagya pa akong nagulat sa ginawa nya.
"Thank you Ace pero di ka na dapat nagabala pang magregalo." Giit ko. Hinawakan ko ang kwintas na ibinigay nya at tinitigan yung mabuti. Silver. Hugis puso ang maliit na pendant nito at may letrang 'A' na nakaukit sa gitna. Kung iisipin, napakasimple lang pero kung titignan mo at hahawakan ang kwintas.. mahahalata mong pinagipunan nya pa ang ipinambili dito.
"Remembrance Kreisha, hindi regalo." Iling nya. "Atleast ngayon kahit hindi na tayo magkita, maalala mo pa rin ako." Aniya at ngumiti saken. "Kapag suot mo yan kahit saan ka magpunta, kasama mo ko. Kapag malungkot ka o may problema, at kailangan mo ng makakausap, hawakan mo lang ang kwintas na yan.. makikinig sayo ang puso ko." Tumingin ako sa mga mata nya at nakita ko ang sensiridad doon. "Alis na ko." Paalam nya sabay tapik sa balikat ko pagkatapos ay tumalikod na sya saken tsaka nagsimulang maglakad palayo.
"Ace!" Sigaw ko.
"Sige na! May nagiintay pa sayo! Hanggang sa muli!" Sigaw nya ng hindi tumitigil sa paglalakad. Kumaway kaway pa sya habang nakatalikod.
Nang mawala sya paningin ko ay doon ko lang muling ibinalik ang tingin sa kwintas.. hinawakan ko yun tulad ng sabi nya at napangiti.
'Tama si Ace.. kahit wala na sya ngayon dito, ramdam na ramdam ko pa rin ang presensya nya.'
Ring.. Ring.. Ring..
Natigil lang ako sa pagiisip ng biglang mag ring ang cellphone ko. "Hello? Khalid?" Sagot ko sa kabilang linya.
[Where are you now?] Nakagat ko ang labi ko ng mahimigan ang inis sa boses nya. [I've been waiting here for a long time.]
"Okay I'm sorry, papunta na." Sabi ko na lang at tsaka nagsimula ng maglakad patungong parking lot.
[Tss! You really slow down.] Rinig kong bulong nya pa.
"Excuse me?" Literal na napataas ang kaliwang kilay ko. "Wag mo nga ako masabi-sabihan ng 'mabagal kumilos' Khalid. Hindi mo alam ang pakiramdam ng magsuot ng higheels!" Angil ko sa kanya.
YOU ARE READING
My Heartless Husband (On Going)
Любовные романыI want to feel wanted sometimes... But my husband is a heartless bastard.