Tuwing Pebrero 14, 'di talaga maiiwasan ang PDA ng mga mag-gf/bf kahit saang lugar ka tumingin. Kahit pa sa may park ay pinuno ng lovebirds...
Letse, wala kasing pera pangdate sa mas magandang lugar. Hindi ba alam ng iba na ang park o liwasan ay para din sa mga single na kagaya ko? Hindi na sila nahiya.
Hindi na nila kailangan ipamukha sa aming mga single na wala kadate ngayong February 14. Nakakainis, akala mo naman magtatagal ang mga relasyong puppy love na 'yan.
But I didn't come here to judge, na-distract lang ako e. I don't feel the love in the air... Maybe it would be better if I just went home and enjoyed my own company.
Napabuntong-hininga ako. Tumayo ako sa aking kinauupuan at sa huling tingin ay iniwan ang park na pinuno ng malalanding tao.
Pumunta ako sa sakayan ng mga jeep saka sumakay ng tahimik. Chineck ko lang ang aking phone kung sakaling may nagtext o ano. At meron nga.
From Elle:
Nasaan ka na ba rya?
2nd:
Last practice na natin ngayon
3rd:
Pag di ka dumating mama-minusan ka
4th:
I won't hold backOdi i-minus mo!
Akala mo mahalaga sa akin kahit ilang points ang makukuha ko? Okay lang, walang kaso ang low grades sa akin.Besides... I don't care about the points I'll get. Easy lang namang bumawi sa next quarter eh.
Usually kapag ganitong Valentine's Day lumalabas ako para magliwaliw nang walang kasama (mostly). Si Lyz kasi pursigido siyang mapanalunan ang Dancing contest na iyon. Mas mahalaga sa kaniya ang mga bagay na may kinalaman sa grades and school kaysa ang samahan ako sa Araw ng mga Puso.
Lyz is my bff. While Elle is her cousin, my friend and classmate. Well, used to be my friend. I'm not really sure now kung friends pa ba kami sa sinabi ko sa kaniya.
Hanggang ngayon, nobody knows that this day of the year is the worst day for me. It was the worst day of my life. Ang February 14 ay walang kasing-sama. Sinugatan at pinagtataga ang puso ko sa araw na mismong ito.
Pero heto ako, imbes na magmove on ay dala-dala ko pa rin ang baggage ng kahapon. Hanggang ngayon masakit pa rin sa akin na isipin ang mga memories namin. Kahit anong gawin ko hindi ako maka-move on.
E sa sobrang hapdi at hirap... masakit. Sobrang sakit. Pero walang may pakialam, walang nakakaam, walang may care sa kaawa-awang si Rya Alonté.
Hindi ko namamalayang bumababa na ako ng jeep.
"Ano ba yan? Papaalis na tong jeep bababa pa," narinig kita ate. Hurry much ate?
"Baka walang pambayad yan," huh? You hear yourself ate? Sa ganda kong to? You know nothing po.
Mistulang zombie akong palakad-lakad sa street. Ilang minuto na akong naglalakad ng wala talagang patutunguhan. Kung may nanonood sa mga galaw ko baka nawi-weirduhan na sila sa akin kasi para akong batang nawawala.
Dinala ako ng sarili kong mga paa sa 'di ko sa lugar na bihira ko lang na napuntahan. Hala... mamaya nalang ako magpapanic pag naliligaw na talaga ako.
Napadpad ako sa isang marketplace. Ang daming tao kahit tanghaling tapat na. Tirik na tirik ang araw kaya minabuti kong makisilong sa isang botika ng mga bulaklak. Nagagandahan ako sa mga white lilies na nakadisplay sa harap ng cute na botika.
Mas lalo akong nalula nang matagpuan ko na sa loob ng botika ay mas pinuno pa ng sandamakmak na stemmed flowers. Yung red roses na favorite ko... OMG. Ang sarap sigurong manirahan dito.
Para akong bata sa loob ng candyshop. Nang di ko namalayan, sa sobrang excitement ko... Pagikot ko sa kaliwa, may nakabangga akong babae na sanhi ng pagkatumba naming dalawa. Nahulog sa tiled floor ang dala niyang bouquet ng iba't ibang flowers.
"Oww..." this is me.
"Miss ayos ka lang ba?" Dumilat ako. Mukha ng isang babaeng maputi, may nakalugay na mahabang itim na buhok at nag-aalalang ekspresyon sa kaniyang mukha ang aking nakita.
Looks familiar ka ate? That frowning expression, that nose and those eyes... Umiling nalang ako.
"Uhm, yeah. Ayos lang ako." Sinubukan kong tumayo at agad niya akong inalalayan.
"Pasensya na, di ko alam na iikot ka bigla."
"Huh?" Nakakahiya > \\\ <
"Ako dapat ang magsosorry... uh, I'm sorry.""Wala yun. Ingat ka baka next time mas malala pa yung mangyari." Yumuko siya para kunin ang mga nagkalat na stemmed flowers sa sahig.
Agad naman din akong nakitulong dala ng pagkapahiya. Pero di ko alam na thorned pala... kasi nga may roses na fav ko. Aray.
"Aray!" Natusok ako ng tinik sa hintuturo ko.
"Naku. Miss dahan-dahan lang!" Nakaarko ang mga makakapal niyang kilay, mukha siyang concentrated sa pag-alis ng naputol na tinik ng rosas sa kamay ko.
Then nag-eyecontact kami for some seconds habang hawak niya parin ang kamay ko."Dito tayo, may bandaid dito." Hinila niya ako sa kamay papasok sa doorway na natatakpan ng shells na dekorasyon. Tinulungan niya akong gamutin at lagyan ng band aid ang daliri ko.
"Th-Thank you..." umupo siya ng matuwid sa silya habang ako nasa isa pang silya na katabi ng malaking mirror sa dingding. May kaliitan ang kwarto, pero masarap tirhan dahil sa ambience nito at kahit maliit ay kaaya-aya namang tignan.
Nakayuko ako, habang siya seryosong nakatingin sa akin. Nararamdaman ko ang intense stare niya.
"Ganito ka ba talaga ka-clumsy?" What?
Tumunganga ako ng 5 segundo. Where did my sharp tounge go? Usually kapag ako sinabihan ng ganito walang alinlangan ay nakasagot na ako ng something na masakit sa ears.
But where did my pointy tounge go?
"Miss? Naliligaw ka ba? Parang ngayon lang kita nakita dito a."
"Yes. First time ko sa lugar na ito. By the way, I'm Rya. Rya Alonté." Ayokong malaman niyang naliligaw ako. Baka bigla siyang tumawag ng pulis para iuwi ako sa amin.
Ayoko pang umuwi.
"Sa susunod 'wag kang padalos-dalos. Kung nandito ka para bumili ng bulaklak, makakatulong ka pa sa amin." Lumakad siya pabalik sa main part ng botique.
Again, I was tunganga in my seat. Basta nalang ba niya akong initsapwera? Tsaka seryosong seryoso sya masyado, nalulugi kaya sila sa negosyo nila?
What a snob.
YOU ARE READING
Typical Love Story
RomanceNagmahal, nasaktan, lumimot tapos binalikan ng kahapon. Cliché. Typically~ A romantic story about two star-crossed lovers. @All rights reserved Written by me. Owned by me. Don't plagiarize.