Sumunod ako kay Snob sa labas. Inabutan ko siyang nag-aayos ng mga nagkalat na flowers."Miss." Sabi ko. Humarap siya sa akin ng walang ekspresyon sa kaniyang mukha. "Well. I'm sorry for burdening you. If makakatulong sa inyo, then I'd like to buy lots of roses please."
Napakurap siya ng ilang ulit. Humarap siya ng buo ngayon, pero no facial expression pa rin.
"Define lots of roses."
"All the roses that is here."
Napanganga siya ng ilang sandali, "Are you sure ma'am? Hindi mumurahin ang mga bulaklak lalo na kung rose. Saka para saan mo sila gagamitin?"
"I don't know. Baka masisiyahan ang aso ko kapag binigyan ko sya. The rest, hmm, I'll give them away perhaps?" Hindi talaga ako seryoso.
"Kung gusto mo lang makatulong, ayos na ang isang bouquet."
"Huwag kang puro advice kung makakabenta ka naman dahil sa'kin. Bakit hindi mo nalang tanggapin? Besides, I bothered you, and for that I'll say my apology by helping your business grow."
Wala siyang imik sa sinabi ko. Sa huli, ipinack niya lahat ng roses sa botika niya. Five bouquets, malalaki sila at naalisan na ng thorns. Puro roses na iba't ibang kulay.
Isa lang ang kinuha ko, yung iba na apat ay natira sa table.
"Sa iyo na ang apat na iyan. Narealize ko kasi na baka wala ka pang nerereceive na bulaklak ngayong araw ng mga puso." I smiled with hidden bitchiness.
"Keep the change." Inabot ko ang two thousand cash. Inabot niya iyon nang wala paring imik. Akala ko lang pala.
"Atleast hindi ako broken-hearted na palakad-lakad dyan sa tabi tabi." Bulong niya. Papaalis na sana ako pero natigilan ako sa kanyang sinabi.
"Excuses? Hindi po ako heartbroken okay?" I am offended although medyo totoo iyon.
"Kung hindi ka nga broken hearted bakit ang bitter mo? Saka pumakyaw ka pa ng flowers. Sigurado walang nagbibigay ng flowers sa'yo." Halatang gusto lang niya akong inisin kaya kumalma na muna ako.
"It's for me to help your petty business to grow. May pera ako, kaya nabibili ko lahat ng gusto ko. Kung ang gusto ko magkaroon ng sandamakmak na flowers, bibili ako. Tsamba lang na sayo ako bumili, okay? 'Wag kang ganyan, one of customer's right is not to be questioned by a mere tindera."
"Hindi lahat ay kayang bilhin ng pera. Gaya ng kadate..." May halong pang-aasar ang tinig niya.
"Hindi ko kailangan ng kadate. Baka ikaw diyan naghahanap ng kadate."
"Oh well sabi mo eh."
Anong pakulo ng tinderang 'to? Tsk. So annoying.
"Pa'no kung try mo ulit magmahal?..."
"Excuse me?"
"Pero dapat kalimutan mo na yang tao sa isip mo. Magfocus ka sa taong pahahalagahan ka talaga..."
I snorted. "Hindi ka lang tindera. Guidance counselor ka na din."
"Well... many ways to earn money."
I rolled my eyes. "Money-faced."
Inantay ko kung ano pang banat niya pero walang dumating. I frowned at her because she was looking at me softly. Like the way Sean looked at me when he's telling me he loved me.
"Hindi mo ba talaga ako nakikilala Rya?" Kumunot agad ang noo ko.
"Hindi! Malay ko ba kung sino kang tao ka?"
"Laki ng pinagbago mo. Dati sobrang bait mo."
"What!?" This is so weird... who the hell is she?
"What-whatin kita dyan e."
"Te-teka ano bang pinagsasabi mo? Wait sino ka ba talaga?"
"Ang slow mo ha? Sino pa ba odi si Heira Olivandez, diba idol mo ako noon?"
Processing data...
Buffering 88%95%
99%
100%
Ano!?
Si Heira Olivandez, 18 years old, 1 year older than Rya Alonté. She's a working college student who wants to become a doctor in the future. Siya ang hinangaan ni Rya noong 1st year sila sa highschool. Heira knew about Rya's adoration of her. Sadly, naghiwalay sila noong 2nd year ni Rya kasi lumipat ang pamilya ni Heira sa syudad.
"A-Ate Heira? Ikaw na ba yan?" 'Di ako makapaniwala... Papaanong hindi ko agad siya namukhaan?
"Ang rupok naman ng utak mo Rya. Parang ilang taon lang ang lumipas 'di mo na agad ako kilala. Yung totoo ulyanin ka?"
"Ulyanin ka dyan. I have a sharp memory, and a photographic mind. Hindi ko naman alam na ang laki ng ipinagbago mo, e halos 6 feet ka na yata."
"Kahit na, e bakit ako buhok mo palang nakilala na agad kita? Nagkukunyari ka lang yata e!"
"Stop accusing me Heira..."
"Anong grade mo na ba Rya?" Biglang tanong niya.
"Uhm, pake mo ba? Kelangan ko ng umalis, ibibigay ko pa tong bouquet of flowers sa alaga ko. Single tayo eh--"
Akmang tatalikod na ako at aalis na sana pero may pahabol pa siya.
"Teka! Kung single ka, single din ako... Odi date tayo, tuwal Valentines Day ngayon," what are you saying ate?
"Busy ako." Pinal na sagot ko.
"Busy sa kakaisip ng ex mo?" Paano niya nalaman?
"Hindi mo alam kung anong nararamdaman ko. And whatever you knew about me, is wala na. People change, nothing is permanent kase. Bye, alis nako." I waved my hand and turned away.
"Teka!!" Ate persistent ka.
Pero hindi ako tumigil sa paglakad. Sinundan pa talaga ako ni Heira sa kalye na madaming tao.
"What?" I snapped irritably.
"Rya, gusto ko lang namang i-amend ang mga bagay sa pagitan natin. Whatever misunderstanding we had, I want to clear it up with you."
"Bakit mo sinasabi 'yan sa'kin? Wala akong naging problema sa pag-alis mo Heira. Ni-hindi nga kita lubos na kilala noon. And it's just puppy love, crush-crush lang. Hindi na ako umasang sisiputin mo ako kaya 'wag kang maburden dahil lang dun."
Kurap-mata... "Whatever you say~" Napakamot ako sa ulo dala ng inis.
"I think anyone in my situation would think na annoying ka. Mapilit na nga feelingera pa. Hindi ka marunong tumanggap ng rejection, no? Gosh. Worst day ever!"
Sumimangot lang siya sabay ikot ng eyeballs.
"Fine kung wala ka ngang feelings sa'kin then let's go on a date. As friends? Sayang naman 'yung araw."
"Duh, hindi lang ngayon may araw." Again, inikutan niya na naman ako ng mata. Nasapo niya ang forehead niya sabay hinga ng malalim.
OA nito.
"'Kay fiiiine." Atleast nagliwanag ng onti ang mukha niya. So I guess kakain lang kami, ano bang ginagawa kapag nagde-date?
«»«»«» «»«»«» «»«»«»
YOU ARE READING
Typical Love Story
RomanceNagmahal, nasaktan, lumimot tapos binalikan ng kahapon. Cliché. Typically~ A romantic story about two star-crossed lovers. @All rights reserved Written by me. Owned by me. Don't plagiarize.