Prologue

412 20 0
                                    

Philippines, 1892

Third Person's P.O.V
Maririnig ang mga kalansing ng espada kasabay ang ingay ng ulan. "Inagaw mo siya aking kapatid....bakit!?" Sigaw ng lalaking may balbas. "Hindi ko siya inagaw kuya! Pinili niya lang ako kaysa sayo." Mahinahon na sabi ng lalaking berde ang mga mata. Iwinasiwas ng kanyang kuya ang espada na tumama naman sa beywang nito. Napasigaw siya't napaluhod. Lumingon siya sa kanyang kanan at nakita niya ang kanyang asawa; bitbit ang kanilang anak. Siya ang magandang dalagang pinag-aagawan ng dalawang magkapatid.

"Ah...L---" Hindi natuloy ng nakakatandang kapatid ang sasabihin dahil sinuntok siya ng nakakabata. "Takbo!" Sigaw ng nakakabatang lalaki. Nanlaki ang mga mata ng dalaga at umalis. Kahit umuulan, patuloy parin siyang tumatakbo. Hindi alintana sa kanya ang lamig para lamang sa kanyang minamahal na anak. Tumulo ang luha niya habang pinagmamasdan ang mga berdeng mata ng bata na namana sa ama.
"Huwag kang mag-alala." Bulong nito.

"¿Por qué estás haciendo este hermano?(Why are you doing this brother?)" Tanong ng binatang berde ang mata. "Me la has robado. ¡Ahora es el momento de que pagues! (You've stole her from me. Now it's time for you to pay!)" Hiniwa niya ang dibdib ng nakakabatang kapatid dahilan para bumulwak ang dugo nito. Bumulagta ito at binawian ng buhay. "Ahora ... para encontrar mi tesoro. (Now..to find my treasure.)" Napangiti ito't lumabas ng bahay.

Nakarating ang dalaga sa isang malaking mansyon. Kumatok ito nang kumatok hanggang sa bumukas ito. Isang babae ang lumabas kasama ang isang lalaki. "Ineng! Anong nangyari sayo?!" Hinawakan ng ale ang kamay ng dalaga at papapasukin sana kaso lang umiling ito. "H-Hindi na po." Tumingin siya sa kanyang anak. Binigay niya ito sa babae at pinigilan ang pagtulo ng luha. "Ineng..pumasok ka muna." Nalulugod na sabi ng lalaki. Umiling ulit ang dalaga. "Pasensya po señor. Hindi po ako maaaring pumasok." Huminga siya ng malalim at lumapit sa kanyang anak na hawak-hawak ng babae. "Pangalanan niyo po siyang....Althea Leñor." Sabi nito at hinalikan sa ulo ang sanggol. Tumingin siya sa mga mata ng babae. "Alagaan niyo ho siya. Salamat po!" Tuluyan ng tumulo ang luha ng magandang dalaga't tumakbo palayo. Tinawag ito ng dalawa ngunit hindi ito bumalik at naglaho na lang sa ulan. "Anong gagawin natin aking kapatid?" Tanong ng lalaki sa babae. Nagtinginan ang dalawa. "Mukhang..madadagdagan tayo ng isang miyembro." Malungkot na napangiti ang babae. Pumasok ang dalawa sa loob at magiliw na sinalubong ng dalawang bata. "Nay! Ano po yan?" Tanong ng isang magandang bata na nasa edad na lima. "Ito ang..bago niyong kapatid." Sagot ng babae. Umupo siya sa isang upuan. "Ano po pa-pangalan niya?" Tanong naman ng isang batang lalaki na nasa edad na tatlo. "Althea Leñor, totoy." Ngumiti ang lalaki. Pinagmasdan nila ang sanggol na may berdeng mata.

Isang taon ang nakalipas.
Apollious, 1893

"She's beautiful." Malambing na sabi ng hari sa reyna. "Just like you..my queen." Bulong nito sa tenga ng magandang reyna at hinalikan ito sa pisngi. Napangiti naman ang reyna. Iminulat ng sanggol ang mga mata nito, nagulat ang mag-asawa nang makita nila ang lila nitong mata. "Why is it violet?" Tanong ng hari. Lumingon ang reyna sa kanya at ibinalik ulit ang atensyon sa sanggol. "Nagmana siguro sa aking kapatid." Mahinahon nitong sagot. Napatango naman ang hari. "It suits her violet highlight in her hair. She's beautiful. Really beautiful." Napaluha ang hari. "Ay..naku naman." Natawa ang dalawa. "So..ano ang ipapangalan natin?" Tanong ng hari sa medyo..hindi perpektong tagalog. "Dorothy Jane." Napangiti ang hari. "That's lovely. It fits perfectly." Narinig nilang humagikhik ang sanggol. Natawa sila at niyakap ang sanggol.

The Princess and The SoldierTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon