Chapter 8

32.6K 577 88
                                    

    — Cassandra —


    Dahan-dahan kong iminulat ang mata ko pero agad ding napapikit matapos kong masilaw sa liwanag.

    “Cass…”

    Lumingon ako sa gilid at nakita si Angel na nakaupo ro’n habang namumula ang mga mata. Kumunot ang noo ko at napatingin din kay Frenz na nakatayo sa gilid niya.

    I slowly moved my face to look around. I smelled the usual hospital atmosphere. My breathing became heavier when I realized where I was. I nervously put my hand on the top of my tummy, only to found out that there was missing in my system.

    Nakagat ko ang nanginginig kong labi at tumingin sa tiyan ko. Nanubig agad ang mga mata ko matapos kong mapansin na parang medyo lumiit ito.

    At pakiramdam ko’y may kulang na sa akin.

    “Cass,” bulong na naman ni Angel.

    Unti-unti akong napahikbi no’ng naalala ko ang nangyari. Humigpit ang hawak ko sa hospital dress na suot ko kasabay ng paghawak din ni Angel sa kamay ko.

    “A-Ang… baby ko?” nahihirapan at garalgal na tanong ko. Salitan ko silang tiningnan at hinanap si Bryan. “Si B-Bryan?”

    Please, sabihin n’yo sa ‘king ligtas ang anak ko.

    “Angel, ang anak ko? Ligtas siya, ‘di ba?” umaasang tanong ko sa kaniya.

    Napatitig ako sa mukha niya matapos tumulo ng luha niya. Bumilis ang paghinga ko at umiling. Sinulyapan ko rin si Frenz na nakaiwas ng tingin habang nakapikit.

    “S-Sagutin mo ako.”

    Napayuko si Angel at dahan-dahang umiling. “W-Wala na ang baby mo.”

    Mabilis akong umupo. Yumuko ako para i-check ulit ang tiyan ko. Pinakiramdaman kong maigi ang sarili ko at lalo lang lumakas ang paghikbi ko dahil doon.

    “We’re so sorry, Cass. Wala na ang baby mo.”

    Nanghihinang tiningnan ko si Frenz at sunod-sunod na umiling sa kaniya. Pinahid ko ang mga luha ko at niyakap ang baby kong alam kong nasa tiyan ko pa rin.

    “S-Stop lying!” Medyo tumaas ang boses ko pero mas nangibabaw ang pagkapaos niyon. “N-Nandito pa ang baby ko!”

    “Cass,” umiiyak na tawag sa ‘kin ni Angel at sinubukan akong hawakan pero umusog lang ako para lumayo.

    “Sinungaling kayo!” Lumuluha ko silang tiningnan nang matalim.

    Halos mahirapan na ‘ko sa paghinga habang mahigpit na nakayakap sa tiyan ko. Umiwas ako ng tingin sa kanila at itinaas na lang ang mga tuhod ko para doon ipatong ang aking ulo. Tahimik akong naiyak dahil alam kong wala na talaga ang anak ko sa ‘kin. Ramdam kong wala na siya sa tiyan ko. Pilit ko lang dine-deny ang totoo. Pinipilit ko lang na nandito pa siya.

    “A-Ang baby ko!”

    Napahikbi ako nang malakas habang naririnig ko rin ang pag-iyak ni Angel sa gilid. Napakasakit pala talaga na mawalan ng anak. Excited na excited na ‘kong makita’t mahawakan siya pero nasa tiyan ko pa lang siya, kinuha na agad sa ‘kin.

    Kasalanan ‘to ng bumangga sa ‘kin.

    Kumuyom ang mga kamay ko matapos kong maalala ang ginawang pagbunggo sa ‘kin ng sasakyang ‘yon. Sinadya niya ‘yon! Hindi man lang siya pumreno at parang wala talagang balak na huminto!

    Saglit akong napatigil nang bumukas ang pinto ng hospital room ko at pumasok si Bryan. Naka-office attire pa siya at magulo ang buhok. Umayos ako ng upo at hinintay siyang lumapit habang patuloy pa rin sa pagtulo ang mga luha ko. Dahan-dahan siyang naglakad palapit pero hindi talaga ako nilapitan nang tuluyan.

I'm His Wife (PUBLISHED UNDER TBC PUBLICATIONS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon