Chapter Eleven

456K 9.1K 211
                                    

ELEVEN

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)  

"Napagod ka ba?" Tanong ko kay Axcel ng mapansin kong parang pagod ang mukha niya. Kakauwi lang namin galing sa bahay nila at tinawagan ko na rin ang Daddy ko para sabihing nasa Manila na kaming dalawa.

"Oo." Kaswal na sagot niya sa akin. Hinubad niya ang sapatos niyang suot at agad na humiga sa sofa.

"Kung matutulog ka, doon ka na sa kwarto mo. Ipagluluto lang kita ng hapunan at uuwi na ako." Sabi ko sa kanya.

"Babalik ka?" Bigla niyang tanong sa akin.

"Oo, bukas ng umaga babalik ako." Sabi ko sa kanya at tsaka ko inilapag muna ang bag ko sa may lamesa.

"Dito ka na lang, huwag ka nang umuwi." Sabi niya habang pinapanood ang bawat galaw ko.

"Para kang sira. Naminihasa ka na, Montemayor." Sabi ko sa kanya. Ala-sais y media na ng gabi at balot na ng dilim ang kalangitan. Dito agad ako dumiretso sa unit niya para masigurado na ayos siya bago ko siya iwan. Hindi rin kasi ako mapakali kapag hindi ko siya naiiwang maayos.

"Minsan lang naman ako humiling sa'yo. Kahit hanggang 12 lang, ihahatid kita." Pagpupumilit pa niya.

"Hindi pwede, magtigil ka diyan. Tsaka mag-review ka nga, may test ka bukas ah? Kita mo, pitikin ko 'yang itlog mo eh." Sabi ko sa kanya. Sumimangot naman siya sa sinabi ko. Bakit ganoon? Parang nagiging cute siya sa paningin ko kada sisimangot siya.

"Gawin mo nga." Sabi niya. Umupo ulit siya sa sofa, tumabi naman ako sa kanya. Napagod din kasi ako sa biyahe namin.

"Heh. Mag review ka, sisipain na kita diyan, makikita mo. Alam mo namang graduating tayo tapos puro papetiks ka lang. Next sem na ang OJT mo sa Montemayor Empire kaya umayos-ayos ka. Malilintikan ka talaga sa akin kapag hindi ka umayos." Naiinis kong sabi sa kanya. Bigla siyang humiga sa may lap ko at parang bata akong pinakatitigan. Hindi na ako nagulat ng ginawa niya iyon, sanay na ako sa mga biglaang kilos niya. Kabisa ko na rin siya at kapag ganyan siya, may gusto 'yan o hindi naman kaya ay naglalambing lang. Malambing kasi siya, hindi nga lang halata.

"Bakit ka nakatingin ng ganyan?" Tanong ko sa kanya. Hinawi ko naman ang bagsak at makapal niyang buhok na gustong-gusto niyang ginagawa ko sa kanya.

"Gwapo ba ako?" Parang bata pero seryoso niyang tanong. Bigla naman akong natawa sa sinabi niya.

"Hindi ka gwapo." Natatawa kong sabi sa kanya. Sumimangot siya kaya mas lalo akong natawa. Ang cute talaga ng lalaking 'to, ang sarap lang iuwi sa bahay.

"Bakit sabi mo dati pogi ako?" Nakasimangot pa rin niyang tanong sa akin.

"Oh? Sinabi ko ba? Parang wala naman akong matandaan." Sabi ko sa kanya. Tinignan ko ang mukha niya na hindi na maipinta. Mas lalo tuloy akong natatawa.

"Inaaway mo naman ako." Parang batang sabi niya.

"Hindi ah, nagsasabi lang ako ng totoo." Sabi ko sa kanya. Pinisil ko ang matangos niyang ilong at tsaka ko marahang kinurot ang kanyang makinis na pisngi.

"Sabi mo dati, gwapo naman ako. Tanga nga lang." Sabi niya. Hindi ko naman napigilan ang hindi mapatawa. Nakakainis, siya lang ang nakakapagpatawa sa akin ng ganito.

"Oo na, sige na. Gwapo ka na, tanga nga lang. Tumutubo na naman ang balbas mo oh tsaka iyong bigote mo. Hindi mo aahitin 'yan?" Sabi ko sa kanya at tsaka ko kinapa ang bigote at balbas niya. Natubo na kasi kaya mas lalo siyang nagmumukhang matured at the same time, gwapo. Bagay kasi sa mestizong tulad niya ang may balbas lalo na't balbas sarado pa siya. Nagiging kamukha niya tuloy lalo si Tito Levinn, mas guwapo nga lang siya.

Just If (What If It's Love, Published Under Summit Media) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon