— Elizza —
Hindi ko inakalang papayag si Tito Wayne na ikasal kaming dalawa ni Waves.
Alam kong botong boto sila kay Azzile.
Talaga bang para sa hindi ikasisira ng reputasyon nila, hahayaan nilang ikasal ang anak nila sa babaeng hindi niya mahal... sa akin?
Tiningnan ko isa-isa sina Tito Wayne at Tita Armeia. Hindi makatingin nang deretso ngayon si Tito kay Waves habang si Tita ay nakayuko lang habang nakatakip sa bibig niya.
“Wala ka nang magagawa, Waves! Ikakasal kayong dalawa,” malakas na sabi ni Papa habang nakaduro pa sa kaniya.
Napakagat labi si Waves at tumingin sa akin. Bahagya siyang lumapit na ikinatigil ko sa paghikbi.
“Ano? Hindi mo sila pipigilan? Pigilan mo sila, hindi kita mahal!” sigaw niya na ikinapikit ko.
“Huwag mong sigawan ang anak ko!” singit ni Mama at niyakap ako nang mahigpit.
Hindi na ako nakasagot kay Waves. Umalis din ako sa pagkakayakap ni Mama at mabilis na tumakbo pabalik sa sasakyan.
Sa sasakyan ako umiyak nang umiyak habang pinapanood sila mula rito. Sumigaw pa si Waves at kinalampag na naman ang gate.
Kitang kita ko ang galit at pagka-disgusto niya sa nangyayari. Mamula-mula na ang mukha niya at halatang frustrated.
Awang awa na ako sa kanilang dalawa ni Azzile. Kung kailan malapit na ang kasal nila, tsaka pa nagkaganito.
Pinunasan ko na ang luha ko matapos pumasok ni Waves sa loob, mayamaya ay lumabas ang kotse niya at nagpaharurot siya paalis. Kinausap muna saglit ni Papa sina Tito bago bumalik dito sa sasakyan.
“Elizza,” tawag sa ’kin ni Mama pagkapasok niya. Isinandal niya agad ako sa kaniya.
“Tarantadong lalaking ’yan. Hindi ko hahayaang walang kilalaning Tatay ’yang anak mo. Kung makikilala man siya ng anak mo, ayoko namang asawa niya ang kambal mo. Ano’ng sasabihin ng ibang tao sa inyo?”
Napatingin ako kay Papa sa rearview mirror matapos niyang magsalita. Nagkatinginan lang kami ni Mama at hindi sumagot.
Tama nga naman siya.
Hindi magandang tingnan pero ayoko namang masira lang lahat ng plano nila sa relasyon nila.
Umalis na lang kaya ako?
Nanahimik na si Papa kaya tahimik din kaming nakauwi sa bahay. Ramdam ko na ang pamumugto ng mga mata ko dahil kanina pa ’ko iyak nang iyak.
Napatingin ako sa bahay.
Parang ayoko pang bumaba.
Ano'ng mukha ang ihaharap ko kay Azzile?
Nakakahiya.
“Anak, tara na. Kausapin natin nang maayos ang kambal mo,” sabi ni Mama at hinawakan ako sa kamay.
Tumango na lang ako at sumunod sa kaniya pababa ng kotse. Tahimik kaming naglakad papasok. Naka-lock pa nga ang gate at pinto, buti na lang dala nila Mama ang susi.
“Azzile?” tawag nila pero walang sumagot.
Dumiretso na lang ako sa taas at tumayo sa harap ng pinto ni Azzile. Kumatok ako at isinandal ang noo ko rito.
“Azzile?” Walang sumagot. “Mag-usap tayo, please? I will explain everything to you.”
Ayoko ring masira ang relasyon naming magkapatid pero posible pa ba? Paano kung maging malabo na ang pagkakaayos namin? Sigurado akong nasasaktan siya nang sobra.
BINABASA MO ANG
Wife Series #1: The Undesired Wife
RomanceCOMPLETED "I'm not Azzile, I'm Elizza- the undesired wife." Elizza Tania had a crush on Waves Laserna when they first met. Suddenly, she didn't get a chance to be close to him because her twin sister, Azzile, got his attention. Waves fell in lov...