FATE III:WONDERLAND

34 1 0
                                    

[Oz's POV]

Nagawa naming makalabas ng abyss ng maayos ngunit dumating kami sa isang kakahuyan tsaka pa umuulan at si alice ay wala paring malay hanggang ngayon.

Hinawakan ko sya...teka,bakit mainit sya?parang may lagnat sya ngayon.binuhat ko sya at tumulo ang dugo sa aking kamay,malubha ang kalagayan nya kaya itinakbo ko sya kahit saan basta may makita lang kaming pagamutan.

[Where?:Sa isang bayan~mayamang bayan~]

"Alice...alice..gumising ka"hindi sya umimimik at lalo syang uminit at umaatungol sya.

anong gagawin ko ngayon ko lang naranasan ang bagay na ito.

"psst,kayo!halika kayo dito.."isang magandang babae ang tumawag sa akin,kaya pumasok kami dun sa mansyon nito kahit na hindi ako nakakasigurong kung ligtas doon o ano.

Sa loob ng mansyon...

"anong nangyari sa kanya?"tanong ng babae.

"may dugo po tsaka po sya mainit..."sagot ko naman sabay tingin kay alice.

"ilapag mo sya dyan sa higaan...titignan ko kung anong magagagawa ko..."inilapag ko si alice sa higaan gaya ng utos ng babae.tapos ipinasok nya si alice sa isang kwarto ngunit hindi nya ako pinahintulutang pumasok doon.

anong gagawin ko kapag may nangyaring masama sa kanya?tiyak kong di ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa susi ko dahil ako ang dahilan kung bakit sya nandito.

[Alice's POV] 

Ano to?ba't ganito ang aking suot?teka nasaan ba ako??bakit napakaraming taong nagsisigawan?at para bang may pinagkakaguluhan sila.

"patayin..patayin!!!"sigaw ng iba.pero sino ba ang dapat patayin,pumunta ako sa mas malapit na spot.tinignan ko kung sino ang papatayin nila at nanlaki ang mata ko dahil ang papatayin nila ay si ...si ....OZ!!!

bakit?ano bang kasalanan nya?!

nakangiti lang sya!akala ko ba isa syang will?!nasaan na ang sycthe nya!!anong ginagawa nyaaaaaaaaaaaaaaa!!!!!!!!!!!

"OZ!!!!OZ!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!"sigaw ko ng malakas ngunit para yatang hindi nya ako naririnig,pumunta pa ako sa mas malapit na malapit!nasa harap nya na ako.tapos nakangiti parin sya!sira ba to?!mamamatay na nga sya nakuha pa nyang ngumiti!!

"oz!!"tinignan nya ako at lalong nanlaki ang mata ko ng bigla nalang syang mapugutan ng ulo sa harap ko...tumalsik ang dugo nya sa akin.

"AHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!"

Sigaw ko ng malakas at napatayo sa higaan,p-panaginip?p-pero parang totoo.Panaginip lang talaga yon??.nasaan ba si oz?

Alice & My Wonderland [[The Evil Story]]~On Going~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon