Chapter Twelve

3.1K 48 22
                                    

Maaga muling umalis ng bahay si Meli upang hindi mahalata ng kanyang ina ang pagkakatanggal nya sa trabaho. Sa kanto malapit sa kanila ay hinintay ni Meli ang kanyang kuya JR upang mapagplanuhang maiigi ang kanilang gagawing hakbang.

“Kuya tagal mo naman eh.”

“Sorry ha trapik eh.”

“Trapik eh wala naman halos sasakyan dito at isa pa naka-motor ka.”

“Huwag ka na ngang umapela dyan ha Melitot. Tara na at kumakalam na sikmura ko. Dun tayo ulit sa love natin at dun tayo mag-usap.“

Sa mcdonalds nagtungo ang magpinsan. Dun nila pinolish ang gagawin nilang hakbang upang mailigtas si Room No. 02 at mahuli ang totoong salarin sa krimen. Inaasahan na lang nila na ang lahat ay mangyayari tulad ng sa kanilang plano. Nakalatag na ang lahat, umpisa na ang kanilang pagkilos.

Kinahapunan, tumawag si Meli sa kanyang dating pinapasukan.

“ACES Hospital good afternoon!” pambating sagot ng nasa kabilang linya.

“Edna?” tanong ni Meli.

“Yes speaking, sino po sila?”

“Edna si Meli to.”

“Meli?! Hoy bruha anong nangyari sayo?”

“Naku Edna mahabang kwento. Pumasok ba si Nurse Ela?”

“Si Ma’am? Sa tinagal ko dito eh hindi naman yun umabsent.”

“Eh si Doc Ace? “

“Wala pa. Baket? “

“Punta kasi ako dyan to get my things kaya tinatanong ko kung pumasok sila.”

“Ah, may mga naiwan ka pa pala dito. Sige pumunta ka lang. “

“Sige salamat Edna. “ sabay baba ng telepono

Alas-singko na ng hapon ng pumunta si Meli sa ospital. Kasama nito ang kanyang pinsan na si JR. Naka sibilyan lamang ito at hindi naka-unipormeng pampulis. Wala rin itong dalang baril maliban sa kanyang chapa.

“Papasok na ba ako kuya?” tanong ni Meli sa pinsan.

“Ngayon ka pa ba kinabahan, prinaktis na natin ito eh. “

“Ok, eto na. “

Sa may gate ay may isang assigned na guard. Naging kaibigan naman ito ni Meli kahit na sa ilang araw pa lamang nitong pagtratrabaho dito. Humugot si Meli ng malalim na hininga saka ito tuluyan lumapit sa guard.

“Hi kuya.” Bati nito sa nakaunipormeng lalaki.

“Uy Meli ikaw pala. “

“Kuya nanjan ba si Doc Ace ? “

“Umalis kani-kanina lang kasama ata si Mang Johnny. “

“Eh si Nurse Ela ? “

“Nasa loob pa. “

“Ah. Eh kuya me naiwan kasi ako sa loob na mga gamit ko. Nasa locker ko. Hindi ko nakuha kasi medyo madami na eh. Kaya ito isinama ko yung kuya ko para tulungan ako magbuhat."

“Binilin kasing wag kang papasukin eh. “

“Sandali lang naman po, kung hindi ako makakapasok eh kelan ko pa makukuha mga gamit ko?“

“Sana pinakisuyo mo na lang kina Edna or Joan, o kahit sinong kadikit mong nurse dyan sa loob.“

“Kuya naman oh, sige na. Saka wala pa ko ka-close dyan eh. Alam mo naman isang linggo lang ako. Kaya nga rin ganitong oras na ko pumunta para wala akong maistorbo.“

“O sige Meli pero sandali ka lang ha. Baka makita ka ni Nurse Ela o kaya maabutan ka ni Doc. Tapos yun kasama mo, sa may visitors area lang sa may park. Bawal sya pumasok.”

“Oo kuya sandali lang ako. Thank you.”

Pasalamat ng magpinsan nang papasukin sila ng guard. Ngayon naman ay ang makausap si Nurse Ela. Naiwan sa may park si JR habang tumuloy-tuloy sa loob ng building si Meli. Nanlalamig at kinakabahan, pero kelangan nyang gawin ang bagay na ito upang matapos na ang paghihirap ng pasyenteng tinuring nya ng kaibigan.

Tahimik sa loob at walang tao sa reception area. Tumuloy-tuloy na si Meli sa kanyang destinasyon, ang head office. Tahimik sa kapaligiran miski ang kwarto ni Room No. 02 ay tahimik din. Kumatok si Meli sa katapat na pinto ni Room No. 02.

“Come-in.” sagot ng tao sa loob ng kwarto.

Pagpasok ni Meli ay nakita nya ang pagkagulat sa mukha ni Nurse Ela.

“Why are you here? Sino nagpapasok sayo?“ tanong nito.

“Please let me speak first, I need to talk to you ma’am.”

“About what? Tapos na lahat, nangyari na. If I were you uuwi na ako. Kapag naabutan ka ni Doc baka makulong ka pa.”

“I have nothing to fear ma’am. Gusto lang kita makausap about Room No. 02. “

“What about him. “

“What I am sure ma’am ay ang katotohanang si Room No. 02 ay hindi pa tuluyang nawawala sa kanyang sarili.”

“Anong kalokohan yan pinagsasabi mo Meli?”

“Nurse Ela pwede ba for once magpakatotoo ka. Wala naman si Doc Ace para mag-pretend kang hindi ka concern sa dati mong kasintahan.”

Sa sinabing ito ni Meli nagulat si Nurse Ela. Paanong nalaman ni Meli ang nakaraan nila ni Room No. 02.

“Pa-paano mong nasabi yan?"

“Sa kilos mo ma’am at sa kilos ni Room No. 02, mababasa ang inyong nakaraan. Iba ka kapag kaharap mo na sya at gayun din sya. Hindi nagsisinungaling ang inyong mga mata sa tuwing lumuluha syang sinasaktan mo sya at sa tuwing lumuluha kang nakikita syang nasasaktan.”

“Meli nagkakamali ka.”

“Kung nagkakamali ako ma’am, para saan ang mga luha mo ngayon?”

Hindi pala namalayan ni Nurse Meli ang pagpatak ng kanyang mga luha ng mga oras na yun.

“Huwag ka muna magsalita ma’am.” Pagpapatuloy ni Meli. “Buhay ho ba ni Room No. 02 ang dahilan kung baket ka pa nandito at nagtitiis? Tinatakot ka bang papatayin si Room No. 02 sa oras na umalis ka dito sa ospital na ito?”

“Meli mas mabuti pang wag mo na lang alamin ang lahat.”

“Ma’am gusto kita tulungan at si Room No. 02. Pero kelangan tulungan mo rin ako. Alam kong ayaw mo na dito at hindi mo na kayang makita ang pagdurusa ng mahal mo."

“Meli, papaano? Hawak ni Doc ang buhay ko, buhay ni Room No. 02 at ang buhay ng pamilya ko."

“Magtiwala ka lang ma’am. At tulungan mo ako."

“Sige tell me what is your plan."

“I know ang mga lalaking inakala kong nurse dito ay mga tauhan ni Doc Ace. Alam ko rin na ang kwarto ni Room No. 02 ay napaliligiran ng CCTV.”

“Meli how’d you know all these.”

“Believe it or not ma’am, si Room No. 02 po ang nagsabi sa akin.”

“How?”

“I will tell you later po. Sa ngayon ganito ang dapat nyong gawin.”

Inisa-isa ni Meli ang mga dapat gawin ni Nurse Ela. Sumang-ayon naman ito at agad kumilos. Naiwan sa head office si Meli at hinintay na lamang ang go signal ng Nurse upang isagawa ang susunod na hakabang. Samantala ang kanyang kuya sa labas ng building ay kumilos na rin. Binalikan nito ang guard at kanyang pinatulog sa isang hampas sa likuran. Sya na ngayon ang nagsilbing guard ng ospital at nagbantay sa sino man dumating. Lalo na ang doctor na si Doc Ace.

--------------------------------------x

Authors' Note:

Naeexcite na po ba kayo?

Ako din po eh. hehe :))

Room No. 02Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon