Chapter 6: Away

17.7K 398 22
                                    

— Elizza —

    “Azzile! Aalis ka ba talaga?”

    Napabangon ako mula sa pagkakahiga nang marinig ko ang sigaw ni Mama sa labas. Mabilis akong bumaba ng kama at lumabas ng kuwarto ko.

    Pagbaba ko, nakita ko si Azzile na hila-hila na ang mga maleta niya.

    Ilang araw na ang lumipas na kinumbinsi namin siyang huwag na umalis pero mukhang buo na talaga ang desisyon niya.

    “Azzile...”

    Napatingala siya sa akin habang pababa ako. Akala ko titigil siya pero itinuloy niya ang paglalakad palabas ng bahay kaya nagmadali ako para maabutan siya.

    “Azzile, anak! Huwag kang umalis!”

    Hinabol din siya nina Mama at Papa. Si Papa ay nanatiling tahimik habang pinapanood si Mama na pigilan si Azzile.

    Nakatalikod pa rin ang kambal ko sa amin habang hawak siya ni Mama at hinihila pabalik. Mayamaya'y narinig namin ang paghikbi niya.

    “’Ma... tama na,” humihikbing sabi niya at humarap sa amin.

    Natigilan ako at nagkagat labi lang habang nakatingin sa kanila.

    “Huwag kang umalis...” sambit ni Mama.

    Umiling si Azzile at pilit na ngumiti sa amin bago kami tiningnan isa-isa. Tumagal ang titig niya kay Papa.

    “Sa tingin n’yo po ba, kaya ko pang magtagal dito? Kasama kayo... kayo na nagpilit sa kasal ng kambal ko at ng fiancé ko?” puno ng hinanakit ang boses na tanong niya.

    Natigilan din si Mama at napabitiw kay Azzile. Umiling siya. “I’m sorry, anak—”

    “Okay lang po, naiintindihan ko naman." Ngumiti na naman si Azzile kahit tumutulo ang luha niya. “Naiintindihan kong sa aming dalawa ni Elizza, kapakanan niya talaga ang mas iisipin n’yo dahil mas malapit kayo sa kaniya.”

    Napahinga ako nang malalim habang naririnig ang sinasabi niya.

    Hindi ko alam na may ganito siyang sama ng loob sa amin.

    “Hindi gano'n 'yon, anak—”

    “Gano'n po 'yun kaya sorry po. Sorry po kung saglit n’yo lang akong nakakasama sa bahay dahil sa trabaho ko at ngayon aalis pa ako. Talagang mapapalayo na ako sa inyo,” agad na sabi ni Azzile. “Don’t worry, hindi po ako galit. Nasasaktan lang ako at gusto kong lumayo rito para kahit papaano ay mabawasan ang sakit na nararamdaman ko.”

    Nagkatinginan sina Mama at Papa. Hindi sila nakasagot.

    “Mahal na mahal ko po kayong lahat kaya hindi ako magtatanim ng galit sa inyo.” Ngumiti ulit si Azzile at tumingin sa akin. “Hindi n’yo na ’ko mapipigilan.”

    Napatingin ako sa kotseng padating at huminto sa tapat ng gate namin. Napakurap ako dahil kilalang kilala ko kung kaninong sasakyan ’yon.

    Bumaba si Waves sa kotse niya at mabilis na pumasok dito. Napatingin silang lahat sa kaniya.

    “Azzile.” Lumapit siya kay Azzile at isa-isang tiningnan ang mga bagahe niya. “Aalis ka ba talaga? Love, don't leave me...” mahinang sabi sabi niya at sinubukang hawakan si Azzile.

    Umiwas si Azzile. “Hindi mo rin ako mapipigilan.”

    Umiling si Waves at kinagat nang mariin ang labi niya. “M-Mahal na mahal kita. Hindi ko kakayanin kung aalis ka. Please, ayusin natin ’to.”

Wife Series #1: The Undesired WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon