Chapter 7

1.9K 33 12
                                    

Chapter 7

"Mommy please help me save me"

Umiiyak si Jessie sa harapan ko, pero bakit nya ako tinatawag na mommy?

"Hindi kita anak"anya ko

Tiningnan nya ako ng masama habang may ngiti sa labi.

"Anak mo ako!"anya saka mabilis sya saking sumugod at sinakal ako.

"P—patay na ang anak ko!"

"Pinatay mo ako!"

"Melody iha?"

Humahangos akong bumangon sa kama.

Bakit ganon ang napanaginipan ko?

Napahawak ako sa leeg ko at pilit pa na naghahabol ng hininga.

"Are you ok anak?"

Nag-aalalang tanong sakin ni mama.

"O—ok lang po ako mama, binangungot lang"

"Ganon ba?ok ka na ba?"

"Opo"

"O sige iwan na muna kita–baka masunog ang niluluto ko sa ibaba"

Ilang mura ang nagawa ko nang umalis si mama. Pilit kong kinalma ang sarili ko.

Nang mahimasmasan ako sa panaginip ko ay saka pa lang ako bumangon para magsipilyo at maghilamos bago bumaba.

"Mama!anong breakfast?"sigaw ko sa may hagdan.

Nangunot ako nang may marinig akong katawanan ni mama.

"Mama?"

"O iha?come here the breakfast is ready, sabayan mo na si Andro"

Huminto ang paningin ko kay Andro nang makababa ako ng hagdan. Umangat ang makapal nitong kilay, habang ang mga mata ay nasa katawan ko.

Agad akong tumalikod at bumalik sa kwarto.

Damn him!manyakis!

C'mon I'm just wearing a sheer blouse and pajamas.Bakat ang panloob kong damit.

I'm on the middle of dressing my self when I heard a knock in my door. I immediately dress and open it.

"Hey"

Umirap ako. This man really knows how to pissed me.

"Ano?"anya ko

"Bumaba ka na raw sabi ni mama"

Automatic na umismid ako.

"Tigilan mo na nga ang pag tawag ng mama kay mama dahil wala na tayo!"

"Asawa pa rin kita"

"Sa papel" pang-aasar ko sabay nilagpasan sya, nang maalala ko ang pag-tatalo namin kagabi at ang issue na pinalabas ni Betina.

bumalik ako sa pwesto nya.
"Pakisabi jan sa hitad mong girlfriend, wag na wag nyang sisiraan ang pangalan ko. Hindi ako ang lumapit sayo Andro!ikaw at hindi ako. You know what I mean"nangga-galaiti kong sambit.

Sinuklian nya lang ako ng malalim na mga titig nya. Umiwas agad ako ng tingin.

"Don't you love me?"

Nanlamig ang buo kong katawan.

"You still love me"

Pilit kong nilabanan ang mga titig nya.

"Yes I did...before"

Sya naman ang napa-iwas ng tingin at namulsa.

Lumapit sya sakin pero sa may hagdan nakatingin.

"I'm still thinking why you left me"anya bago ako iniwan.

His Wife (UNDER REVISION) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon