Bata palang ako kilala ko na siya.
Ginagabayan nya ako sa tuwing may promlema ako.
Problema sa pagtulog sa tanghali.
Dahil nga sa bata ako. Mas gugustuhin ko pang mag laro kesa matulog tuwing tanghali. Kaya naging problema ko yun dahil pinapagalitan ako ng magulang ko pag hindi ako natutulog.Pero nanjan siya para ipagtanggol ako. Magkukunware siyang siya nalang daw ang magpapatulog sakin pero ang totoo maglalaro lang kami.
Tinuturuan niya rin ako kapag may assignment akong hindi maintindihan.
Si kuya Lori ang tinuring kong totoong kuya at kaibigan.
Nung ako'y 10 years old palang at ang kaibigan kong si kuya Lori ay 16 years old na that time.
Masyadong malaki ang agwat namin sa isa't- isa. Pero kahit ganoon hindi nito nasira ang pagkakaibigan namin.Palaging pinaaalala sakin ni kuya Lori na wala daw sa edad ang pagiging magkaibigan.
Kaya sa mga taong nawewerduhan samin tuwing magkasama kami ay wala kaming pakialam.
Kasi.
Wala silang pakialam kong magyakapan man kami,
Wala rin silang pakialam kong pumasan ako sa likod ni kuya Lori magdamag,
Wala rin silang pakialam kong maghapon kaming maglaro, at lalo na.
Wala rin silang pakialam kong mas matanda ang kaibigan ko kesa sakin.
Dahil wala kaming ginagawang masama. Kaya wala kaming dapat ipag alala.
Subrang saya ko sa mga panahong yun.
Yung panahong wala akong pinupoblima dahil inaayos ni kuya Lori ang mga problema ko.
Pero nawala nalang bigla ang mga masasayang alaala nayon simula nung tumungtung ako ng high school.
Dahil biglaan silang nag migrate sa ibang bansa. Biglaang umalis ang kuya Lori ko.
Dun nadaw kasi mag aaral ng college si kuya Lori.
Simula nung umalis siya. Naging malungkutin na ako. Naging malungkot na ang mga araw sakin.
Yung dating masayahing bata ay napalitan ng kasungitan.
Hangang sa makapag tapos ako ng high school ay hindi na bumalik ang dati kong kuya Lori. Ni anino wala akong nakita.
Nawalan narin ako ng connection sa kuya Lori ko.
Nabalitan ko nalang na may fiance na pala ang kuya Lori ko.
Kaya, nakapag decide ako na wag nang hintayin si kuya Lori. Wala rin namang mangyayari kapang naghintay pa ako.
Kasi. Kahit na bumalik siya dito hindi na maibabalik ang nakaraan.
Nung mga araw na wala kaming pakialam sa mga taong nasa paligid namin.
Hanggang sa makatungtung ako ng college mailap parin ako sa mga tao.
Marami ngang gustong makipag kaibigan sakin pero niisa walang nakatagal. Palagi ko kasi silang sinusungitan.
Marami narin ang nagtangkang manligaw sakin pero hindi ako nagpapaligaw.
Kahit na wala na akong dapat pang hintayin.
Naghihintay parin ako.
Hinihintay ko yung taong nangako sakin na papakasalan ako pagdating ng tamang panahon.
Pero alam kong hinding hindi nayon mangyayari.
Dahil sa pagkakataong to alam kong masaya na sya.Kaya kahit mahirap manggawin pipilitin kong magpakasaya at kalimutan nalang ang nakaraan.
BINABASA MO ANG
The Right Time (One Shot)
Short StoryFor me, this is the right time for us. Tamang oras, tamang araw at tamang edad gaya ng sabi mo. Read if you want.