(Marcus POV)
Nandito kami ngayon sa loob ng VIP room at lahat sila ay nagkakasiyahan na pero ako nandito sa gilid mag-isang umiinom. Ewan ko ba pero bakit nahihirapan ako sa sitwasyon ko kahit hindi naman dapat. Lumapit sa akin si aj na may hawak na bote.
"Would you mind if I join you?" Tanong nya sa akin. Tinanguan ko lang sya at uminom na ulit.
"Alam mo lagi ko syang nakikitang nakangiti. Tumatawa ng malakas kahit andaming nakatingin sa kanya at sasabihing wala syang pakealam kasi masaya sya. Sobrang lakas nya at walang inuurungan. Yung tipong kahit anong mangyare kaya nyang lampasan." Napatingin naman ako sa kanya at kinunutan sya ng noo. Anong sinasabi nya hindi ko maintindihan.
"Pero ngayon hindi ko na sya nakikitang masaya. Hindi na sya yung tulad ng dati na malakas kasi ngayon konting problema parang susuko na sya. Napakahina na nya sa lahat ng bagay. Hindi ko na makita yung mga ngiti sa mata nya, ngumingiti man sya pero hindi ko ramdam na totoo lahat ng iyon. Oo andyan yung pamilya nya at andito kami ni cath sa tabi nya pero ikaw na mula pagkabata na itinuring nyang kaibigan hindi ka nya maabot pre. Feeling nya kahit anong gawin nya hindi ka nya maaabot kasi ang taas mo, ikaw na mismo yung lumalayo. Kaya feeling nya mag-isa parin sya. Kaya kung may problema ka man o kayo wag nyong hayaang masira nyan ang pagkakaibigan nyo. Mas mahalaga kung nandyan sa tabi nyo ang isa't isa kaysa sa mga problema na pinagdadaanan nyo. Alam ko marcus na may rason ka kung bat ka lumalayo at ginagawa ang lahat ng ito pero ako na ang nagsasabi sayo, tigilan mo na at ayusin lahat kasi sobra ng nasasaktan si steph sa mga ginagawa mo. Dahil sayo hindi na sya tulad ng dati. Pag isipan mo...sige dun muna ako." Natulala ako sa mga sinabi nya at parang lahat ng mga nangyare mula noon ay biglang pumasok sa isipan ko. Natamaan ako sa mga sinabi nya kaya parang ngayon palang gusto ko ng pagsisihan lahat ng ginawa kong paglayo. Hinanap ng mata ko si steph pero napansin kong wala na sya sa kinauupuan nya kanina kaya hinanap ko sya.
"Aj nakita mo ba sila Steph?"
"Andu- Teka dyan lang naman sila nakaupo ni cath kanina ah. Hayst ang tigas ng ulo tara nga hanapin natin." Dali dali kaming nagtanong sa mga kaklase namin pero ng wala kaming nahanap ay nagdisisyon na kaming lumabas ng VIP room at bumaba at may napansin kaming parang nagkakaguluhan na sa baba kaya nanapatakbo kami ni aj.
"Stay away from me you f*cking maniac!" Alam na alam kong boses ni steph yun at kung may mangyare sa kanyang masama mapapatay ko kung sino man yun. Nahirapan kaming makalapit dahil sa dami ng tao.
"Oh my gosh! Steph! Layuan mo ang kaibigan ko manyak ka! Idedemanda ka namin hay*p ka!" Kahit alam kong inis na yung iba dahil sa pagkakatulak ko wala na akong pake basta makita ko lang at mailigtas si steph. Nanggigil ako agad ng makita syang hawak hawak sa magkabilang pisngi ng hay*p na lalaking yun kaya agad akong lumapit at sinuntok sya sa muka. Langya ang sakit nun katigas ng muka ng lalakeng to bwisit.
Sobra na akong nang gigigil. I clench my jaw and face that f*cking man. Ang ayoko sa lahat yung g*go. Napatingin naman ako sa gawi nya at makitang namumula ang pisngi nya at may dugo pa sa gilid ng labi. Lalo akong nagalit sa ginawa ng lalaki kay steph. Sila tito at tita nga hindi manlang nila madapuan ng kamay si Steph tapos sya nagawa nyang pagbuhatan ng kamay. Langya mapapatay ko talaga to.
"Sino ka ba sa inaakala mo para suntukin ako ha! Hindi mo ba ako kilala?! Wag kang makealam dito aayain ko lang naman yang babae na yan kaso napakaarte akala mo kagandahan" Aba g*go nga talaga to ang kapal ng muka akala mo gwapo wala pa nga sa kalingkingan ko yang hay*p na yan.
"I don't f*cking care who you are. Ang problema ay wala kang karapatang mambastos ng babae. Kung gusto mo ng babae hindi ka dapat dito sa bar nagpunta dapat dun ka sa pok pokan g*go!" Hanggang dito dadalhin pa nya yang kakatehan nya kalalaking tao. Pag ako hindi talaga nakapag timpi mayayare sa akin tong mayabang na lalaking to. Kahit mas matanda sya sa akin wala akong pake
Aambahan nya sana ako ng suntok ng maiwasan ko iyon at malakas syang sinuntok sa muka ng paulit ulit. Mapapatay ko talaga to sa kabastusan nya sino ba sya sa inaakala nya para ganunin si steph. Inawat na ako nila aj kaya napatayo na ako.
Galit na galit ako. Ano ba ang pumasok sa isip nya. Ang linaw ng sinabi sa kanyang wag matigas ang ulo tapos eto ang mangyayare sa kanya. Galit akong humarap sa kanya at napansin kong natatakot sya. Nasaktan ako ng makitang ganun sya makatingin.
"Eto ba?! Eto ba ang gusto mo ha! Pinagsabihan ka na kanina na wag kang lalayo at baka kung anong mangyare. kita mo yang napala mo dahil dyan sa katigasan ng ulo mo!"
"I-i'm s-sorry hindi ko n-naman ginusto na mangyare sakin to." Sabi nya habang umiiyak. Nakatingin lang sya ng deretcho sa mga mata ko pero hindi parin nawawala ang galit nanararamdaman ko. Paano nga kung may nangyare sa kanyang masama at hindi ako nakarating agad ano nalang mangyayare sa kanya. Ako ang mananagot at sisisihin ko ang sarili ko pag may nangyareng masama sa kanya.
"Hindi ginusto? Talaga? Eh bakit ka nandito sa baba! Kung nakikinig ka hindi mangyayare to. Ano bang nangyayare sayo?! grow up steph hindi ka na bata. Ang hirap sayo sarili mo lang lagi ang iniisip mo." Hindi na ako makapag timpi at alam kong konti nalang sasabog na ako sa galit. Hanggat maaari ayokong pagsalitaan sya ng masasakit kasi makita ko lang syang masaktan nasasaktan narin ako. Pero mukang nasaktan ko na sya after what i've said to her. jeez! I need to apologize to her but I don't know how. Nakakainis talaga tong bunganga ko walang preno.
"Sorry ah?...kung sa tingin mo isip bata ako. Sorry kung napakatigas ng ulo ko at hindi ako nakikinig sa inyo. Alam mo kung bakit ako ganito? Kasi hindi ako masaya! hindi ko maramdaman yung saya na nararamdaman ng lahat ng taong nakapalibot sa akin. Oo tumatawa ako, Oo ngumingiti ako pero hindi ko maramdaman na totoo lahat ng yun kaya hinahanap ko kung nasaan napunta yung happiness na nararamdaman ko noon. Alam ko kasama ko kayo pero hindi ko parin maramdaman, feeling ko mag-isa parin ako. Hindi ako kontento dahil ramdam kong may kulang! Kaya sorry ah kung sarili ko lang iniisip ko kasi buong buhay ko mula pagkabata hanggang ngayon hindi ko naranasang matanggap ng buo na kung ano at sino ba talaga ako. Kung ano ba talaga yung mga gusto ko at ayaw ko. Minsan ba tinanong mo ako kung okay lang ako?!hindi...kasi wala kang pakealam. Mula pagkabata kilala mo na ako pero ni minsan hindi ko naramdaman na naging bahagi ka ng buhay ko pero ako sobrang laki ng halaga mo sa akin kasi tinuring kitang kaibigan na never mong ipinaramdaman sa akin kaya wag na wag mo akong sasabihan na sarili ko lang ang iniisip ko kasi buong buhay ko lahat ng taong nakapalibot sa akin ay may pake ako at pinahahalagahan ko hindi tulad mo." Duro nya sa dibdib ko habang umiiyak. Sh*t! What I have done. Anong klase akong tao. Anong klase akong kaibigan bakit ko to ginagawa sa kanya. Hindi ko na alam kung paano ko pa maaayos lahat dahil mula nung araw na hindi na kami nagkakaintindihan sa palagay ko yun din yung araw na hindi na maaayos lahat. Ang tanga tanga ko para gawin sa kanya lahat ng to.
"Dapat hindi mo sa akin sinasabi lahat ng yan. Alam mo kung kanino? Sayo! Sayo dapat kasi ikaw lang ang sarili ang iniisip, ikaw ang isip bata, ikaw ang selfish hindi ako." After she said those words napaisip ako na ako nga yata dapat sisihin sa lahat. Napatingin nalang ako sa paanan ko at bumuntong hininga hindi ko maramdaman yung sarili ko na maski sa paligid ko parang wala akong maintindihan. Nabalik lang ako sa reyalidad ng bigla syang tumakbo. Tinawag sya nila cath pero para bang wala syang naririnig kaya sinundan ko sya pero huli na lahat ng makapara sya ng taxi at umalis.
BINABASA MO ANG
I'm In Love with my Childhood Friend
Teen FictionEvery person has a soft heart, most especially women. They can fall for someone in just a snap of a finger. Because just showing importance and treat them like a princess is already a big deal for them. It's not really hard for women to be attached...