Chapter 28: Run Away

0 0 0
                                    

(Steph POV)

"Hindi ginusto? Talaga? Eh bakit ka nandito sa baba! Kung nakikinig ka hindi mangyayare to. Ano bang nangyayare sayo?! grow up Steph, hindi ka na bata. Ang hirap sayo sarili mo lang lagi ang iniisip mo." My heart breaks into pieces when I hear those words. Ang hirap at sobrang sakit palang marinig mismo sa taong mahal mo yung mga salitang hindi mo inaakalang masasabi nila sayo. Akala ko hindi aabot sa ganito pero nagkamali ako.

'Ano bang nangyayare sayo?! Grow up Steph, hindi ka na bata.'

'Ang hirap sayo sarili mo lang lagi ang iniisip mo.'

'Ang hirap sayo sarili mo lang lagi ang iniisip mo.'

'Ang hirap sayo sarili mo lang lagi ang iniisip mo.'

Ilang beses na nagpaulit ulit sa utak ko ang mga sinabi nya at parang binagsakan ako ng kung ano anong mabigat na bagay kaya feeling ko hindi ko na kaya. Sobrang bigat ng dibdib ko sa sama ng loob sa kanya.

Parang gusto ko na lang mawala sa mundo pagkatapos kong narinig ang lahat ng iyon mula mismo sa bibig nya. Ang sakit sakit na para bang unti unting nadudurog yung puso ko at hindi ko mapigilan. Hindi ko kinaya ang lahat ng iyon kaya lumayo ako at sumakay sa taxi. Wala na akong pake kahit na tinatawag nila ako.

"Ah...miss saan ho kayo?"

Nagpunas ako ng luha at tinignan si kuya. Hindi ko alam kung saan ako pupunta ngayon at ayoko pa namang umuwi dahil pag nakita ako nila mom baka kung ano ano nanaman ang sabihin sa akin. Pero kung lalayo pa ako, anong oras na baka mapahamak pa ako lalo na't gabi na kaya nagdesisyon nalang akong umuwi. Bahala nalang.

"Maraming tao ang kaya kang pasayahin at kayang bigyan ka ng pansin. Wag kang magmadali dahil maraming oras para sa mga bagay na ganyan. Mas maganda ang maghintay sa tamang panahon kaysa magmadali sa maling tao at pagkakataon. Malay mo mas sasaya ka na sa tamang tao pag nagtagpo na kayo sa tamang panahon." Napaangat ako ng tingin ng magsalita si kuya driver. Nahihiwagaan ako sa mga sinasabi nya na para bang alam nya ang problema ko. Napangiti nalang ako sa kanya.

Pagdating ko sa bahay tulog na sila mommy at daddy kaya dumeretcho na ako sa kwarto ko. Nagpalit muna ako ng pantulog at humilata sa malambot kong kama. Napapaisip ako sa mga sinabi ni kuya driver kanina at sa tingin ko tama sya.

Napatingin ako sa side table ng mag ring ang phone ko. Aj's name flashes on the screen of my phone at nagdadalawang isip pa ako if I would answer the call but I still answer it. Napabuntong hininga muna ako bago ako nagsalita.

"Hello." Pilit kong pinapasigla ang boses ko kahit na gusto kong umiyak nanaman. Gusto kong magsumbong at mag kwento sa kanila pero nahihiya na ako dahil naisip ko na baka puro ako nalang ang problema nila.

"Hey, where are you? We're so worried about you. Why did you left? Where did you go? hindi na kami mapakali hanggang ngayon andito pa kami nila cath sa bar pero nakauwi na yung mga kaklase natin. Where are you pupuntahan ka namin." Mahahalata mo sa tono ng pananalita nya na nagaalala sya sa akin kaya napaiyak ako at pilit na itinatago yung ingay kaya napatakip nalang ako ng palad sa bibig.

"Steph are you still there? Hello?" Pilit kong pinapakalma ang sarili ko bago ako magsalita.

"I-i'm sorry if hindi ako nagpaalam sa inyo at umalis nalang agad. Don't worry about me I'm fine. Umuwi na kayo ni cath."

"Anong fine nasaan ka ba? Pupuntahan ka namin."

"I'm already here at my room lying on my bed. So you better leave that place and go home. Anong oras na baka kayo pa ang mapahamak. Be safe. Bye."

Hindi ko na napigilang pumatak ang mga luha ko. Akala ko naibuhos ko na lahat pero hindi pa pala. I reach for my pillow then burst my tears there. The only thing that I could tell my problems...The one thing that only listen and I could lean on whenever I feel alone.

How dare him done all this things to me I don't even deserve all of this. Lahat naman ginawa ko para maging mabuting kaibigan pero bakit hindi parin sapat. Maybe I should really forget about him and this would be the time for me to move on about my feelings for him. I'll promise to myself that this will be the last time that I would cry over him.

***

Nagising nalang ako kinabukasan na sumasakit ang ulo. Di ko napansing nakatulog pala ako kakaiyak. Napatingin ako sa salamin at nakitang mugtong mugto ang mga mata ko. Napailing nalang ako at bahagyang natawa sa mga nangyayare sa akin. Nakakapagod palang isipin at iyakan yung mga taong patuloy kong iniingatan at pinapahalagahan pero wala namang pake sa akin. I just wasted my time for them maybe I should wake up now from that dream and live on reality.

Nagdadalawang isip ako kung papasok pa ba ako ngayon dahil sa itsura ko muka kasi akong sabog dahil sa kakaiyak kagabi pero naalala ko di pa pala tapos ang intrams kaya kaylangan kong pumasok. After this event maybe I shoul go somewhere else and have some rest para naman mawala wala yung mga iniisip kong problema sa buhay.

Nagmadali akong kumilos para makapasok na. Medyo maaga pa naman kung papasok ako pero mas okay na yun para konti lang yung tao pag pumasok ako hindi mahahalata yung itsura ko.

***

I'm on my way to our room and I already saw few people around the campus. Masyado pa ata akong maagang pumasok kaysa sa inaakala ko karamihan kasi sa nakikita ko ay puro student council at yung iba ay mga players na nag wawarm up para sa sports na gaganapin mamaya. Saka ko lang naalala na sumali pala si Aj kaya panigurado andito na rin yun.
Nagdere deretcho nalang ako ng lakad ng bahagya akong mapasigaw sa gulat ng may humawak sa balikat ko kaya agad akong napalingon pero agad din ako nagbaba ng tingin ng makita kong si Aj yun.

"Tch! Wag mong sabihin na pati sakin ay umiiwas ka?"

Nagtaas ako ng tingin sa kanya at umiling ng sunod sunod na akala mong batang may nagawang mali pero agad din akong nagbaba ng tingin at bumuntong hininga dahil ayokong mapansin nya pa ang mga mata ko.

"Are you alright? where have you been last night? We are so damn worried about you when you left. I know you cried all night so you don't have to hide it. Even when you try to hide everything to us we'll still know because we already know who and what you are steph. Does it still hurt?"

Dere deretcho nyang tanong na ikinatulala ko. Sobra akong nalulungkot gusto ko nanamang maiyak nang marinig ko ang boses nya na may halong pag aalala ng sobra sa akin. Di ko na napigilan ang luha at napahakbang ng mabilis at niyakap sya ng mahigpit at sa kanya ibinuhos lahat ng luhang kanina pa gustong kumawala.

I'm In Love with my Childhood FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon