Waaaah! I should be happy today kasi finally, malapit ko ng maisakatuparan yung matagal ko ng binabalak. Two days from now, SS4 Seoul na. At magagawa ko na yung ginawa ni Eunhyuk sa akin dati. I will now take my revenge. Pero bakit naguguluhan ako. Parang nahihirapan akong mag-decide whether I will continue with my plan or not. Ano ba'ng gumugulo sa akin?
"Oy! Ang lalim naman ng iniisip mo..." sabay pisil ni Eunhyuk sa pisngi ko. Bigla ko tuloy nabitawan yung kapit kong water bottle kaya natapunan ako ng tubig.
"Ayan! Ginulat mo kasi ako eh... Yan tuloy nabasa ako..." sabi ko sa kanya sabay punas sa nabasang part ng damit ko. Nagulat naman ako nung kunin niya yung towel niya at pinunasan ako.
"Oy! Unggoy! Tsumatsansing ka ah..." biglang sabi ni Donghae na nakalabas yung ulo sa pintuan nung practice room.
Agad lumayo si Eunhyuk sa akin at iniwan yung towel niya. "Kaya mo naman yang mag-isa, sige punasan mo na lang..." tapos lumapit siya sa may sound system at pinatugtog na muli yung pinapractice naming sayaw.
"Oy! Anong eksena yung kanina? Sobrang sweet nyo ng dalawa ah... Nade-develop na ba kayo sa isa't isa?" bulong sa akin ni Donghae.
Tinulak ko siya bigla nung ma-process na sa utak ko yung mga sinasabi niya.
Nade-develop? A-ako? NO. Never! Hindi pwede!!! Baka siya... Feelingera ka naman masyado Jae-eun... Kalma lang, hindi ka nade-develop. Ganyan lang talaga yun. Kinakabahan ka lang... Oo, tama, kinakabahan lang ako.
"Hoy! LEE DONGHAE! Tigilan mo nga ako sa mga panjo-joke mo. Hindi ka na nakakatuwa... Isusumbong kita kay Joonhee..."
"Eh? Walang ganyanan... Peace na tayo!" tapos nag-peace sign at ngumiti siya sa akin.
---
"Ano bang gumugulo sa'yo? Bakit hindi mo makuha ng maayos yung steps? Hindi ka naman ganyan dati ah... Isang araw na lang SS4 na. Mag-concentrate ka naman..." parang nagagalit na yung tono ni Eunhyuk. Pauliy-ulit kasi kami sa ibang steps. "Bakit pag si Donghae ang ka-partner mo, parang hindi ka naman naiilang sa kanya?" dagdag pang tanong nito.
Si Donghae nakaupo lang sa isang gilid ng practice room at naglalaro sa kanyang laptop. Medyo maayos na kasi namin na-execute yung part naming dalawa.
Hindi ko lang alam kung bakit naiilang ako kapag si Eunhyuk ang ka-partner ko. Hindi na nawala yung pagkailang ko after nung ibalik nya yung cellphone ko sa akin. Magulo, sobrang magulo.
"E-ewan ko nga ba..." maikli kong sagot.
"Eh kasi crush..." hindi naituloy ni Donghae yung sasabihin niya kasi biglang pumasok si Joonhee sa loob ng practice room namin at binato si Donghae ng isang towel.
"Ang daldal mo masyado Lee Donghae..." sabi ni Joonhee. "Hihiramin ko muna siya ah... Maiwan na muna namin kayong dalawa..." at hinila na ni Joonhee si Donghae palabas ng practice room.
"Oy! Maaga kang umattend ng practice bukas. Bawal ang late..." pahabol na sabi ni Eunhyuk bago makaalis sila ni Joonhee.
"Okay po, Boss..." sagot ni Donghae at tuluyan na silang umali ni Joonhee.
Naiwan tuloy kaming dalawa ni Eunhyuk sa loob na mas lalong nagpalakas ng tensyon sa pagitan naming dalawa. Mas lalo tuloy lumakas yung kaba sa dibdib ko dahil dadalawa nalang kami doon sa loob. Idagdag mo pa ang walang tigil na ulan sa labas at yung malalakas na kulog. Mas lalo tuloy akong kinakabahan.
Kahit ganun yung panahon we still continued practice. Umabot kami ng halos 11pm kaka-practice,
"Isang ulit na lang tapos bukas na lang ulit tayo mag-ptactice para kumpleto tayo nila Donghae ..." sabi ni Eunhyuk.
"O-okay... sige~" pagpayag ko. Tumayo na ulit ako sa kinauupuan ko at lumapit sa gitna ng practice area.
Kumidlat at kumulog ng sobrang lakas, dahilan para magulat ako at mapayakap kay Eunhyuk na nasa harapan ko. Hindi niya yata inaasahan yung bigla kong pagyakap sa kanya kaya na-off balance siya at napabagsak sa biglang pagyakap ko. Napahiga tuloy kaming dalawa habang nakayakap ako sa kanya.
Nakasubsob ako sa dibdib niya dahil nga sa sobrang gulat ako, nung naramdaman kong napahiga kaming dalawa, nag-angat na ako ng ulo ko at umalis sa pagkakayakap sa kanya. Pero mas lalo akong nagulat nung,
"T-teka? Bakit wala akong makita?" napabulalas kong sabi.
"Nagbrown out yata? Malakas masyado yung kidlat kanina..." mahinang sabi ni Eunhyuk.
Tumayo ako kaagad at lumapit sa pintuan para i-check kung may mga tao pa sa labas...
"T-teka, bakit naka-lock yung pintuan?" gulat kong tanong. Kahit anong pihit kasi ang gawin ko sa door knob hindi ito bumubukas.
"Automatic lock yan. Once na nawalan ng kuryente, every room will be automatically locked, at ang tanging makakapagbukas lang nyan ay kapag nagkaroon na ulit ng power..."
"WHAT? Eh pano tayo makakauwi nyan?"
"We'll just have to wait until the power comes back again..." kalmado niyang sabi.
"Bakit ba kalmado ka pa rin? Dapat sa mga ganitong panahon nagpa-panic ka na ah..."
"Walang mabuting maidudulot ang pagpapanic. Ang mabuti pa, kumalma ka na lang dyan at hintayin mong magkaroon ng kuryente..."
"Naranasan mo na sigurong yung mga ganitong sitwasyon kaya nagagawa mong kumalma ng ganyan..." sabi ko. Slowly trying na kumalma katulad ng sinabi niya.
"Ilang beses ko na rin itong naranasan. Minsan nga kami-kami nila Donghae pa yun, magkakasama naman kami kaya okay lang... Ine-enjoy na lang naming yung mga nangyayari, wala naman kaming magagawa. Imbes na mag-panic, i-enjoy na lang. At least wala pang stress…" kwento niya.
Mag-enjoy? Okay nga lang kung si Donghae ang kasama ko, malamang kalmado ako at medyo nae-enjoy pa ito... Pero ikaw kasi ang kasama ko, hindi ko magawang kumalma. Lalo pa't dadalawa lang tayo at nakulong sa isang kwarto. Hindi ko tuloy mapigilang hindi kabahan. Bakit ganito?
---
a/n: okay. yan na... hihihi ^^ nababaliw ako sa susunod na chapter,,, muntanga kasi eh... pero ayan na yung latest chapter nitong 'It's Gotta Be Hyuk' mwahahaha :""">
tsaka ko na ulit ipo-post yung next chapter, trip-trip kasi yun... sana nagustuhan nyo itong chpater na ito... hihihi ^^
Ayun, maraming salamat sa pagbabasa...
AYLABYOW all!!!!~ saranghae!!!!! :"""""""">

BINABASA MO ANG
Lee Sisters' Story - It's Gotta Be HYUK (You) *On-going*
FanficSide-story po ito ng 'My HAEven on Earth'.. Story ni Lee Jae-eun... request ng isang ELFriend na nakilala ko sa Wattpad... ^^ VOTE! MESSAGE! COMMENT! :)) PAYTEEENG!! XD ----------------------------------- Ang Pangalan, Lugar o Pangyayari na ginamit...