~46~
Part 2
Kimchi's Insight
Hindi ko alam kung tama ba tong nakikita ko. Pero alam ko, oo.
Kahit puno ng luha ang mata ko at kahit blurred siya sa paningin ko alam na alam ko na siya pa rin yan. Siya pa rin si Yook na tanging laman ng puso ko.
Nakatitig lang kami sa isa't-isa. It's funny how I can read the pain in his eyes just by looking at it.
Ako? Kilala niyo naman ako di ba? Simula umpisa pa lang ng kwentong to sinabi ko na sa inyo na hindi naman ako iyakin na tao. Pero ewan ko ba? Bakit ba mula ng mapadpad ako dito paulit-ulit na akong lumuluha. Ang sakit ng lalamunan ko pakiramdam ko may nakabarang blade sa loob. Blade na kapag lumunok ako natatakot ako baka biglang mapadpad siya sa puso ko tapos maramdaman ko naman yung hapdi.
Ang sakit na nagmamadali akong umakyat ng hagdanan kanina para lang maipagmalaki sa kanila na nakasama ko si TOP. Tapos ito yung sumalubong sakin.
Hindi ko pa rin lubos maisip na nagtapat sakin si Ilhoon. Parang sinasakal yung dibdib ko nung sinabi niya yung sikreto sa likod ng skinship sa buhay niya.
Gusto ko ng magpahinga. Pero alam ko hindi ako pwedeng pumasok sa bahay ng ganito. Kahit kelan hindi ako nagpakita ng luha sa ate ko tapos ano? Alam ko nagbangayan kami kanina pero alam ko na wala na lang samin yun.
Hindi kami natutulog ng magka-away. Pero ngayon? Makakatulog pa ba ako sa tabi niya? Siya na may problema sa puso tapos dadagdag pa ako?
Wala naman sana dapat akong problema eh. Kundi lang dahil sa heartbreaking confession na yan.
Why does it have to be me? Bakit ako pa yung babaeng sabay nilang mamahalin? Bakit si Ilhoon pa? Madami pa namang lalaki sa mundo bakit kelangang siya pa?
Paano na namin malalampasan to?
I know from now, kelangang mamili ni Sungjae saming dalawa ni Ilhoon. Ang sakit lang isipin na kelangang mamili ng ipa-prioritize. Hindi mapatid yung luha ko sa isiping baka kelangan na nga muna naming itigil ni Sungjae to. Kelangan ko na bang umalis? Kelangan ko na ba ulit mawala sa buhay niya?
Time na bang maglaho ni 'That Girl?' Maiiwan na naman ba si Sungjae? Pero anong gagawin ko? Naming dalawa? Nakatatak pa rin sakin lahat ng sakit sa boses at mukha ni Ilhoon habang nagmamakawa na wag si Sungjae. Wag siya ang mahal ko.
Yung bagay na gusto kong mangyari mukhang malabo na talaga.
Hindi na namin masasabi sa ibang members to.
Sad part is, baka wala na talagang masabi kasi baka wala na rin talagang kami.
Wala pa ring makagalaw at makapagsalita saming dalawa.
"Y-yook.."alam ko narinig niya ang confession ni Ilhoon.
He's in pain also. He's also crying. My baby boy is crying and I hate it so much.
Hindi ako sanay na malungkot siya. Everyone knows how jolly a person he is. A kid who always put a smile on his face. A derp in every way. Now?
Nahihirapan na siya. Nahihirapan na siya at yun ay dahil sakin. Ilang beses ko ba siyang papahirapan? Una kay Jinwoon ngayon kay Ilhoon.
Ironically speaking those guys are both 'Jung's'.
Jung Jin Woon. </3
Jung Il Hoon. <//////3
God? Did I asked to much? Sa sobrang pag dadasal ko ba sayo dati na may makatuluyan akong idols kaya ngayon umepekto lahat ng dasal ko?
Sa kakadasal ko ba kaya naglalantaran ngayon ang mga idols sa buhay ko?