KABANATA 2: WELCOME TO ST. JOSEPH ACADEMY

144 7 0
                                    

*Kung kaya't maaga kaming kumain. Pagkatapos kumain ay nagpaiwan nalang kami ni Anna sa bahay para makapaglaro at manuod ng TV. Habang nag-aantay kami kina Nanay at Tatay ay nakatulog na pala si Anna. Kung kaya't minabuti ko na ihiga na siya sa higaan niya. Samantalang ako ay patuloy parin ang pag-iisip kung ano ang kahulugan ng mga sinabi ni Anna. Sa kabilang banda sabik na din ako na makapunta sa resort na pinagtatrabahoan ni Nanay para makapagtrabaho at makapag-aral na ako.*

[ Narrator's (POV) ]

*Sa pagkawala ng buo niyang memorya ay tumahimik ang buhay ni JP. Ngunit sa kabila ng tahimik niyang buhay tila bah may nagbabadya na namang isang pangyayari na sinasadya talaga ng tadhana. Dahil na din sa mga sinabi ni Anna ay unti-unti na siyang nagkakaroon ng mga katanungan sa kanyang sarili. Pero siya mismo ay di niya masagot-sagot ang mga ito. Kung kaya't pinapalispas niya nalang ang mga ito pero madalang itong pumapasok sa isipan niya.*

*Sa pagpasok niya sa pinagtatrabahoan ng kanyang ina at ang papartating niya na pagpasok sa St. Joseph Academy paano mababago nito ang buhay niya.*

------------------------------------

[ Jude Paolo (POV) ]

*Mag-aalas sais y media palang ng umaga ay gising na ako at ginawa ko na ang mga gawaing bahay at pinakain na ang mga alaga naming hayop kasi nga ngayong araw ay isasabay ako ni nanay doon sa pinapasukan niyang trabaho para makapagapply ako.*

*Mag-aalas siete na ng makaalis kami ng bahay. Tulog pa si Anna at si Tatay naman ay di na muna pumunta ng palengke para magtinda kasi nga masama din ang kanyang pakiramdam. Ilang minuto lang ang makalipas ay narating na namin ang resort na pinapasukan ni nanay. Napakaganda nito. Napakaraming bulaklak o mas masasabi ko na napapalibutan ito ng mga bulaklak. Iba't ibang kulang at ang babango pa. Pagkapasok mo palang ng gate nila ay amoy mo na ang napakatamis na amoy ng mga bulaklak na humahalo sa napakalamig na hangin.*

*Habang papasok kami ni nanay sa resort at biglang sumakit ang ulo ko at tila bah may kirot na naman akong nararamdaman dito sa dibdib ko. Pero di ko maipawaliwanag kung anu bah talaga ang dahilan ng pagkirot na ito. Hindi ko nalang ininda ang mga nararamdaman ko ipinagpawalang bahala ko nalang. Di rin naman din ako pwedeng umatras na kasi andun na din kami ni nanay.*

*Ilang sandali pa at pumasok na kami doon sa napakalaking bahay. Agad ako ipinakilala ni nanay sa kasamahan niya na nooy siya ang namamahala sa bahay. Nagulat ako sa sinabi ng kasamahan niya.*

*Ilang sandali pa at sinabi niya na na pwede na akong mag-umpisa. Siya naman ding pag-uumpisa ko. Sabik akong makapagtrabaho na para naman makapag-aral na din ako ulit. Isang taon din kasi akong huminto sa pag-aaral.*

*Mag-aalas sinko na ng sabay na kaming umuwi ni nanay papunta sa bahay. Pero bago kami umuwi ay may dinaanan na muna siya na form ng St. Joseph sa kumari niya. Professor din kasi sa St. Joseph ang kumari niya at nagpapatulong si nanay para makapasok ako doon.*

*Pagkarating namin sa bahay ay nagpahinga na muna kami at maya-maya lang ang kumain na kami. Habang kumakain ay panay naman ang usap namin sa harap ng hapag kainan.*

"JP anak. Bukas pumunta ka ng St. Joseph tapos isumiti mo itong form na ito. Hanapin mo lang si kumaring Olivia." sabi ni nanay sakin.

"Sige po nay. Hindi nalang po bah ako papasok bukas?" tanong ko naman sa kanya.

"Hindi na muna. Naipagpaalam na kita kanina." sagot naman nito.

*Kinaumagahan ay maaga akong tumungo sa St. Joseph Academy para makapagenrol. Mag-aalas siete palang ay andoon na ako. Ilang sandali pa at nakita ako ni Maam Olivia na kumari ng nanay ko.*

"Ohh JP iho. Ang aga mo naman." sabi nito sakin.

"Opo ehh. Sinabi kasi ni nanay na pumunta ako ng maaga baka raw tanghaliin ako." sagot ko naman sa kanya.

BOOK 2: MY ENEMY MY LOVER (BoyXBoy) - [ Completed ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon