Inaaliw ang sarili
Ng bagay na nakalapat sa daliri
Iniwang bangkay, walang may nagmamay ari
May sariling mundo at sya ang hari
Binakuran na ang sarili sa nakararami
Mga pangit na kabanata
Sa buhay ng isang binata
Wasak na puso't sirang tiwala
Masasalimuot ang sakanya nakatadhana
Suot-suot na ang puting bandana
Di nag kulang, lahat sobra
Tinaya ang lahat sa karera
Gamit ang tiwala at pagmamahal hindi pera
Olats sa gera
Pinaglaban ang babae sa puso'y minsang pumara
Panghihinayang, galit at poot
Sa buong pagkatao bumabalot
Natirang katiting na tiwala, ngayo'y pinagdadamot
Lalake sa garapon, gusto nang makalimot
Lalake sa garapon
Pinaglaruan ng tadhana at panahon
Tiwala'y binasag ng nagdaang kahapon
Hindi nakikisalamuha, gawa ng tako't emosyon
Lalakeng nakakulong sa garapon