Sumusunod lang ako sayo.
Sumusunod.. di na natuto.
Nasasaktan na nga, di pa nahinto,
Tanga na kung tanga, anong paki mo?
Bakit kasi ang manhid mo?
Hinahabol mo siya, eh andito naman ako.
Ang sakit eh; kaw kaya dito,
Nang maramdaman mo kung pano madurog ang puso!
Makiramdam ka naman Tol! Ano ba!
Manhid ka ba, o talagang tatanga-tanga?
Sensya naman, minahal kita nang di sinasadya..
Oo na.. Oo na.. Ako na'ng tanga!
Minahal kita, di ka naman pogi.
Mas mayaman pa nga ako sayo, kung tutuusin.
Pero ang kulit ni kupido eh, duling kung pumana,
Sa dinami-dami ng lalake, sayo pa tumama!
Tol, lagi ko namang pinaparamdam.
Kulang pa ba? Ako'y pagod na.
Pagod nang masaktan; gabi-gabing lumuluha.
Tol, alam mo bang gusto ko ring sumaya?
Sabihin mo nga! Di ba halata?
Grabe ha, anlaki mong tanga..
Pwede namang ako eh, bakit siya pa?
Pipili ka na nga, yang pang mukhang palaka!!
Bitter ako, ok? So shut up!!
Antagal kitang minahal, pero ano, WALA!!
Simpleng " I LOVE YOU NA " masaya na ako..
Pero lumalabas dyan sa bunganga mo,"SORRY, FRIENDS LANG TAYO!"
Ok, fine!! Friends kung friends!!
Eh sa ayaw mo akong maging girlfriend!
Lalayo ako dahil yan ang gusto mo,
magsama kayo ng girlfriend mong kabayo!!
Tol, alam mo.. Mahal kita!
Pero sensya, hanggang dito na lang yata.
Sobra na kasing sakit, di ko na kaya..
Oh siya sige.. Malaya ka na.
Siguro pag nawala na ako, ang saya mo?
Wala nang makulit na nambwibwisit sayo.
Pero may isang bagay lang akong ipapaalala sayo..
Wala nang magmamahal sayo na higit sa kaya ko!!
BE HAPPY!! SET YOURSELVES FREE!! WAG MAGPAKATANGA SA MGA TAONG DI DESERVE ANG PAGMAMAHAL NINYO.
Malay mo, yung taong para sayo, andyan lang sa tabi mo..
^___^

YOU ARE READING
Pag Nagmahal ang Tanga
Teen FictionAnu naman kaya ang feeling ng mga taong walang ginawa kundi ang mahalin ang tao nang sobra? Tapos ano.. Sasabihan ka ng legendary "Sorry, Friends Lang Tayo." Oh-ha?