Record Message Received

623 9 3
                                    

Gabi na. Ay mali. Mag ha-hating gabi na.

Magi-Isang taon na kaming break ng boyfriend ko. Magi-Isang taon na rin siyang hindi nagpaparamdam sakin.  

OO. Mahal ko parin siya. 

At umaasa ako na isang araw, itetext niya ko. Nagsasabing miss na miss niya na ko. Na nagkamali lang siya sa desisyon niya. 

NA MAHAL NIYA PA KO.

Kahit naman nasaktan na ko, mahal ko parin siya ehh. Tatanggapin ko parin siya. Kahit na ginago at binaboy niya ang pagmamahal ko sakanya. Mamahalin ko parin siya ng sobra pa sa dati. Bakit?

Kasi mas matimbang yung saya na dulot niya kesa sa sakit na pinapadama niya sakin.

Kasi MAHAL KO SIYA. Simple as that.

11. ESPESYAL ANG ARAW NA YAN. Sobrang espesyal. :)

Kada 11 ng kada buwan, di ko nakakalimutang itext siya. Yan kasi yung numero ng araw na naging official na kami. Yan yung araw na sobrang napaiyak ako kasi sobrang saya ko at boyfriend ko na ang lalaking pinapangarap ko.

At yan din yung araw na official na wala nang pagmamahalan sa pagitan namin. Yung araw na humagulgol ako dahil hindi na ko mahal ng taong mahal ko. Yung araw na dapat masaya kami, pero turns out na kabaligtaran ang mangyayari.

Sakit no? Mahal na mahal mo ehh. Pero yun pala, pinaglaruan ka lang. Yun pala gagaguhin ka lang.

YUN PALA, DI KA TALAGA MAHAL, MATAGAL NA. :)

Sakit ehh. Sobrang sakit.

September 11, 20XX pala ngayon. :) Tekaa. Kunin ko lang cellphone ko. Tetext ko lang yung mahal ko. Well, I'm not expecting na magreply siya. Baka nagbago na rin siya ng sim ehh. =))) Nakukulitan na rin siguro siya sakin.

Well, mas okay yung di niya nalang mababasa. Di naman maibabalik nung mga text ko yung taong mahal ko.

To: </3 Please be mine again

Eto nanaman ako. Ikaw nanaman ang inaalala ko. Ikaw nanaman ang iniisip ko. Ikaw nanaman ang sinisigaw ng puso ko. Ikaw nanaman. Haha. Ano ba tong pinagsasasabi ko? Ikaw naman talaga ehh. Di naman nagbago tong nararamdaman ko sayo. :)

Alam mo ba, napanaginipan kita kagabi. Umiiyak ka daw nun kasi niloko ka nung girlfriend mo ngayon. Tapos umuulan ng malakas. Pumunta ka dito sa bahay. Basang basa ka ng ulan. Bigla mo daw ako yinakap. Grabee. Parang kahit na panaginip lang yun, parang naramdaman ko parin yung yakap mo. Tapos bigla akong nagising. May luha yung mata ko. 

Babe. Bumalik ka na sakin, please? Ang desperada ko no? Isang taon na akong nagpapakadesperada na balikan mo. Haha. Isang taon na kong lanta. Pero babe. Matataas parin grades ko. Atska di ako pumapayat. Kasi nag promise ako sayo na hindi ko hahayaang bumaba yung grades ko. Atska sabi mo, gusto mo na lagi akong malaman. Ayaw mong papayat ako. Babe, sinunod ko po.

Tumigil muna ako sa pagtext. Di ko mapigilan tong luha ko. Tumutulo nalang sila ng sunod sunod.

Saan ba ko nagkulang? Diba, binigay ko naman lahat? Naging nanay, ate, katulong, lover, stalker, bestfriend, at girlfriend naman ako sayo. Minahal kita ng totoo.

Ganon ba ko kasama sayo? Minsan lang naman kita awayin ehh. 

Ganon ba ko kapangit para iwan mo? Magpapaganda ako! Basta't balikan mo ko.

Ganon ba ko.. Kadaling iwan?

Naaalala ko pa yung araw na nahuli kita sa panloloko mo sakin. :) 

Record Message ReceivedWhere stories live. Discover now