Love the second time around

23 0 1
                                    

Nagising si Pat sa pagyugyog ng tatlong taong gulang niyang anak na si Chris.

"Anak, bakit?"

"Daddy, magkwento ka pa tungkol kay Mommy."

"Anak naman eh. It's 5 a.m. Matulog ka na nga muna. Sleep na Baby."

"No, Ayoko. Kwento ka pa ke Mommy."

Hay, naku. Ang batang ito. Nagmana talaga sa nanay. Ang kulit. Myla............. ang kuliiiiiiiiiiiiit ng anak mo!

"Oo na. sige na nga. Halika dito'.

"yeheey.. kwento si Daddy'.

'''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''the flashback=)

  Nagsimula ang lahat sa Unibersidad na pinapasukan namin ng Mommy  mo nuon.

Siya ang pinakamaldita, mataray, matapang, makulit, madaldal, selosa, iyakin, cute at magandang babaeng nakilala ko.

   "Talaga Daddy?"

"Oo nga sabi eh!"

Habang naglalakad si Pat papuntang foodcourt eh may napulot siyang libro. Wla pa masyadong tao sa foodcourt kasi hindi pa activity time.

"Sino kayang tanga ang nakahulog nito? Matingnan nga. Ui, Economics. hahaha may note pa.

Note: Basahin lamang kung matapang ka. Nakakasira ito ng bait.

 Ayos to ah. hahaha. Sino kayang sira-ulo ang nag-iwan nito. Walang pangalan.

  Kasalukuyang nakaupo si Pat sa may food court habang kumakain ng shawarma at milk tea.

..............................................................................................................bad impressions!!!!

      Kasalukuyang papunta sa Gazeebo sina Myla at ang kanyang mga kaibigan at kaklase na sina Yeye, Richie, Chai, Sheng at Jill. As usual mag-aaral na naman sila para sa oral recitation nila.

     "hay naku girls, pambihirang buhay to. Walang kapagurang Oral recitation." Saad ni Yeye

   "May naisip akong paraan!!" Sabi naman ni Sheng

"ANo?" Sabay turan ng lahat

   "Magshift na lag kaya tayo ng Architecture."

"Ahhhhh.... Waaaaaallleeeeyyy!!!" 

Sabay tawa ng lahat.

"Sheng, gora ka na . magshift ka. Susuportahan ka namin. Magrorosaryo kami para sayo... hahaha" Saad ni Richie.

"Hala, Girls, may nakalimutan ako. naiwan ko nga pala ang book ko sa may Foodcourt. Sige dyan muna kayo.... sabi ni Myla

"123. Go! Tanga!" sabi ng mga kaibigan ni Myla

"Hey!"

Habang naglalakad, panay kausap ni Myla sa kanyang sarili.

"hay, Myla. Ayan kasi., Makikita mo pa kaya yun. Economics. Ang tanga-tanga mo! Grrr."

============================The meeting

   Kasalukuyang pababa na sa foodcourt si Myla. Wala pa masyadong tao. Ang lahat sa Foodcourt ay abala sa pagkain at ang iba sa pakikipagchika, ang iba naman eh sa paggaw ng project at pagpapaganda.

  May napansin agad si Myla. Isang lalaking kumakain habang panay ang tawa mag-isa habang nagbabasa ng aklat.

'Nadagdagan na namn ang adik sa mundo. Sayang, gwapo pa naman kaso shongga." 

Saad ni Myla sa kanyang sarili...

Teka, Akin yun ah. Economics ko yun. At anhg gago, binabasa ang lahat ng isinulat ko duon.

Humanda ka ngayon.

1

2

3

Love the second time aroundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon