"Sorry, I'm late"
Yan agad ang bungad ko sa barkada ko na pihadong kanina pa nagiintay. Late na naman kasi ako sa 'get-together' namin sa Starbucks. As usual, work ang dahilan.
"Hmm, you're improving naman eh. Kung dati, 30 minutes late, ngayon 25 na lang. Konti pa, Ellie" sagot sakin ni Bernice bago humigop sa frappe niya.
"Haaaay Ellie, how many times do we have to tell you na bawas bawasan mo naman pagka-workaholic mo? Duh girl, may buhay ka din" sagot naman ni Claire.
Tumingin naman ako kay Faye. She just shrugged and mouthed "It's okay" before plunging into her Coffee Jelly.
"Sorry na, guys. Dinaanan ko lang yung newly hired nating chef sa QC branch. Sinigurado ko lang kung ayos siya" sabi ko at binaba na ang chanel bag ko sa bakanteng upuan sa left side ko.
Bernice: "Anyway, we're here to chill, diba? Kwentuhan na lang tayo"
May dahilan naman kasi ako kung bakit lagi ako late.
Kaming apat, we've been best friends since highschool. Since then, pangarap na namin ang magkaron ng business together. Kaya naman we strived hard to reach our goals.
And we were blessed. Natupad ang mga pangarap namin. Bernice became an Engineer, Claire is now a Medical Technologist, si Faye ay isa nang magaling na Manager, at ako naman ay Chef;)
We own one of the biggest restaurants in the country: The Achievers.
And since this is a food business, kaming dalawa ni Faye ang hands-on.
Boss si Faye, she organizes lahat ng branch namin all over the nation. At ako naman, toka sa lahat ng hahawak ng pagkain na lalabas sa lahat ng restaurant namin.
Claire: Ay, may kwento nga pala ako.
Faye: Ano yun?
Claire: Erm, naninibago ako kay Jason, parang umiiwas siya sakin these past few days. Yung parang di sya komportable pag ako ang kasama niya. Oh God, I don't want to think bad pero I can't help overthinking.
Ako: Baka paranoia mo lang yan?
Claire: No Ellie, I know him. And he's not like that.
Bernice: Wag mo pangunahan ng conclusion, look for signs. Or better, kausapin mo.
Faye: Tsaka naman Claire, highschool pa lang tayo, sweethearts na kayo.
Claire: That's my point na nga. What if sawa na siya?
Ako: That can't be. Remember, kaming dalawa ni Faye ang tulay ni Jason sayo, and we know how much he loves you.
Claire: Haaaay. Maiba, kamusta na kayo ni Jeremy, Bernice?
Bernice: Ayun, going strong;)
Faye: Kayo na. Mas sweet naman kami ni Daryl. Hahaha
Oooookay, ako na OP ulet. Did I tell you guys? Na ako nga lang pala ang walang lovelife sa amin ngayon?
Claire: Ehem, someone's out of place again!
Ako: Ang sama niyo talaga.
Bernice: Eh pano naman kasi, 23 years old ka na ateng, wala ka pa ding boyfriend! Ilang taon na din ba nung nag-break kayo ni Donny? 8 years! 8 fcking years!
Faye: You know what Ellie, you should go out often and fish some good fish out there!
Claire: At please lang teh, pwede naman siguro wag masyadong hapit sa trabaho hano? Di naman namin sinabing isubsob mo sarili mo sa business natin. The restaurant already came a looong way and much of it is your effort. Dun pa lang grateful na kami. Now, isipin mo naman sarili mo.

BINABASA MO ANG
A Starbucks Love Story [COMPLETED]
Teen Fiction[TAGALOG] A Love story that started with a swapped Frappe of Starbucks'.