"Anak, gising! May bisita ka dito" ang sabi ng nanay ko na gumising sakin mula sa tulog ko. Kung kelan naman ang ganda na ng panaginip ko, tsaka pa ko inistorbo.
"Opo! Teka lang! 5 minutes!" sabi ko. Halata naman sigurong nagsisinungaling ako.
Teka, 'bisita?' never pa ko nagkaron nun. Pandalas ako ng baba, hindi ko na nilinis ang kwarto ko. Tutal, marumi naman palagi yun. Pagbaba ko may nakita akong nakaupo dun sa may table. Lalaking nakasalamin, mukhang pamilyar.
"You must be Xavier?" tanong niya sakin.
"Yes." sagot ko naman.
"Have a seat." alok niya. Wow. Parang bahay niya lang, siya pa nag-alok sakin.
"I am Professor Hawkins from Oudeman Academy. We met when you joined the Mathematics Decathlon Contest last year. Since, you're now an upcoming 3rd year student. We talked to your current school and made a deal for a student transfer in exchange for our school's financial support. You're mom has already agreed and you will be transferring immediately. You'll be the leader of the Oudeman Academic Decathlon Team. Everything will be free. I just came by to deliver the uniform for the opening of ceremony, this is not your official uniform. This will only be used in special events. That's all, I have to go and I'm looking forward with coaching you for the team." sabi niya. Sabay alis.
"Ma! Bakit ka pumayag na magtransfer ako? Ayokong magtransfer! Alam mo ba kung anong klaseng studyante meron ang school na yun? They're all well-off. Kung di anak ng politician, mga anak ng model, businessmen, artista at mga mayayamang tao! Di ako dapat dun." sabi ko sa nanay ko, naiinis na tono.
"Anak, maganda ang turo nila dun. Libre pa. Para to sa kinabukasan mo, sabi pa nila pag pumasok ka daw dun automatic after you graduate from high school sila na din magpapaaral sa'yo sa college." sabi ng nanay ko na napaka-relaxed.
"Kahit pa! bat naman nila gagawin yun? basta di ako papasok dun!" tanong ko.
"Ewan ko." ang napakahabang sagot ng nanay ko. Nakatulong ha. Salamat!
Pasukan na, nagising ako ng 6 am. Nilamon ko ang mga sarili kong salita. Pumasok pa rin ako sa school na yun. No choice na e, tsaka sabi nga ng nanay ko, libre.
Dumating na ko sa school ng 7 am, sakto! Magsisimula na yung opening ceremony.
Nagpunta na sila sa isang napakalaking gymnasium, napanga-nga nalang ako. Ang astig!
"Welcome Students! We are about to start our opening ceremony so please be seated. We're about to give your student IDs, student cafeteria pass, and your navigation tool to avoid getting lost."
Wow. Ang astig naman. Ang daming kong 1st time maeexperience.