Mr. Unknown sa Bus(One Shot)

421 13 6
                                    

So ito ay nagawa ko dahil sa personal kong karanasan. Lolss >:)

          ENJOY!

          Ayy juskooo! Dang inet naman! Maglalakad pa ako papuntang kanto para sumakay ng bus tapos bababa ako ng kanto ng school tapos maglalakad ulit ako! Parusa to men!

---

          Nang makarating na ako sa sakayan ng bus, buti may dumating agad na bus.

          Eto ang masaklap! Punuan boi! Pero no choice naman, malelate ako kung mag-iinarte pa ako.

          Pag-akyat ko, tingin-tingin pa ako sa may bakanteng upuan, umandar agad yung bus! Napahawak tuloy ako sa sandalan ng upuan pero dahil hindo ko tinignan yung nahawakan ko, balikat pala. Buti na lang nakakapit sya dun sa pinto nung bus kundi pareho kaming subsob!

          Tinignan ko yung nahawakan ko sa balikat. Yung crush kop ala :”>

          Nakasabay ko na naman sya? Mga dalawang linggo ko na syang nakakasabay:))

Nag-GM ako!

          On MyWay to School.

Nakasabay ko na naman si Mr. Unknown <3 destiny na ata ito? Dejk.

Text ho :)

          GM.

Maya-maya nagreply si Rose.

          |nakasabay lang destiny na?|

          Hahaha >:D crush nga din pala nito si Mr. Unknown. Oh, let’s say na buong tropa ko naga-gwapuhan sa kanya.

          |Hahaha. Ewan ko sayo! Inggit ka lang! Tsaka malay mo naman diba?|

          |K.|

          Di ko na sya nireplyan. Tsaka andito na rin kase ako.

          Pagbabang-pagbaba ko, parang gusto ko ulit pumasok sa loob ng bus >_<

          Juskoooo! NAPAKA-INET!

          Magta-tricycle na sana ako kaso biglang kumilimlim? Pero bakit ata saken lang? Abnormal na talaga ang weather. Bias:)) Pag maganda or chixx ka, ganon talaga! XD

          Tumingin ako sa ulap at nakitang may payong pala?! At si Mr. Unknown ang nagpapayong sakenn. Ayiie :”>

          “Mr. Unknown?” pabulong kong tanong. Halos nga wala nang sound na lumabas eh.

          “Anong Mr. Unknown? Ako ba yun?” huh? Paano nya nalaman?!

          “Huh? Pa-pa-paaa—“ mautal-utal kong sabi.

          “Lip read”

          “Ahh.” Spell awkward? Haller! Si crush mo na hindi mo kilala, pinapayungan ka? OMG!!

          “Magta-tricycle ka pa kase eh!”

          “Oh ano naman?!”

          “Gusto kitang makasabay maglakad eh. Hindi kumpleto araw ko kapag hindi kita makasabay maglakad.”

          “Alam mo Mr. Unknown sa bus? Ang weird mo! Ngayon lang tayo nagsabay maglakad.”

          “Akala mo lang yun”

          “Huh?”

          “Wala”

          “Bahala ka nga!!” lumakad ako palayo sa kanya. Kaso.. nasa kanya pala ang payong =___= No choice. Bumalik ako..

          “Oh ano? Kaya mo ang init?? Walk out ka pa ah!”

          “Eto naman joke lang yun!”

          “Tss.Kulit mo! “Sabay kurot sa pisngi. Oh my gally! Naramdaman kong uminit yung mukha ko.

          “Blushing huh?” anebeee! Nang-aasar pa sya! Hinampas ko sya sabay yuko.

          “Ganyan ka pala pag kinikilig? Sana pala matagal ko na tong ginawa.”

          Inangat ko ang ulo ko at tumingin sa kanya.

          “Ang alin?”

          “Ang pagsabay ko sayong maglakad. Ang sarap pala kasi sa feeling na kasabay mong maglakad ang taong gusto mo :))”

          “What do you mean?”

          “What I mean is I really like you.” Tumigil syang maglakad kaya tuimgil din ako sa paglalakad. Sabay humarap sya saken.

          “You-you like me?” tanong ko na hindi makapaniwala. Crush ko din to ehh!

          “Yes. I like you. Matagal na.”

          “Kailan pa?”

          “Nung first time palang kitang makasabay sa bus :)”

          Sobrang speechless ako. Ang Mr. Unknown sa bus ng buhay ko, crush din ako :)

          ------THE END-----

          Author’s Note:

Hahaha. Kabitin ba? LOL. Alam nyo sa totoo lang tunay na karansan ko lang ditto ay yung may nakasabay din akong gwapo sa bus. Mr. Unknown sa bus din sya.

          Kung napansin niyo din, waang name yung characters. Gusto ko kasi kayo mismo mag-imagine na kayo yan at si Mr. Unknown sa bus naman ang crush niyo.

Anyways, thank you sa pagbabasa sa pagbabasa. God Bless us all!! :D

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 22, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mr. Unknown sa Bus(One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon