chapter 26

339 12 1
                                    

"Ano bang nangyari sa inyong dalawa?" Tanong ni Sir Jaime sa amin. Siya ang principal dito sa school. Nagkatinginan kami ni Fun.

Sa pagkakataong ito ay isa lang ang rule.

Kung sino ang pinakamagandang acting siya ang paniniwalaan.

Agad akong umiyak.

"S-sinakal niya p-po ako!"

Umiyak din siya.

"Sinuntok niya ako!" Sagot naman niya.

"Nakita ko silang nagsasakalan kanina. Di ko alam ano talagang tunay na nangyari." Sagot naman ni maam Rachael.

"Marami ng mga batang napunta rito kaya di na bago sa akin ang ganito. Minsan talaga ang lalaki ang nangangaway." Sabi ni sir.

Tiningnan ko si Fun na ngayon ay ang talim ng tingin sa akin. I'm win. Binigyan ko siya ng 'winner smile'

"Ewan ko po, sir. Basi kasi sa ugali nilang dalawa mas naniniwala ako kay Johnny." Tumalim naman ang tingin ko kay maam na ngayon ay hinahagod ang ulo ni Fun. "Alam niyo kasi si Johnny mabait na bata, samantalang si Trisha..."

Binigyan naman ako ni Fun ng ngiting nakakaasar. Kaasar nga talaga ang pagmumukha ng lalaking yan! Ang pangit pa ng katawan ang pinili niya hindi cute.

"Tignan niyo nga, sir. Diba ang cute-cute ni Johnny." nanggigigil na saad ni maam.

"I'm win." Saad ni Fun habang walang boses.

"Mmm... I'll call there parents."

Kung pwede lang pumatay ng pangit ngayon inuna ko na si Fun. Fun, magbabayad ka sa ginawa mo sa mga kasamahan ko, titirisin kita hanggang sa di kana makilala ng mga kasamahan mong pangit rin! Magbabayad ka! Di kita mapapatawad!

"Teacher! Pinapatay ako ni Trisha sa mga tingin niya."

Bumalik naman ako sa ulirat sa sinabi niya. Pinapatay ko ba siya?

"Trisha! Huwag mo ngang takutin si Johnny. Hindi ko alam kung anong problema mo sa kanya pero sobra naman ata ang ginawa mong pananakal sa kanya kanina!"

"Sinakal din niya ako!" Pagtatanggol ko.

"I did that for self defense." Sabat naman ng Fun. Gagawin kong Fun ang mukha nito.

"Self defense?! Suntukin kaya kita?!"

Umiyak naman siya. Agad siyang inalo ni maam. Ewan ko ba, ba't ako madaling mairita sa lalaking ito. I'm Kimmie Gonzalez dapat hindi ako pumapatol sa mga bata siguro dahil alam kong sa likod ng napaka amo niyang mukha may nagtatagong demonyo sa likuran niya at papatayin ko ang demonyong iyun.

"Trisha!" Napatingin kaming lahat sa pinto dahil sa malakas na pagbukas nito.

Nanlaki naman ang mata ko. Ano ang ginagawa niya dito?

"Ano bang ginagawa mo dito?!" Saad niya at lumapit sa akin.

"I-ikaw? Anong ginagawa mo dito?" Di makapaniwala kong tanong.

"Matagal kang pumunta sa school kaya dumiretso ako kasi baka nagkasakit ka na naman at ngayon malalaman ko sa guard na nandito ka?!"

At ito na naman ang pagiging madaldalin niya. Napatingin siya sa principal.

"I'm sorry, sir principal for what she have done. Ako na ang humihingi ng pasensya dahil sa kagagawan ni Trisha."

"Ha?! Dom, siya yung-" tinaliman naman niya ako ng tingin.

"Shut up!" Umurong naman ang dila ko. Taas noo niyang hinarap ang principal. Nakakatakot siya. "I'm sorry. Dedisiplinahin ko nalang siya."

"Dom, hindi ako ang may-"

"Halika na." Hinawakan niya ang kamay ko at hinila papalabas.

"Dom, hindi nga ako! Siya ang nauna!" Ba't ba ayaw niyang paniwalaan ako?

Nang nakarating kami sa parking lot ay hinarap niya ako.

"Trisha, kilala kita. Sa pag uugali mo palang alam kong ikaw ang may kasalanan."

"Dom-" kahit anong sabihin ko alam kong di siya maniniwala. "Can I barrow your phone?"

Binigay niya sa akin ang cellphone niya. Pumasok naman kami sa kotse niya at nagmaneho na siya.

Kaylangan kong malaman ang totoo! Kung buhay pa ba sila. Hindi ako maniniwala sa lalaking yun!

Tinawagan ko ang numero ni Edgar. At nag ring ito. Nabuhayan naman ako ng pag asa.

"Hello?"

"Edgar!"

"Sino to?"

"Si Gonzalez ito. Salamat naman at hindi ka pa patay!"

"Uh... thanks? Ba't naman ako mamamatay?"

"Kasi may batang nagpakilalang shadow man at pinatay daw kayong lahat."

Namayani ang katahimikan ng ilang segundo, hanggang sa nakarating ako ng malakas na tawa.

Napasimangot naman ako. Mukhang naisahan ako ng batang yun.

"Sorry..." Umubo siya at nang nagsalita na siya ay naging seryoso na. "Makikipag tulungan si Shadow man sayo."

"What?! Yung mafiang yun?! No thanks." At pinatay ko ang tawag.

So totoo ngang naging bata si shadow man. Ba't naman gusto niyang makipagtulungan sa akin? Sigurado akong may secret agenda yung lalaking yun. And I won't let my guards down.

Bigla namang tumunog ang cellphone ni Dom. Sinagot ko naman yun.

"Ma'am, listen. You need shadow man-"

"Hindi kaya."

"Pero maam."

"Hinding hindi ako makakapayag."

"Ngunit maam kasi-"

"Oh, shut up, Edgar. I will never ever working with that mortal enemy of mine!"

"Maam-" pinatay ko na agad. Ayokong makipag usap kung tungkol lang naman yun sa shadow nayun.

My matured wife in a 8 year old bodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon