Kung Pwede Lang

18 0 0
                                    

Kung Pwede Lang

Sa dampi ng iyong kamay
Sa dugo ko'y bumubuhay
Sa kapit natin sa isa't isa
Ayoko nang bumitaw pa

Sa bawat araw na kasama kita
Tila ba ayoko ng matapos pa
Ang akbay mo sa aking balikat
Ramdam ko na ako'y sapat

Ngunit sa bawat pagtanggi mo
Di malaman pero nasasaktan ako
Nagseselos ako sa inyo
Kahit wala akong karapatan sayo

Kung pwede lang sana tayo
Ako na lang ang mahalin mo
Kung pwede lang sana tayong dalawa
Ang kaso ang gusto mo'y iba

Tula Para Sa Aking Mga Naging SintaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon