Meron Sila Na Wala Ako

18 0 0
                                    

Meron Sila Na Wala Ako

Sa pagmumuni-muni ko sa kwarto
Napag-isipan ko ang lahat ng ito
Ano nga bang meron sila na wala ako?
Gusto ko lang din mabuo ang pagkatao ko

Kasabay ng paglitaw ng buwan
Ang siyang paglamon sa akin ng kalungkutan
Sa hindi malamang dahilan
Nawawala ako sa kawalan

Kagaya ng ngiti sa labi nila
Nais ko ring maging masaya
Pagdalog sa katawan ko ng ligaya
Kailan nga ba madarama?

Matalino nga akong masasabi
Ngunit aanhin ko ito kung hindi ako makangiti
Karma siguro itong masasabi
Sa lahat ng nagawa kong mali

Meron silang saya na wala ako
May magandang kalooban di tulad ko
May isang taong di aalis sa tabi nila
Samantalang ako? Syempre wala

Tula Para Sa Aking Mga Naging SintaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon