Ngiting May Halong Pait
Masaya ako na masaya kayo
Ngunit may lungkot para sa sarili ko
Di makangiti ang aking labi gaya ng inyo
Tila ba may kulang na hina-hanap hanap koNais kong maramdaman ulit iyon
Na may taong naglalaan sayo ng panahon
Bibigyan ka ng sapat na atensyon
Papasayahin ka sa lahat ng pagkakataonNgiting may halong pait ang meron ako
Lungkot ang laman ng aking puso
Lumbay ang sinasalamin ng aking pagkatao
Di nga ba para sa'kin ang bagay na ito?
BINABASA MO ANG
Tula Para Sa Aking Mga Naging Sinta
شِعرMga salitang di mabigkas Kaya pilit na tumatakas Mga salitang di masabi Tinatago nalang sa paghikbi Mga salitang di magawa Aking idadaan sa tula Bunga ng pagmamahal at pag-iwan nila Lahat ng ito'y aking nailathala