"Ate, wag mo nang isipin yun. Aksidente lang ang nangyari. Nasa gitna siya ng kalsada eh kasalanan naman niya yun kung tutuusin. Ate nakikinig ka ba? Ate!" Nang sabihin ko ito ay napalingon din si Ate sa akin. Pero bakas pa rin sa mukha niya ang labis na pagsisisi sa nangyari.
"Magiging okay din ang lahat." Dagdag ko pa.
Naalala ko pa rin ang mga sinabi kong yun na parang kahapon lang nangyari itong lahat.
Nakaupo lang si Ate sa kanyang kama. Ni hindi nga siya umaalis doon at nakatulala lang siya magdamag. Habang ako naman ay dala nang dala ng tray ng pagkain niya dahil hindi pa siya nakakapag-tanghalian o kahit na nag-almusal man lang. Inilapag ko ang tray sa side table niya at akmang aalis na ng kwarto—dahil wala naman siyang kibo sa akin.
"Dre..."
Lumingon ako sa kanya. Nakatitig lang siya sa akin habang hinihintay ko ang mga susunod niyang sasabihin. Pero tinitigan lang niya ako the whole time. At dahil doon ay umalis na lang ako, dahil alam kong wala sa tamang kondisyon si Ate at wala din akong magawa tungkol doon. Wala sina Papa at Mama noon. Dalawang araw ang seminar ni Papa sa Manila at pang 1 week ang pagstay niya kaya sumama na lang din si Mama. Kaya sa mga oras na ito ay tatlo lang kami ni Ate at Manang Marites.
"Bro, nandyan sayo ang notebook ko sa Social Studies? Tanong pa ni Lawrence sa akin habang naglalakad kami sa hallway.
"Oo, Bro. Nando'n sa locker. Teka, kukunin ko lang." Wika ko pa sa kanya, na kanya namang tinanguan.
"Minsan naiisip ko na lang kung ano ba ang feeling bilang isang pulubi. Yung tipong palaboy-laboy ka lang at walang nakakaalam sa pangalan mo, saan ka nanggaling o saan ka papunta." Ito pa ang mahihinang sinambit ni Ate habang nakahiga pa rin siya sa kanyang kama.
"Nababaliw ka na yata. Yan ang napapala mo kakatanggi mo sa pagkain eh..." Sagot ko naman sa kanya, habang nakahiga namn ako sa sahig ng kanyang kwarto.
"Teka, ikaw ba ang panganay sa atin?"
"Hindi, pero ako yung normal mag-isip. Kaya kumain ka na kasi mababaliw ka na talaga.."
Saktong pagdating ko sa locker, ay may nakita akong nakascotchtape doon na nakatuping papel. Syempre pa ay dala ng kyuryosidad, kinuha ko ito at ibinulsa—bago ko binuksan ang locker para kunin ang hiniram kong notebook kay Lawrence.
"'Di ka ba papasok ngayon?" Tanong ko pa sa kanya.
"Magdi-day-off muna ako. 'Di ko kayang makipag-salamuha sa mga tao ngayon." Sagot niya.
"Nakasagasa ako ng tao..." Pahabol pa niya na siyang kinontra ko naman agad.
"Ate, nabangga lang natin siya. Humihinga pa naman siya, at dinala natin sa ospital kaagad, 'di ba? Kaya wag ka nang mag-alala, mabubuhay yun." Inexplain ko sa kanya nang huminahon siya sa pagkastress kakaisip sa nangyari.
"Salamat, bro. Nandito kasi yung assignment ko." Hindi ko na siya sinagot pa at dumiretso na lang sa upuan ko habang ang kamay ko ay nasa bulsa at hawak ang papel na nakuha ko kanina sa pinto ng locker. Kinuha ko ito at binuksan. Binasa ko nang patago.
BINABASA MO ANG
Ang Pagkawala Ni Teresita Gomez
Misterio / SuspensoSi Teresita Gomez ay ipinanganak sa isang simple ngunit marangyang pamilya. Bagama't maayos ang kanyang pamumuhay ay may mga patong-patong na problemang dumating sa kanya. Dahil dito, napagpasyahan niya na munang umalis upang nang sa ganoon ay makap...