CRUSH nga lang ba?(ONE SHOT)

229 1 0
                                    

Ano nga ba ang CRUSH??

May nagsabi nga na ang crush is someone that we admire by their talents and appearances.. syempre kapag babae ka makakita ka lang ng gwapo sasabihin mo.."oh my gosh....ANG GWAPO NYA KYAAAH!!" Pero kapag lalaki ka hindi mo masabi kasi iba ang lalaki sa babae hindi sila yung tipong pinapakita na may gusto sila dun sa babae...alam mo namang tayong mga babae makakita lang ng gwapo solve na kaya nga crush di ba.... hindi mo naman sinabing mahal mo yung tao...

Bakit nga ba kung makapagselos tayo dun sa crush natin akala mong ikaw yung girlfriend/boyfriend.. Tapos ang sasabihin mo...."tao lang ako nagmamahal.." Tokwang yan ha! nagmamahal ka nga pero hindi ka nya kayang mahalin kasi may mahal syang iba... ayan dyan tayo nagpapakatanga.... sabi mo crush mo lang tapos kapag nagdaan ang mahabang panahon ang sasabihin mo naman mahal mo na..

By the way.... ako nga pala si Tiffany Jane Atienza... You can call me Fany... I'm 16 years old...ang drama ba masyado yung pagkakasabi ko tungkol sa crush?? pero totoo naman di ba?! tapos kapag naging kaclose mo yung crush mo ikaw naman kilig na kilig.... tapos ang sasabihin mo pa.."kay swerte ko nga naman oh.." tapos kapag nagkabf/gf yung crush mo sasabihin mo "paasa".. bakit nga ba yan nasasabi?? kaya nga don't expect too much because expectations might hurt you....

"Eto ako ngayon....nag-iisa...... naglalakbay sa gitna ng dilim......lagi na lang ako nadadapa.... ngunit eto bumabangon pa rin~..."

"ANAK NG TOKWA NAMAN FANY! Maawa ka naman magpatulog ka naman... alam mo ba kung anong oras na ha?!"

"Yup.... It's already 12:20am.. :)"

"Hoy ikaw babae ka wag mo akong maenglish-english dyan... upakan kaya dyan eh!"

"ehhhh.....ma..... kasi naman eh yung crush ko ang gwapo...HAHAHAHA...NABABALIW NA AKO~ SAYO~"

"Huuuuu! tantanan mo nga ako dyan sa crush-crush mo na yan! matulog ka na.... kung gusto mong magkagusto sayo yung crush mo matulog ka na!....."

"Aba! gumaganon si mader?! hahaha...."

"Isa pa Fany...MATULOG KA NA!"

o sya tulugan na daw mga dre...... ZZZZZZZZ........ -_-

KINABUKASAN

Haysss...nakakatamad naman pumasok oh....... Sana naman makita ko sya........

Alam nyo ba may crush ako......kaso ang alam ko lang yung name nya....hindi ko alam yung surname nya tsk! ang name ng crush ko ay Jheison.... ayan lang ang alam ko.... o sya makaligo na nga at mamaya ko na lang sya iisipin...

Naglalakad ako ngayon papuntang kanto at dun ako sasakay ng jeep papuntang school namin.... alam nyo ba na childhood friend ko yung crush ko??haha...(ms.author:childhood friend mo pala eh bakit hindi mo alam yung surname nya?!) aba malay ko eh bata pa nga ako nun eh di ba.... at tsaka ikaw ang gumagawa ng story hindi ako...

Dun din sya nakatira sa subdivision namin..... tsk! jusme yan ang gwapo nya talaga! tapos kapag nakikita ko sya palagi syang nakamotor.....ASTIGGGG! XD

O sya lakad-lakad muna baka madapa pa ako..... BOOOGSH! TOINKS*

"aray! ang tanga-tanga mo talaga fany kahit kailan..." sabi ko sa sarili ko

"miss... okay ka lang ba?"

"sa tingin mo ba okay ako ha?! nadapa na nga't lahat okay pa ha?!" O_O OH EM!

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA......"

"o bakit ka tumatawa ha?!"

"HAHAHAHA hanggang ngayon Tif hindi ka pa rin nagbabago...HAHAHA... "

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 05, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

CRUSH nga lang ba?(ONE SHOT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon