stolen smiles .1

4 0 0
                                    

Ito ang pagnanakaw ng pag aari mo.
mula sa sarili kong kumposisyon ng tulang naisulat gamit ang mapagmahal kong emahinasyon.💖

Sege, simulan natin lahat mula sa umpisa, sa unang araw na nasilayan kita. nung unang araw na nakita ko ang gusto kong maging hinaharap ko,😅
madaya ba ako kung sasabihin kong inunahan kona ang tadhana na ikaw ay aking itinakda upang maging akin. at!,at sa sobrang advance ko mag isip. AKIN KANA NGAYON, ngayon,ngayon ko lang naramdaman ang isang pakiramdam na diko pa nararamdaman na para bang sa lahat ng pagkakataon ay ikaw ang gusto kong maramdaman. At iparamdam sayo ang lahat ng uri ng pagpaparamdam ng pagmamahal na sa ibay di mo mararamdaman. Ang sarap, ang sarap sa pakiramdam kapag itoy naganap at natupad.

mula non,sa buong session ng ating klase, mula sa sulok akoy nagmamasid sayo, mula sa malayong distansya na pumapagitan sating dalawa iniisip kong nasa tabi kita, bahang ninanakaw ko ang mga tingin sayo,habang ninanakaw ko ang mga simpleng pagsulyap sayo, ninanakaw ko ang mga ngiti mo kahit alam kong hindi ko ito maiuuwi subalit naghahangad na itoy maging aking pag aari.
Isa akong kriminal tuwing papasok ako akoy nagiging ninja, NINJA, alam mo yun?? NINJAn ka nanaman, ?? hehe, 😅✌ pasensya kung diko maiwasang tumingin sayong liwanag. ikaw, ang liwanag na nakabubulag, may kakayahan kang diko makita ang mga lungkot at problemang nakapaligid sakin. kelan ka kaya magiging akin?. ilang araw na kitang ninanakaw pero wala ka parin sakin.

masaya akong pagnakawan ka kaso malungkot kasi nung sinubukan kong sundan ka hangang sa social media, nagulantang ako sa akeng naketa at nabasa, nakakapanghena, nakakapanglambot na malamang pag aari ka pala ng iba. Kaya pala!, kaya pala ninanakaw kita kasi hindi ka sakin. Kaya pala Ninanakaw kita kasi hindi ka sakin. kaya pala ninanakaw kita kasi hindi ka sakin. kaya pala, kaya pala!, paulit ulit sa utak ko ang mga ito. pero ganon paman, tuloy parin ang pagnanakaw ko sayo.

lumipas ang mga araw ng madalas kong pagnanakaw sayo. ayon, awa ko naman at wala pa namang nakakahuli sakin.😅 Isang araw sa session natin sa history. Parang isang magandang story na sakin napapunta ang papel mo. Hindi kaman nakakuha ng magandang score pero wag kang mag alala kasi pinusuan kona ito.
papuso puso nalang ako😰, hayyy nako!. nawawala ang papel ko. diko na sinubukan pang hanapin sapagkat isa lang ang gusto kong papel, yun ay ang magkapapel sa buhay mo.

At sa session natin sa P.e, pawis na pawis akong pagsamantalahan ka,este pagsamantalahan ang oras na matitigan ka, at ang masilayan ka ng matagalan habang sumasayaw ng zumba. zumbakit ba nawiwindang ako sa mga galaw mo. bakit ako tila nahihipnotismo ng mga ngiti mo. dyosko, napadukot ako  sa bag ko at isang himalang may tubig pala ako.
Dumaan pa ang mga araw at buwan ng pagnanakaw ko sayo ng dimo nalalaman. ang galing ko talagang magnanakaw pero mas gagaling ako pag nakuha kita real talk, suntok, suntok sa buwan ba talaga ang mapasakin ang mga ngiting sinusungkit ng aking panalangin. Gabi gabi, oo gabi gabi kitang niriritualan at diko lang alam kung ikaw ay tinatalaban.
Isang araw sa aking pagnanakaw,habang tinititigan kita at pasesyahan tayo kapag natunaw ka kasi pag lumingon ka talagang akin ka. pag lumingon ka akin ka. lumingon ka at napatingin sakin. diko napigilan ang pamumula ng aking magandang pisnge, hehe...
tumingin ako kunware sa prof sa unahan. pagkatapos ay muling marahan kong inilihis ang mga mata ko sa nakaabang mong...
nagulat ako sa pagkindat mo, diko inaaasahang nakatingin ka pala sa akin at inaabangan mo ang pagtingin ko. pinigil ko ang pagsabog ng damdaming napuno ng ligaya at paghihimagsik!, gusto kong magkaroon ng rebulosyon at ipaglalaban ko ng tagaan ang kindat mo!.

Sa pagtunog ng Bell. inaayos ko ang mga gamit ko,
Ilqng minuto pa ang nakalipas ng mapansin ko ang sarili kong nakatulala, nakatitig lamang pala sayo, habang sinqsabi ang mga katagang nabubuo sa isipqn ko.
"kung mahuhuli moba akong nagnanakaw ng tingin sayo, maari mobang ikulong ako jan sa puso mo.💖"

Hangang sa isang araw, narinig, napansin,ano? anong nangyayare sa mundo?, biglang sumang ayon ang dating sumasalungat kong pagpapantasya sayo. Iniabot mo ang isang papel, papel ko na itinago mo nung nagcheck tayo. At ang boteng nakasuksok sa bag saking likuran ay galing pala sayo. may kung anong mikrobyo yata ang dumapo kay tadhana na ang taong naka bio sa fb mo ay baliktad na pangalan ko.
mula sa orihinal na kumposisyon ng mapagmahal kong imahenasyon. isang malaking prebeleheyong papasukin ka sa aking mansyon. na punong puno ng pagnanakaw. ngunit ngayon,
ngunit ngayon. nahulimonako at handa akong makulong sa puso mo. at kahit kelan diko pagsisisihan ang PAG NANAKAW KO SAYO.

_@lalabmokoshy...💖

Spoken word poetryWhere stories live. Discover now