CHAPTER 45

2K 49 7
                                    

AUTHOR'S POV

Napalingon si Ashton kay Antoinette na kanina niya pa napapansin na nakatitig sa kanya habang nagmamaneho siya.

"Sobrang gwapo ko ba ngayong araw?" Natatawa na sabi niya pero nanatiling seryoso ang mukha ng dalaga, mabilis na napalingon si Ashton dito tapos ay binalik ang tingin sa kalsada.

"Baby.."

"Ayos kana ba talaga? Baka hindi kapa ok tapos--"

"Hey, relax Toni. Ayos lang ako, isang linggo na akong nakaburo sa bahay." Napatango tango si Antoinette sa sinabi nito, gusto niya lang makasigurado na ayos na talaga ang lalaki.

"Basta wag kang magrereklamo sa akin mamaya na masakit ang likod mo, bibigwasan kita." Napapailing nalang si Ashton habang may ngiti sa labi, napakasweet talaga ng girlfriend niya. Mabilis na nilingon niya ulit ito na nakatingin na sa harapan.

"Toni sigurado kana talaga na criminology ang kukunin mo?" Napalunok si Ashton, isipin niya palang na magiging pulis si Antoinette. Madaming kriminal siguro ang mabibigwasan nito, kasama na sila ng kakambal niya.

"Oo, kaya mag bagong buhay kana kung ayaw mong ako ang magdala sayo sa kulungan." Pananakot niya sa lalaki.

"Toni naman." Napabuntong hininga nalang si Antoinette, kahit naman takutin niya ito ay hindi naman ito titigil sa trabaho.

Nanahimik nalang si Antoinette buong byahe, ayaw na ayaw niya talaga sa trabaho ng kambal simula ng mabaril si Ashton. Paano nalang kung sa susunod ay hindi lang isang tama ng bala ang makuha nito? Paano kung malamig na bangkay na ito sa susunod?

Napapikit si Antoinette, hindi yata niya kayang isipin iyon.

Ilang minuto pa ay nakarating na sila sa pupuntahan, napangiti at napaayos ng upo si Antoinette ng mabasa ang malaking arko sa gate na pinasukan nila.

'Vaughan-Schroeder University'

Hindi niya akalain na makakapasok siya don, dati pangarap niya lang na makapag aral don ngayon ay ito na abot kamay na niya kaya hindi siya papayag na bumagsak sa kukunin niyang kurso.

Nang huminto ang sasakyan ay pansin agad ni Antoinette ang nagkalat na mga kotse sa ground, malamang ay napuno ang parking space ng university kaya pinayagan ng ipasok sa loob ang mga ibang sasakyan.

"Tatawagan ko sila na nandito na tayo." Sabi ni Ashton bago sila sabay na lumabas ng kotse.

Napanganga si Antoinette habang sinasara niya ang pinto ng kotse ni Ashton, isa, dalawa, tatlo, apat, lima, hindi niya mabilang kung ilang building ang nakikita niya. Kahit limang palapag lang bawat building ay malaki pa din iyon, napakasosyal. Napag alaman niya na bawat department ay may kanya kanyang building don.

Napasimangot siya, ibig sabihin ay magkalayo sila ng building ni Ashton dahil mag e-engineer ito. Ang sabi niya ay iyon din ang kukunin ni Greyton at Aniel, silang tatlo.

Wala pang sampong minuto ng mapalingon si Antoinette at Ashton sa papalapit na dalawang sasakyan na pumarada katabi ng kotseng sinakyan nila.

Sabay na huminto ang mga ito, napangiti si Antoinette ng makita si Samantha na bumaba sa passenger seat ng isang kotse, sabay naman silang napalingon sa isa pang kotse kung saan bumaba si Amanda.

"Tina is not yet here?" Tanong ni Amanda habang naglalakad palapit sa kinatatayuan nila Antoinette.

Nang makababa si Garrett ay sabay sila ni Samantha na lumapit sa mga kaibigan, ganon din si Aniel na kababa lang sa kotse at nakapamulsang naglakad palapit.

"Speaking of which." Sabay sabay napalingon ang anim ng makita ang kotse ni Martina na papalapit, nagsikunotan din ang mga noo ng mga ito ng makita ang nakabuntot na motor sa kotse ng babae.

Fuckgirl SQUAD (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon