HINDI KO ALAM kung saan uumpisahan ang magbilang. Sa una ba dahil ito na ang ating nakasanayan? O, sa dulo para may ideya ka na sa kung ano ang kanyang mga pinagdaanan?
Pangugunahan na kita dahil paniguradong ni ikaw ay hindi mo 'yan lubos na nauunawaan. Kahit ako rin ang tatanungin mo, hindi ko rin alam kung papaano magdadahilan na kahit papaano may kung ano kang pwedeng malaman dyan. Basta ang sigurado ako, maiintindihan mo yan sa mga susunod kong pagdadahilan.
Mahirap talagang intindihin ang mga tanong na ni hindi mo alam ang pinang-galingan at ang mga bagay na pinagbasehan.
Pero kung bibigyan ka ng pagkakataong malaman ang isang bagay...
Partikular ng isang kwento...
Ano ang pipiliin mo?
Ang magsimula sa umpisa ng kwento at malaman ang naging rason para maging ganoon ang katapusan nito?
O, magsimula sa dulo para malaman ang katapusan at malaman kung ano ang naging dahilan ng pagsisimula ng laban ko?
She say,
" Bakit ka magsisimula sa dulo? That is senseless! You know? you will not appreciate the story if you didn't know what's the reason behind all the chapters."
Then he say,
" I just see it more thrilling than the usual. In fact, if 'll be able to know the ending of the story and i won't like it, I can call it such a waste of time!" So, i'd rather go starting to last."
Sa isang kwento...
Merong mga sikreto na ibinubunyag nang agaran. At meron din namang ibinubunyag nang dahan-dahan.
At do'n sa dahan-dahan nakikita mo kung alin ang mga bagay na hindi mo noon lubos maunawaan.
Sa isang kwento...
Hindi ka lang dapat magbibigay ng kathang isip na aral na makukuha ng magbabasa nito. Kundi, 'yung mga totoong pangaral na magiging inspirasyon para baguhin ang pananaw ng isang tao.
Sa isang kwento...
Hindi lahat ng parte magugustuhan mo pero kapag siguradong sawa ka na, ipagpatuloy mo lang pagbabasa.
Sa isang kwento,
Hindi laging kailangang perpekto, kung may makikita kang mali, punain mo sa paraang matutuwa ang nagsulat nito. Pero kung sakit mo na ang maging kanser ng lipunang ginagalawan mo, aba, irerekomenda ko munang maghanap ka ng matinong utak na ikauunlad ng mundo.
At sa isang kwento...
Hindi lamang dapat gumagana ang matang nagbabasa nito , utak mong nagpopreso at bibig na kukurba at titili sa tuwing dalang-dala ka na sa kwento. Bagkus malalaman mo ang silbi nito kapag ramdam na ramdam mo na ang pakiramdam ng pagiging tao.
Sa maikling sabi, sa isang kwento hindi nalang utak ang pinapagana mo sa tuwing magbabasa ka ng libro o kahit na anong uri ng kwento, bagkus ang puso rin pagkatapos sabay mong paganahin iyon ng buong-buo.
***
Author's note: Hindi lahat ng nasa imahinasyon mo ay mapupunan ko, at hindi lahat na eksaytmet na gusto mong makuha sa isang storya maibibigay ko. Tandaan mong magkaiba ang salitang ikaw at ako at nakikita ko naman yon bilang sapat na rason para sa magiging pagkukulang ko.
©All Rights Reserved. Catastrophe. 2019
YOU ARE READING
She for He
RomanceYou got the idea but maybe not. It's a girl for a boy. A lady for a man. An existing reality which modern time designed. A princess who actually the one seeing the prince on the ground are now bowing her head for a man she loves beyond. Dahil kakaib...