CHAPTER 5
ALWIZA'S POV
Nakaupo na ako sa aking upuan at hinihintay na namin ang aming sunod na guro para magklase.
"Ha!"Napabuntong-hininga si Jhaxine. Alam kong hindi na naman siya natutuwa dahil sa mga nagawa kong kalokohan." Wala ka talagang pakialam noh?"
Napatingin ako sa kaniya. Halata sa mukha niya ang pagkadismaya. Alam kong nagiging ganito lamang siya para sa akin dahil gusto niya talagang ayusin ko na ang buhay ko.
"Hindi ko naman sinasadya, eh!"Angal ko at sumama naman ang tingin niya sa'kin.
"Hindi sinasadya?! Ang buhusan ng shake sa maraming tao ng hindi sinasadya?! Alwiza! Kabisado na kita--at alam kong ang lahat ng nasa isip mo ay gagawin mo!" Panunumbat niya.
"Hindi mo kasi ako naiintidihan, eh!" Depensa ko at napamaang naman siya.
"Alwiza.." Nagtama ang paningin namin ni Jhaxine nang lingunin ko siya."Umamin ka nga sa'kin, may gusto ka ba du'n?"
Nanlaki ang mga mata ko nang dahil sa tanong niyang 'yun kasabay ng sunud-sunod na paglunok ko.
"H-ha?" Maang-maangang tanong ko.
"Tinatanong kita kung may gusto ka ba do'n?"Pag-uulit niya sa kaniyang tanong.
"K-kanino?"
"Kanino pa ba? Eh, 'di do'n kay Ivan!"
Napalunok ako.
Ano ba namang klaseng tanong 'yan? Inaway ko na nga 'yung tao, tapos magiging gusto ko pa?
"Sinasabi ko na nga ba!"Biglang sigaw niya na napapitik pa sa ere."May gusto ka nga do'n sa lalakeng 'yon noh? Umamin ka?"
"Ano bang pinagsasabi mo? Tigil-tigilan mo nga ako?! Du'n sa panget na 'yon? Magkakagusto ako? Ewwww!"Nandidiring sabi ko ngunit tumawa lang siya.
Sige lang, asarin mo ako at nang ikaw na ang sunod na pagtrip-an ko..tss..
"H'wag ka nang tumanggi, Alwiza, dahil halata ka na! Kaya pala nagagawa mo 'yang mga kalokohan mo, ah! Dahil nagpapapansin ka sa kaniya." Pang-aasar niya pa.
"Bahala ka!"Singhal ko tsaka tinalikuran siya.
Ang totoo, wala talaga akong gusto sa panget na 'yun. Tsaka bakit naman ako magkakagusto sa mga taong kinaiinisan ko? Edi sana hindi ko na lang pala ginawa 'yung mga kalokohan ko kanina kung may gusto ako sa kaniya. Pero ang weird lang minsan ng nararamdaman ko, ah? Bakit kinakabahan ako tuwing makikita ko siya?
Napapikit ako dahil sa isiping iyon. Bakit nga ba ako kinakabahan tuwing makikita ko siya? Haaaays! Nevermind!
"Hoy, teh! I-share niyo naman 'yung pinag-uusapan niyo diyan! Nabo-boring na kami dito, oh!" Maarteng wika ni Justine ngunit wala ni isa sa aming sumagot. "Ay! Oo nga pala! Ano 'yung nabalitaan ko na binuhusan mo daw ng shake si Ivan?! Totoo ba 'yun?" Tanong niya at napalapit ng kaunti sa amin.
"Oo, etoh lang naman kasing si Alwiza ay umiral na naman ang pagkabaliw! Pagpasensyahan niyo na lang!"Walang emosyong sagot ni Jhaxine.
Hindi ko alam, pero nagawa ko na nga 'yung gusto kong gawin na ipahiya siya--pero bakit parang kulang pa? Parang sa tingin ko ay kailangan ko pang gumawa ng isang paraan--at sisiguraduhin kong iiyak siya.
Napatingin ako sa bintana at doon ko natanaw si Ivan na nakikipag-usap pa rin kay Jerd. Pinagmasdan ko silang dalawa.
Oo nga pala, 'yung mga pinagsasabi ni Jerd kanina. Ano kayang ibig-sabihin nu'n? At tsaka sino naman kaya 'yung babaeng tinutukoy niya?
Dali-daling umalis si Panget at parang alam ko na kung saan siya pupunta.
Napangiti ako ng bahagya dahil sa isiping iyon!
Hahahahahahahaha!
IVAN CHRISTOFFER'S POV
Damn it!
Hindi ko na talaga alam kung ano ang magagawa ko sa babaeng 'yun. Sa dinami-dami ng mga nakilala kong babae ay siya lang 'yung kakaiba.
Biruin mo! Nagagawa niya 'yung mga bagay na 'yun sa harap ng maraming tao at sa loob pa mismo ng paaralan.
Baliw ba siya?
"Bro.."
Napalingon ako sa likod ko nang tawagin ako ni Jerd, ang bestfriend ko. Napakalawak pa ng ngiti nito na parang manghang-mangha sa kaniyang nakikita.
"What happened?"Tanong nito at sinamaan ko naman siya ng tingin.
"'Yung babaeng kinukwento mo sakin! Ayun! Tingnan mo ginawa!" Itinuro ko sa kaniya 'yung damit ko na natapunan ng Mango Shake."Buhusan ba naman ako shake!"
Napaiwas ako sa kaniya ng tingin ngunit tumawa lang siya.
Anong nakakatawa? Gusto niya bang masaktan?
"I think she's cute.."
Napatulala ako sa mga sinabi niya.
'Yung baliw na 'yun? Cute pa sa paningin niya? Tsss. Walang taste!
"Anong cute ka diyan? Cute ba 'yung ginanto ako, ha? 'Yung ipahiya ako sa maraming tao? Alam mo? Wala ka lang kasi sa sitwasyon ko kaya mo nasasabi 'yang mga bagay na 'yan." Inis na sabi ko tsaka sininghalan siya.
Sa totoo lang, nakakainis talaga 'yung babaeng 'yon!
"Alam mo? Sa tingin ko, natural na talaga sa kaniya 'yung ugaling 'yon kaya kung ako sa'yo ay intidihin mo na lang siya dahil pinapaalala ko sa'yo--na sa huli ay ikaw rin ang mapapahiya kung papatulan mo pa siya." Sagot niya. Sa pananalita niya ay parang siguradong-sigurado siya sa mg sinasabi niya.
Kung ikaw kaya buhusan ko diyan ng shake, makakaganiyan ka pa ba?
"Sige na! Magsho-shower muna ako." Paalam ko tsaka tinalikuran siya at nagsimula nang maglakad patungo sa CR.
Ang lagkit talaga! Buti na lang talaga ay may dala akong extra t-shirt. Hindi ko naman na kailangan nang pants at underwear dahil 'yung mukha ko lang tsaka braso ang nabasa.
Bwiset talaga!
Agad akong pumasok sa CR ng mga boys at pumasok sa isang cubicle na may shower.
Inihanda ko na rin 'yung towel, soap, at shampoo para sa pagligo. Inilabas ko na rin 'yung extra t-shirt ko at isinampay sa may pader na makikita rin sa kabilang cubicle.
Hinubad ko na rin ang uniform, pants, at underwear ko at tsaka binuksan ang shower at sinimulan nang sabunin ang katawan.
Napapikit ako nang sabunin ko ang aking mukha para hindi malagyan ng sabon ang aking mga mata.
Haaaaays! Salamat at gumaan na rin ang pakiramdam ko!
Pakiramdam ko ay natanggal na ang lagkit sa katawan ko at pakiramdam ko ay preskong-presko na ako.
Nang mabanlawan ko na ang aking mukha at buong katawan ay agad kong pinatay ang shower at napatingala para--
Ngunit biglang bumilis ang tibok ng puso ko at alam kong kinakabahan ako. Napabuntong hininga ako kung totoo ba 'tong nakikita ko.
Huh?
Totoo ba 'to?
Kinusot ko pa ang aking mga mata, at mas lalo akong kinabahan.
Anong gagawin ko?
N-nasaan 'yung mga damit ko?

BINABASA MO ANG
I Hate You, But I Love You (season 1)
Novela JuvenilMeet Alwiza Salazar, ang matalinong babaeng ubod ng sama. Pilyo, loko-loko, baliw, at maldita. Lahat ng masasamang katangian ay nasa kaniya na. Ngunit sa muling pagbabalik niya sa Williams Academy ay makakabangga niya ang isang lalaki, isang lalakin...