Tumatak
Ngiti, labi at iyong mata
Kabisadong-kabisado ko na
Lahat ng tungkol sayo
Tiyak na alam koHuli na rin naman
Ako'y iyo nang pagbigyan
Di ko kayang pigilan pa
Ang pagtitig sayo sintaSa natitirang panahon
Ako'y di muna aahon
Hahayaang malunod sa iyo
Magpapakatanga sa huling yugtoAlam kong sa susunod na araw
Di ka na muling matatanaw
Tumatak naman ang bakas mo
Sa puso ko'y di maglalaho
BINABASA MO ANG
Tula Para Sa Aking Mga Naging Sinta
PoesíaMga salitang di mabigkas Kaya pilit na tumatakas Mga salitang di masabi Tinatago nalang sa paghikbi Mga salitang di magawa Aking idadaan sa tula Bunga ng pagmamahal at pag-iwan nila Lahat ng ito'y aking nailathala