Chapter 11: Reverse

16.1K 355 21
                                    

— Elizza —

    Kanina pa namamasa ang kamang hinihigaan ko dahil sa mga luha kong tumutulo rito. Nakatagilid ako at nakatalikod na kay Waves. Hindi ako makaalis kasi sobrang higpit ng yakap niya sa ’kin.

    Sobrang bigat ng paghinga ko kanina pa. Pakiramdam ko masu-suffocate ako rito dahil sa mga pinaggagawa niya.

    Ang sakit...

    Ang sakit ng katawan ko. Napagod nang husto dahil magdamag niya 'kong... 'tang ina.

    Hindi pa ako nakakatulog kahit na antok na antok na 'ko at pagod na talaga. Gusto ko nang umalis dito sa tabi niya pero hindi ko magawa dahil nararamdaman niya kapag sinusubukan kong umalis.

    Buong gabi, wala akong nagawa...

    Wala akong kalaban-laban. Oo nga, mag-asawa na kami, pero hindi ko pa rin ginustong gawin 'yon. At isa pa, lasing siya at iniisip niyang ako si Azzile.

    Sinong makakatanggap ng gano'n diba? Ako, hindi ko kayang tanggapin. Letseng buhay 'to.

    Nakikita ko na ang liwanag sa bintana, indikasyon na umaga na. Talagang dilat at umiiyak lang ako buong magdamag.

    Nakakatakot matulog ulit dito at magising na ginagalaw ka na.

    Napasinghap ako nang biglang gumalaw ang kamay ni Waves. Napatingin ako rito. Dahan-dahan niyang tinaggal ang kamay niya.

    “Ah, shit,” he moaned. “Sakit ng ulo ko.”

    Gising na siya.

    Damn, hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Anong gagawin ko? Anong mukhang ihaharap ko?

    “Good mo— What the fuck is this?”

    Naramdaman ko ang biglang pagbalikwas niya ng upo. Umangat ang kumot, mukhang tingnan niya ang meron sa loob.

    “Elizza? Ano 'to?” naguguluhang tanong niya pero hindi ako nakasagot. Nanatili akong nakatagilid ang posisyon. “Fuck, fuck, fuck! What is this again?”

    Sunod-sunod akong napahinga nang malalalim. Niyakap ko nang mahigpit ang kumot sa katawan ko at isinubsob ang mukha ko sa unan.

    “Elizza? Ano? Did you plan this? Did you seduce me, ha?”

    Mas napaiyak ako sa sunod-sunod na tanong nita. Ibinaon ko nang sobra ang mukha ko sa unan para pigilan ang paghagulgol.

    “Bakit hindi ka makasagot? Totoo nga? Inakit mo 'ko? Ano, Elizza? Hindi ka pa nakuntento sa unang nangyari sa 'tin? 'Tang ina naman bakit mo naman—”

    Mabilis akong tumayo at hinila ang kumot. Ipinulupot ko ’to nang maayos sa katawan ko habang hindi siya tinitingnan. Maglalakad na sana ako papasok sa kuwarto ko pero pinigilan niya 'ko sa braso.

    “Elizza—”

    Mabilis ko siyang sinampal nang malakas pagkaharap ko sa kaniya.

    Napanganga siya at natigilan nang bumaling ang mukha niya sa kabila. Binawi ko agad ang braso ko habang umiiyak na nakatitig sa kaniya.

    “Hindi iyan ang pangalang binabanggit mo kagabi habang binababoy mo 'ko!”

    Masama niya akong tinitigan pero nakikita ko ang pagkagulo sa mga mata niya, nagtataka sa mga sinabi ko.

    “What are you talking about?” mariing tanong niya na ikinailing ko na lang at tinalikuran siya. “Nag-uusap pa tayo!” Marahas niya akong hinila paharap ulit sa kaniya.

Wife Series #1: The Undesired WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon