Kundiman

84 0 2
                                    

Kung tutuusin...

Matagal na dapat kitang nakilala,

Ngunit hindi.

Kung iisipin...

Mas matagal na sana kitang nakasama,

Ngunit hindi.

Mas nauna sana akong napalapit sa'yo

Mas unang pumasok d'yan sa puso mo

Una sana akong nakapagpaligaya sa'yo

At naging dahilan ng bawat ngiti mo

Ngunit hindi.

Pero kahit pa, kahit na...

'Di man tayo agad nagkakilala,

'Di man agad ako nakasama,

'Di agad napalapit sa isa't isa

Masaya ako.

Una man siyang pumasok sa puso mo,

Naunang nagpaligaya sa'yo,

At nakapagbigay ng ngiti sa labi mo,

Masaya na rin ako.

Masaya ako dahil noon iyon.

At mas mahalaga kung ano ang ngayon.

'Di man agad ako,

'Di man nauna sa'yo

Maligaya ako sapagkat ngayo'y mayroong TAYO.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 09, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

PossibilitiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon