Special Chapter

5.2K 112 5
                                    

"So, how's the married life?"

Hindi ko pinansin ang sinabi ni Mariel at patuloy lang akong nagrereview ng mga documents.

By the way, nandito ako sa company ni Dad ngayon. Bago kasi kami kinasal ni Rae ay humingi ito ng pabor sa akin na unti-unti ko na daw akuin ang responsibilidad ko bilang tagapagmana nito at sisimulan ko nga muna sa pamamahala ng external affairs ng shipping company namin.

"Tigang ka ba?"

Hindi ko maiwasang matalim na tingnan ang ka skype ko dahil sa sinabi nito.

"Tama nga siguro ako no? Halos hindi na maitsura ang kilay mo sa pagkakalapit ng dalawa eh" Yun lang at patawa na niya akong kinutya

"What do you need?" Matigas kong tanong na tinigil muna ang pagbabasa ng mga dokumento para pagtuunan ng pansin ang kausap.

"Outside de kulambo ka siguro kaya ganyan ang mood mo ngayon. Parang ang init ng ulo mo eh." Parang nag-iisip na sabi nito sa sarili

"Mariel..." May halong pagbabanta na tawag ko sa pangalan nito pero imbes na magseryoso ay tinawanan pa ako nito.

Ano bang nakakatawa sa sitwasyon ko? Hindi nga ako outside de kulambo pero parang pinagdududahan pa ako ng asawa ko na itinago ko daw at ikinahiya sa mga tao na kinasal ako sa kapwa ko rin babae nung minsang namasyal kami sa Bohol.

That's bullshit! When I am so proud of me loving and marrying her pero siya pinagduduhan pa ako?

Mahina kong hinilot na parang may pumipintig pintig sa may noo ko. I am at lost of words. Alam ko naman na nagdadalawang-isip pa rin si Rae na mahal ko siya o na totoong mahal ko siya dahil sa history naming dalawa lalo na at na engage din ako nun kay Richard. Pero hindi niya ba nakikita ang mga tingin at kung paano ako tumitig sa kanya? Hindi niya ba naramdaman sa mga galaw ko na talagang mahal ko siya? Ano pa bang dapat kong gawin para mapanatag ang loob nito? Halos magtatatlong-linggo pa nga lang kaming kasal pero ganito na ang nangyari sa amin.

"Ano ba kasing nangyari at ganyan ang mukha mo?"

"Saan ka ngayon? Bakit parang iba ang background ng kwarto mo diyan kaysa dun sa Europe?" Tanong ko dito pabalik na  hindi muna sinagot ang tanong nito.

"Nag-asawa ka lang pero nakalimutan mo na ang kaibigan mong katulad ko na dukha at hindi masyadong maganda" Napairap nalang ako sa pag-iinarte nito na kunyare eh umiiyak at may punas-punas pa ng luha niya kuno.

"O ano nga? Saan ka ngayon...? Shet! Nasa bahay ka ninyo dito sa Pilipinas?"

"Oo.. Natapos ko na kasi ang kontrata ko dun at may isang buwan akong pahinga bago ako kukunin ulit nila para magtrabaho. Kaya nga di ba hindi ako nakapunta sa kasal mo kasi nga hindi ako pinayagang mag leave lalo na't matatapos na ang contract ko nun?" Pairap at parang batang nagmamaktol na sagot nito

"So nasa Pilipinas ka nga?" Natutuwa kong tanong

"Oo nga eh... Paulit-ulit? So ano ngang problema ng maganda kong kaibigan?" Tanong nito na mahina kong ikinabuntong-hininga

"Hulaan ko... Tungkol kay Rae yan noh?"

"Nahulaan mo... Kabago-bago pa nga lang naming kinasal pero ganito na ang nangyari? Nalulungkot at nasasaktan ako Mariel... Anong gagawin ko?" Naluluha kong hindi makatinging hingi ko ng payo

Si Rae lang talaga ang bukod-tanging makakasakit sa puso ko at makakapagpaiyak sa akin ng ganito eh

"Mahabang usapan ba yan?"

RAE

"Nandiyan ba ang Maam Angelica mo?" Tanong ko sa sekreatrya ng daddy ni Angel na ngayo'y sekretarya na rin ng asawa ko mula ng sinimulan niya na ang pag-ako sa responsibilidad na binigay sa kanya ng ama niya na minsan nitong tinanggi ng magtrabaho ito sa isang sikat na magazine sa Europe.

The BITCH and the NERDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon