Kabanata 18
Long Distance
When I was in grade six uso na talaga ang pumasok sa isang relasyon at iyon ang hilig na topic namin ni Aya sa tuwing nagke-kwentuhan kami.
"Si Karyle at si Andrei ay wala na daw noong isa araw pero usapan ngayon na nagkabalikan na daw ulit sila. Grabe ano? Mag-hihiwalay tapos magkakabalikan rin pala."
Bigla kong naisip iyong kaklase namin na si Karyle. Siya iyong sa edad namin na ganito ay mayroon na agad na boyfriend. Sa totoo lang minsan ay naiinggit ako sa kanila. Well they are too sweet sanay na sila sa mga PDA. Kaya naman sa tuwing nakikita namin silang magkasama ay talaga namang naiinggit ako.
Binigyan ko si Aya ng isang matamis na ngiti. "Hayaan mo sila."
"Tsk! Maghihiwalay din iyon. Kung ako magkakaron ng boyfriend at kapag nagkahiwalay kami hindi na ako makikipag balikan!"
Sa totoo lang sang-ayon din ako sa kaniya. Hindi ko alam. Basta iyon lang ang gusto ko. Iyong kapag naghiwalay na kami wala ng second second chance naghiwalay na e.
"At ayako rin ng long distance no! Doon na nagkahiwalay sina Nanay! Sa komunikasyon. Kaya kung mag-aasawa ako gusto ko iyong magkasama kami."
Yes! Iyon lalo na. Hindi ko yata kakayanin iyon. At sabi nga nila wala daw tumatagal sa long distance. Naalala ko si Ate Maricar, iyong kapit bahay namin. Iyong una niyang kasintahan ay nag-trabaho sa ibang bansa. Ilang buwan lang ang nagdaan ay hindi na niya ito ma-contact at sa sumunod na buwan ay bali-balita na lang na may iba na iyong kasintahan niya.
She used to tell me about their story. Palagi siya sa aking nabubukas kahit na naguguluhan ako paminsan-minsan. Dahil doon... ipinangako ko sa sarili ko na hinding-hindi ako papayag na nasa malayo ang lalaking mahal ko.
Ngunit ngayon lamang kinain ko ang aking pangako. I let David to fly back at US dahil alam kong iyon ang tama.
Siguro kailangan ko lang ng malaking tiwala at hindi mapag-hinala dahil iyon ang makakasira sa amin relasyon kung sakali.
Ngayon ang unang araw ng aking klase. Naayos ko na rin ang schedule ko dito sa mansyon. Ngayon kasi'y mahahati ang aking oras sa school at sa dito sa mansyon.
"Sana nama'y makapag-tapos ka na ngayong taon, Krist."
Malungkot akong ngumiti sa sinabi ni Nanay. Hindi ko alam ang sasabihin ko sa kaniya. Ngunit alam ko ang namumuo na loobin sa aking sarili.
Nay... alam kong ngayon. Sinisiguro kong makakapagtapos na ako gaya ng gusto mo. I'm sorry if I failed you... but I will make sure that I won't failed you in the second time.
Nagpaalam ako sa kay Nanay para pumasok. Pang-hapon pa si Kevin kaya hindi ko siya makakasabay sa pag-pasok. While Kenneth choose to study at San Fuerto ng minsang tanungin ko siya'y sabi niya'y mas gusto niya lang doon. Noong una'y hindi pumayag si Nanay ngunit kalaunan ay pumayag na siya dahil na din sa pamimilit ni Kenneth. Kaya ayun... pinapadalhan na lang ni Nanay si Kenneth para sa kaniyang gastusin.
Nakasalubong ko pa si Nanay Lita ng mapadaan ako sa loob ng mansyon. "Good morning, Nay!"
"Magandang umaga rin hija. Bagay na bagay sa'yo ang unipormeng iyan a!"
BINABASA MO ANG
Unknown Mistake (Raquel Boys Series #1)COMPLETED✔
RomanceWARNING: There are few chapters with mature scenes. Read at your own risk! Sa pag-ibig hindi maiiwasan ang magkaroon ng mga hindrances, iyong tipong may aayaw talaga sa inyong dalawa. At dahil doon iyon ang maaaring maging dahilan ng inyong pagkahiw...