Scene 1

19 0 0
                                    


Alam mo yung tipong bigla ka nalang mapapatulala na may kasama pang pangalumbaba. Akong ako ngayon. Habang busy lahat ng barkada ko sa panunuod ng basketball ng Engineering Department. Yung nakatulala ka na wala ka naman nakikita at wala ding iniisip. Wala lang, as in wala lang talaga. Yung biglaang pagkatulala.

Nang unti unti nang lulimilinaw at nagkakadireksyon ang tingin mo, Shit!!!Shiit!!! Kay Dash pala nakatutok ang tingin ko!! Kailan pa siya nakaupo dun?! At double shiiiitt? "Papa God sorry napapamura ako". Hindi ako makabaling ng tingin na hindi magmumukhang obvious. Hindi ko alam kung mangingiti ako o ano. Ano nga ba? But wait! Did he just smirk at me? Was it a smile? Oh God! Oh God! My ultimate crush had just smiled at me! "Lord pwede ninyo na akong kunin. Now na! Ay no pala! Wag pala Lord pwede mamaya." Kailan pa siya gumwapo ng ganiyan? Damn, my heart is racing like a horse. I couldn't move. Is this for real? Never kaming nagkaroon ng interaction. And I also keep my feelings to myself. Kahit isa sa mga tropa ko walang nakakaalam na crush ko si Dash. He's out of my league you know. Feeling ko out of reach siya ganun. Gwapo, check! Matangkad, check! Matalino, check! Ang appeal juice mayo parang iniregalo na atang lahat ni Lord sa kaniya. At ito pa ha, bokalista ng banda. He could have any girl he would want. I don't think it is me. Who would want someone like me? Ay ano bay an, masyado ko naman at adinadown ang sarili ko. Hindi naman sa ganun. Kung ikukumpara kasi at ibabase sa status nya sa school o well I am just a nobody. Pero mind you, ako nagpapasaya sa barkada. Sabi nga nila pretty na makwela pa. But only to my close friends not to all huh.

Ineng wag kang ambisyosa, baka tingin sayo may tama na sa utak kaya napangiti. Kaasar yung tipong ang kunsensya mo kontrabida na din.

"Shoooottt!!" sabay siko pang sigaw ni Kara sa tabi ko.

"Aray huh gurl!" daing ko naman. Nawala ang tingin ko kay Dash. Hindi ko tuloy alam kung nakatingin parin sya sakin. Kire hindi sayo nakatingin. Feeler ka talaga

"Ano ka ba kasi nanunuod ka ba? Kanina ka pa nakapangalumbaba diyan. Mananalo na sila Arwin ah. Lagot ka dun mamaya. Talo ka sa pustahan." Sabay tawa pa nito. "Iready mo na yang nguso mo." At umungos pa nguso nito.

Umingos naman ako. Alam kong kinakantiyawan ako ng lukaluka ko ring kaibigan. Bigla ko naalala may pustahan kami na kung mananalo sila sa laro papayag akong pahalik sa kaniya. Luh hindi ako easy huh. Ikaw ba naman ang halos araw araw buwisitin at sabihan na never been kissed and never been touched at the age of 19. Binabulaanan ko sinasabi nya na totoo naman. Sinabi ko na matagal nakong nakiss ng kung sinong Ponsio Pilatong pangalan na binaggit ko sa kanila. Hindi ko na maalala. Syempre hindi naniniwala ang mokong na si Arwin. Kaya napasubo ako sa pahamak na pustahan na yan. Ayaw ko lang ng niloloko ako. What's wrong with being untouched at my age? Kailangan ba may experience ka na? Ay sa ayoko ih. Naku patay nanganganib nang madudungisan ang aking labi. Lord wag po!

Nakita ko nalang na nagtatayuan na at nagtatalon naman ang tatlo kong barkada. Pagtingin ko sa baba si Arwin abot ata hanggang batok ang ngisi sakin habang tinatapik sa likod ng isa ko pang barkadang lalaki si Nyro. I just rolled my eyes at hinayaang magpahila kay Kara pababa ng bleacher. Tuluyan nang nawala sa isip ko si Dash.

"So, u want it here?" si Arwin na hindi mabura bura ang nakakabadrip na ngiti nito. Alam ko ang tinutukoy ng mokong na to.

"Alam mo kung hindi lang kita barkada sinikmuraan na kita" nanggigil nako.

Tumawa ito sa sinabi ko. "Ano sore loser ka na ngayon?. Akala ko ba sabi mo hindi naman totoo kaya pumayag ka sa pustahan. O ayan na nanalo nako."

"Pag-iisipan ko. Sa library muna ako guys at may tatapusin akong report for next week. Ang asim kasi ng amoy dito ih. Yuck" sabay talikod. Ayoko nga! First kiss basta ko nalang ibibigay. At sa playboy ko pang barkada. Never! Kahit pa guwapo at magaling sa basketball. Magaling ding mambola. Neknek nya!

"Grabe siya oh, sore loser na nga hindi pa marunong bumati. Diba pare?" Narinig ko nalang anas ni Arwin kay Nyro.

"Pagreserve mo kami upuan bes. Susunod kami" Pahabol ni Lin.

"Don't worry hindi ako makakalimot. Papatungan ko pa ng interest. " pang-aasar pang sigaw ni Arwin.

Ay ambot! Basta never. Malay ko ba na mananalo sila. Tinanong ko naman si She kung malakas ang makakalaban nila. Sabi nya oo daw. At wala daw chance na manalo sila Arwin eh bakit ganun nanalo yung panty hooker na yun. A basta wala wala wala. Call me childish, spoil sport or whatever you want basta hindi. Hinding hindi ko ibibigay. Lokong yun.

Sa dami ng lumabas sa stadium halos magkakadikit na ang katawan ng mga stujante. Tuloy lang ako sa paglakad. Hanggang sa maramdaman ko na sumisikip na ang daan. Halos nasisiksik na ako. Tumingin ako sa kanan mga babae naman lahat ng katabi kong naglalakad. Pagtingin ko sa kabila puro babae din. At parang nagtutulakan pa habang nagbubungisngisan. Hala sinapian na ata itong mga ito. Pati ba naman habang naglalakad magharutan. Nakita na ngang nagsisikip na sa daanan.

Kaysa mabuwisit ako nagdesisyon akong huminto sa paglakad at hayaang mauna ang mga nagsisiksikan. "Aw" biglang may bumangga sa likod ko at agad akong napalingon. Magsosorry na sana ako kaso. Si Dash. Yah kabadig-kabadig. Ayan nanaman ang puso kong epal. Napalunok ako ng dalawang beses at magbubuka na sana akong bibig nang hawakan niya ako sa mga balikat. Para akong tangengot hindi makapagsalita. Ganun ba talaga yun?

"Tara" anito. May anino ng ngiti sa mga labi nito. Anong tara? Hindi naman niya ako kilala pero hawak hawak niya ako sa balikat habang lumalabas kami sa stadium. Napilitan akong lumakad dahil nasa likod ko siya. Ramdam ba niya na parang sasabog ang puso ko sa lakas ng kabog nito. Ang mga babae sa paligid naming panay parin ang pakikipagsiksikan sa amin. Kaya naman pala, gawa ni Dash kasama pa ang mga kabanda nito.

Paano ba ang tamang gawi kung hawak ka sa balikat ng taong matagal mo nang pinapantasiya. Feeling ko nananaginip lang ako. Mauubusan ata ako ng hininga. Ganun pala pag kumakabog ang dibdib nahihirapan din huminga. Harhar.

Nakikita ko na ang liwanag sa labas. Oh no bibitaw na siya.Tapos na ang pantasiya si Tasha.Nang lumuwag na ang mga estujanteng naglalabasan iniisip ko ung ano ang gagawin at sasabihin. Parang sobrang awkward naman. Ayos kaya yung ako ang magtanggal ng kamay nya para mahawakan ko naman? No. Masyadong obvious ateng. Ngunit bago pa man ako makakilos ng nasa isip ko ay naramdaman ko nang bumitaw ang mga kamay ni Dash ngunit ramdam ko na hindi siya lumalayo sa aking likod. Nilingon ko siya. "Uhm thanks" . My tone was somewhat shy and unsure. Umarko ang mga labi nito tanda ng ngiti. Oh dear Lord I need oxygen right here right now. I think I'm going to hyperventilate.

Ito na ba yung oras para iwan ko ang aking sapatos at tumakbo? Hindi ka Disney Princess ateng!




Leave me a comment if this is worth writing for. 

or i could just stick to my first plan. Yung scratch scratch lang na part. :)

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 01, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Kilig Kilig Events LangWhere stories live. Discover now