KABANATA 5: ANG MULING PAGKIKITA

135 7 0
                                    

"Pero nasa sayo lang iyon kung papaano mo tatanggapin ang mga resulta ng mga desisyon mong ito." dagdag pa nito.

"Pero sa lahat ng kamalian at problema sa buhay anak. Alalahanin mo lahat ay may solusyon." sabi niya ulit sa akin.

"Hindi na mahalaga kung tama bah o hindi ang desisyon mo. Basta kung saan ka masaya at wala ka namang tinatapakan na tao yun ang sundin at gawin mo." paalala na naman nito sakin.

"Opo nay. Lahat ng iyan ay gagawin ko." sagot ko naman sa kanya.

[ Narrator's (POV) ]

*Dahil sa mga nalaman ni JP mula sa nanay niya ay unti-unti na namang naguguluhan ang kanyang pag-iisip kong sino at anu bah talaga ang koneksyon ng mga taong sina Armando at Danilo sa buhay niya. At ano ang koneksyon nitong dalawa sa lalaking palagi niyang nakikita sa kanyang mga panaginip. Pero sa mga narinig nya mula sa kanyang nanay patungkol sa mga bracelet na suot suot niya at hawak hawak ni Anna ay nakakaramdam siya ng pangamba at takot.*

--------------------------------------------

[ Jude Paolo (POV) ]

*Araw na naman ng lunes at pasukan na naman. Alas siete na at palabas na ako ng bahay ng siya namang pagdaan ni Charles sa tapat ng bahay na nakamotorsiklo.*

"Jude!, tara sabay ka na sakin oara di ka mahuli." yaya nito sakin.

"Cge cge." sagot ko naman sa kanya.

*Hindi na din ako tumanggi sa alok niya kasi nga malalate ako pag di ako nagmadali. Buti nalang at may nagmamalasakit pa. Ilang sandali pa at nakarating na kami sa paaralan. Kukunti lang ang pumasok sa araw na ito kasi ng araw ng kapiyestahan ng San Vicente ang patron ng Sta Fe. Nagmamadali akong pumasok sa room kasi nga baka mahuli ako sa klase namin. Ilang sandali pa at nag-umpisa na ang klase.*

*Break time na at siya namang yaya ni Cedie sakin para magbreak na muna at kumain.*

"Jude tara kain na muna tayo sa canteen. Nagugutom ako kukunti lang kasi ang kinain ko kaninang agahan ehh." sabi nito sakin.

"Ako nga din ehh. Tangahali na ng magising ako kaya't tinapay nalang ang kinain ko." sagot ko naman sa kanya na nooy nag-uumpisa ng kumalam ang sikmura ko.

*Sabay na kaming tumungo sa canteen kasabay din si Charles na nooy kausap ng isa niyang kaibigan sa phone. Pagkarating sa canteen ay agad kaming pumila at kumuha na ng ma-oorder namin at naghanap na ng mauupuan. Ng makaupo na kami ay siya naman tanong ni Cedie sakin.*

"Jude saan mo balak gumala mamaya?" tanong nito sakin.

"Di ko alam ehh. Baka umuwi nalang siguro ako at marami pa akong gagawin sa bahay." sagot ko naman.

"Teka wala ka bang pasok sa trabaho mo mayang hapon?" tanong naman nito sakin habang kumakain.

"Wala ehh. Piangpaliban nalang muna ng boss namin ang trabaho namin para makiisa sa pagunita sa kapiyestahan ng San Vicente." sagot ko naman sa kanya.

"Ahh ganun bah? Yayain sana kita." sabi nito sakin.

"San naman?" tanong ko sa kanya.

"Mamasyal tayo sa park. Maraming mga patimpalak doon at may perya." sagot niya naman sakin.

"Ikaw bah Charles pwede ka mamaya?" tanong naman niya kay Charles.

"Hindi ehh kasi may practice kami sa basketball." sagot naman nito.

"Sayang naman." sagot niya na parang nananamlay dahil sa sagot ni Charles.

*Mag-aalas onse na at nalalapit na ang pagtatapos ng huling klase para sa umagang ito. Ilang sandali pa at tumunog na nga ang bell ng paaralan hudyat na tapos na ang klase sa umaga. Agad at nagmamadaling lumapit si Cedie sakin.*

BOOK 2: MY ENEMY MY LOVER (BoyXBoy) - [ Completed ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon