CHAPTER 3 Date + Gift
***HERMIONE POV***
MATAPOS ang mahaba-habang paghahanap ng shoes nakapili din kami. Nandito na ako sa loob ng kotse ni Nathan, siya ngayon ang nagmamaneho.
"Ilang taon ka na ba?"
"Sixteen." ^___^
"Ang bata mo pa pala." =__=
"Magkasing-edad lang kaya tayo." ^__^
"Hindi ba tayo kakasuhan sa ginagawa mo?" =__=
"May license ako." ^__^
"Sure ka?" O__O
Sa ganyang kabata? Nagka-license pa?
"Oo naman." ^__^
"Imposible." =__=
"Bahala ka." ^__^
Tumigil na ang sasakyan. Nauna siyang lumabas sa akin. Balak ko sanang buksan ang kabilang pinto ngunit naunahan niya ako. Inilahad niya ang isang kamay. Napatitig na naman ako doon.
"Tititigan mo na lang ba yan? Maawa ka sa kamay ko. Baka matunaw." ^___^
"Tss!" Tinanggap ko na lang.
Pasalamat siya dahil mabait ako. At ang ipinagpapasalamat ko. Hindi mahaba ang heels na ipinasuot niya sa akin. Katamtaman lang.
Pumasok kami sa loob na magkahawak kamay. Ang lahat ng mga mata ay sa amin nakatoon. Nakaramdam ako ng hiya. Baka mapahiya ako. Sasabihin nila na hindi bagay sa akin ang magsuot ng ganito... na dapat panlalaking damit ang dapat kong isuot kasi mukha akong lalaki at....
Natigil ako sa kaka-AT nang dahil sa ginawa ni Nathan. He squeeze my hand. Napatitig ako sa kanya. Nakangiti siya, na parang sinasabi niya na wala akong dapat na ikabahala dahil...
"Maganda ka." Bulong niya.
Maganda ako!
Panggagaya ng isip ko sa sinabi niya. Napaisip ako. Teka... tama ba ang narinig ko? Sinabihan na naman niya ako ng maganda? Aish!
"Ngumiti ka na ganda." ^__^
Pilit akong ngumiti at tumungo pagkatapos. Ramdam ko ang malakas na pintig ng aking puso. Dinala ako ni Nathan sa kinaroroonan ng isang magandang babae. Maputi siya, cute, sexy at ang...
Teka... bakit ko pinupuri? Matutuluyan na ba ako sa pagiging lalaki?
BINABASA MO ANG
I'm His Pretend Girlfriend(COMPLETED)
Short StoryOne day, isang araw, may siraulong lumapit sa akin at inalok ako na magpanggap bilang JOWA niya. Hindi ako makasagot. Inalok niya ako kahit pa 99.9% ang nagsasabing LALAKI AKO! AS IN LALAKI!