Chapter 2
"Hinde biro lang, kuya pwede bang ikaw muna yung tumayong ama ng batang dinadala ko?" Seryosong tanong niya.
Kulang nalang lumuwa yung mata ko dahil sa narinig ko. Ako? Magiging tatay ng batang hindi naman galing sa dugo at laman ko? Hahaha. Joke yon?
"Ate, yung totoo? Naka ilang grams na shabu ka ba?"
"Hindi naman ako nagbibiro eeeeh! Tsaka putsa! Mukha ba kong naka shabu?! Hindi naman diba?!" Sabi niya habang minumulat yung mata niya. Naka shabu talaga ata to eh.
"Wag kang manigaw! Ikaw na nga lang nanghihingi ng pabor. Ikaw pa galit!"
"San ka ba nakatira? Tara na hahatid na kita." Hindi na siya sumagot. Bala siya jan. Pumasok na ko sa kotse ko. Nagulat naman alo nung kinatok niya ying bintana ng kotse ko.
Binaba ko yung bintana ng kotse ko.
"Pasok" Tahimik lang siyang pumasok sa kotse ko.
Habang malapit na kami sa condo na tinitirahan ko, narinig ko siyang humihikbi.
"Wag ka ngang umiyak." Sabi ko sabay bato ng panyo sa kanya. At dahil sa gwapo ko, kapul sa mukha niya yung panyo.
Pinunasan niya yung luha niya, nagulat pa nga ko nung siningahan niya yung panyo ko chaka binalik sakin eh. Kala mo tanga e.
"Please kuya. Tulungan mo ko, hanggang sa manganak lang ako. Promise!"
"Eh! Bat ko naman aakuin yang anak mo?! Tatay ba ko niyan?!" Sabi ko habang pinapark yung kotse ko. Bumaba na ako chaka naglakad papasok ng elevator. Sumunod naman siya sakin.
Pinipilit niya pa rin ako pero di ko siya pinapansin. Nagulat nalang ako nung lumuhod siya sa harap ko..
"Please naman kuyaaaa Tatanawin kong malaking utang na loob to sayo! Kuya, tulungan mo lang ako habang nagbubuntis ako. Pagkatapos nun, tapos na. Gagawin ko lahat! Lahat ng ipagawa mo. Tulungan mo lang ako." Sabi niya habang umiiyak.
Hindi ko nlang siya pinansin at tuloy tuloy ng pumasok sa loob ng unit ko. At hindi ko na siya narinig pa.
Gago ampota. Ano yon? Pagkatapos ng 9 months iiwan niya din ako? Parang ginamit lang niya ko kung ganon!
Nagbihis lang ako ng simpleng flower shorts, yung pang summer. Tapos wala kong pang itaas. Wala naman akong kasama dito sa unit ko eh.
Sinaksak ko yung ipad ko sa speaker ko at pinatugtog ko yung favorite song ko.
Wala, na eelibs lang talaga ko sa danger ng bts.
"YOURE IN DANGER!"
"YOURE IN DANGER!"
"YOURE IN DA---"
*Dingdong. Dingdong. Dingdong. Dingdong.*
Napatigil ako sa pagkanta nung biglang may nagdoorbell. Hays! Makukuha ko na yung part ni Rap Monster don eh!
*Dingdong. Dingdong. Dingdong. Dingdong*
"Weyt laaaaaang!" Kumuha lang ako ng puting tshirt chaka ko binuksan yung pinto.
O.O Yung.. Yung.. Yung babae kanina! Bat andito siya, chaka parang kasama niya yung Parents niya?!
"Mama, Papa. Siya po. Siya po ang ama ng batang dinadala ko."
Napanganga nalang ako sa sinabi niya. Ako?! Seriously?! Naka shabu ba talaga siya?!
------
BINABASA MO ANG
Daddy na ko?!
HumorAko si Lee Hyun, babaeng nabuntis at tinakbuhan ng nakabuntis sakin. at sa kasagsagan ng pagluluksa ko, nakilala ko siya. Si Dominique Vargas ang lalaking umako ng responsibilidad sa anak ko at ang lalaking.. nagpatibok ulit ng puso ko.